Hindi alam ni Dome kung bakit hindi siya makatulog kaya bumaba muna siya para uminom ng gatas sa kusina. He's not into milk pero susubukan niya para lang makatulog dahil iyon ang sabi ng karamihan. Pampaantok daw ang gatas at pampagising naman ang kape. Pero hindi pa niya nasubukan kaya hindi niya masasabi kasi ang hilig niyang inumin ay juice at tubig lang. Isa pa, maselan siya sa mga pagkain. Kapag ayaw niya ay hindi niya talaga kakainin. Bakit pipilitin ang sarili kung ayaw ng sikmura 'di ba? Maarte na kung maarte, he was born that way.
'Ba't 'di na lang sleeping pill. Psh!' Ipinagbawal pala ni Don ang sleeping pill sa bahay nila. Hindi naman ito doktor pero nag-aastang doktor ito kapag merong may sakit sa pamilya nila dahil iyon ang gusto sana nito na hindi naman nangyari dahil sa responsibilidad nito sa kanilang pamilya. Don is just two years older than him at ayaw namang magpatawag na kuya si Don. Mabuti nga at hindi siya ang naging panganay dahil baka siya ngayon ang nasa sitwasyon nito. Hindi niya rin sana marating ang propesyon niya ngayon sa mundo ng Arts. Para lang naman silang magkabarkada though hindi sila ganoon ka-close na magkapatid at hindi rin naman sila nag-aaway.
Pagkababa niya ng kusina ay kaagad siyang nagbukas ng reef.
'Alin ba ang mas maganda? Hot or cold?' Saglit muna siyang nag-isip at nagdesisyon siyang mainit na lang kaya kumuha siya ng maititimpla.
'Ba't pala ang dilim dito?' Kinapa niya ang switch para magkailaw dahil ang liwanag pala kanina ay galing sa komedor.
Pagkabukas niya ng ilaw ay nagulat siya nang may makitang tao sa sulok malapit sa sink.
"What the? What are you? Kuwago ka ba?" Naiirita niyang tanong sa babaeng nakatayo sa sulok habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa rin sa kanya.
"Sorry! Sanay kasi ako sa dim light," anito. Tinaasan niya ito ng kilay. Halata nga dahil nakikita nito sa dilim ang mga hindi niya kayang makita. Impressive!
'Such a weird creature.'
Binaliwala niya na lang ito at tumalikod na para magtimpla ng gatas. Pagharap niya para mailapag ang mainit na gatas sa mesa ay nagulat na naman siya. Paano ay nasa mesa na ito at nakaupo habang nakatingin pa rin sa kanya?
"Alam mo bang nakakainis ka na? Bakit ang hilig mo sa madilim? You're weird and...creepy," paasik niyang wika rito dahilan nang panlalaki lalo ng mga mata nito. Kaunti na lang at iba na talaga ang iisipin niya rito kay Gerogina. Matatakot na talaga siya dahil baka mamaya may lahi pala itong aswang.
'Uso pa ba 'yon?' sa isip-isip niya.
"You really look like an owl with that kind of look," naiiritang dugtong niya. Sinamaan naman siya nito ng tingin.
'And now you look like a tigress.' Natatawa siyang napatingin sa maganda nitong mukha kahit na nakasimangot. Now he have a beautiful subject to make a new masterpiece.
Nasundan niya ito ng tingin nang bigla itong tumakbo palabas ng kusina.
"Hey, wait!" Pigil niya rito pero nakalabas na ang dalaga. He didn't mean to be that rude. Isn't he? He just found her funny and cute. Ang bilis nitong mapikon samantalang nagsisimula pa lang siyang mag-enjoy sa pang-aasar dito.
Samantala, dali-dali namang umakyat si Georgina sa hagdan. Naiinis na nahihiya siya na ewan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Akala niya ay naging mabait na sa kanya si Dome pero hindi pala. Inaasar pa siya lalo. Hindi niya sinsadyang gulatin ito at wala siyang intensyon na gawin iyon. Sanay kasi siya sa kubo nila na hindi masyadong maliwanag kapag gabi.
'Ba't ba kasi bumaba pa ako?' aniya sa isip habang nagtatakbo. Nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto niya dahil baka maabutan siya ni Dome na narinig niyang pinipigilan siya.
Nang akma na niyang buksan ang pinto ay may kamay na pumigil sa kanya at marahas siyang iniharap dito. Napasinghap siya nang makita ang matalim na mga titig ni Don.
"What do you think you are doing?" matigas ang boses nito. Kinakabahang nauutal siya nang sumagot.
"P-papasok sa kuwarto—"
"Kuwarto ko?" putol nito sa sinasabi niya. Nanlalaki ang matang napatutop siya sa kanyang bibig.
"Huwag mong sabihing naliligaw ka na naman? O baka naman kinabukasan ako ang paaalisin mo sa sarili kong kuwarto?" Nang-uuyam na tanong nito sa kanya kaya dali-dali niya itong tinulak at walang lingon na binuksan ang pinto sa likuran nito kung saan naroon ang kanyang kuwarto.
'I'm dead,' nababahalang napatampal na lang siya sa kanyang noo. Nakatalukbong siya ng kumot at nagbabakasakaling hindi na pumasok sa isip niya ang nangyari ngayong araw. Gusto na niyang matulog para pansumandaling makalimutan ang kahihiyan at inis na idinulot ng dalawang binata.
Nagising si Georgina sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha na nagmumula sa bintana. Bahagya pala itong nakabukas. Bumangon siya at nagtungo sa banyo. Nag-ayos at nagtoothbrush bago lumabas ng kuwarto. Paglabas niya ay natigilan siya nang makitang sabay-sabay silang tatlo ni Don at Dome na lumabas ng kanilang mga kwarto. Napatitig siya kay Don sa harapan niya na matiim na nakatitig naman sa kanya. Pagbaling niya naman kay Dome ay nakataas-kilay naman ito at nakangisi.
'Good gracious,' sambit niya sa isip.
Napaka-akward. Kung puwede lang ay lamunin na siya ng sahig ngayon para matakasan ang nakakailang na sitwasyong iyon.
Bigla namang bumukas ang katapat na kuwarto ni Dome na pagmamay-ari ni Donny. Angel in disguise at binasag nito ang nakakabaliw na momentum na iyon.
"What a great morning! Hi, Georgina and...brothers? Err! I feel an akward atmosphere between the three of you," anito at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo.
"Tss!" Napaismid si Don at walang-emosyong naglakad na nilampasan ang dalawa. Sumunod naman si Dome kaya naguguluhang tiningnan si Georgnina ni Donny. Kibit-balikat lang ang naging tugon niya at muling pumasok sa kanyang silid.
"Argh!" Napasabunot siya sa kanyang buhok. Nahihiya siyang harapin ang mga ito lalo na si Don dahil sa katangahan niya kagabi.
"Kung hindi ba naman dahil sa Dome na 'yon. Argh! Nakakainis talaga! Baka kung ano naman ang isipin niya dahil nahuli niya akong pumasok sa silid niya. Malay ko bang kaniya pala 'yon? Magkapareho ang mga pinto at hindi ko pa rin kabisado ang silid ko." Nafu-frustrate siya sa sarili. Second time na katangahan. Baka isipin ni Don na sinadya niya talagang pasukin ang kuwarto nito.
Alas diyes ng umaga ay hindi pa rin bumaba si Georgina. Mayamaya ay may narinig siyang katok sa pinto. Naisipan niyang lumabas na dahil nalipasan na rin siya ng gutom.
"Hindi ka nagbreakfast?" bungad kaagad ni Donessa sa kanya pagkabukas niya ng pinto. Alinlangan siyang tumango kaya hinila siya nito palabas at ito pa ang nagsara ng pinto sa kanyang kuwarto.
"Bakit? 'Di ka ba nagugutom?" tanong nito at kumapit sa kanyang braso. Ang sweet naman nito. Sinagot niya na lang ang tanong nito para hindi na siya tanongin pa. Nagtungo sila sa kusina at pinakain siya ni Donessa na akala'y gutom na gutom siya. Nakakailang kasi asikasong-asikaso pa talaga siya. Kaya niya naman ang sarili niya pero nagpumilit ito na hayaang pagsilbihan siya bilang kapatid na babae.
Pagkatapos ay niyaya siya ni Donessa sa garden. Doon sila tumambay dahil nasa swimming pool daw ang mga kapatid nito. Nag-usap lang sila roon at napag-alaman niyang sa Lunes ay aalis na ito papunta sa Italy para sa fashion week ramp nito. Natutuwa naman siya para rito. Napakabata pa nito para maging successful at sikat na ang estado. Isa iyong malaking achievement na maipagmamalaki nito sa angkan mg Salvatore.
Mayamaya ay nagpaalam ito na kunin muna ang cellphone nito dahil may gagawin pa umano. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Ilang minuto siyang naghintay at hindi pa nakabalik si Donessa kung kaya't naisipan niyang sundan na lang ito sa loob.
Pagkarating sa sala ay bahagya pa siyang nagulat nang mapansing may nakaupo roon sa sofa habang seryosong nagtitipa sa aparato nito. Hindi niya ito kilala kaya nagkunwari siyang nauubo para maagaw ang atensyon ng lalaki. Doon ito nag-angat ng tingin.
'Oh! Ang gwapo niya. Another sibling?' naguguluhang tanong niya sa isip. Unti-unting ngumiti ang gwapong lalaki habang tumatayo at saka lumapit sa kanya.
"Hi, beautiful lady!" masigla nitong bati at kinuha ang kaliwa niyang kamay. Dahan-dahang dinala nito sa bibig nito at hinalikan ang likod ng kanyang palad. Napasinghap siya sa ginawa nito at tila napapasong hinila niya ang kanyang kamay. Nakakabigla naman ang lalaking ito. Mapangahas!
She saw an amusement in his eyes and at the same time admiration.
"I'm Steven Salvatore and you are?" pagpapakilala nito sa sarili. Gulat na napatingin siyang muli sa mukha nito. Hindi niya balak na kilalanin ito pero mukhang kailangan niyang malaman.
'Isa rin siyang Salvatore?'
Nakamaang lang siya sa binata at ito naman ay gano'n din. Para silang mga timang na hindi na nagsasalita dahil tahimik na kinikilala ang isa't isa. Pero nakakaramdam na siya ng pagkailang. Kung makatitig kasi ito ay parang naglalaway at para siyang lalapain. Tagos hanggang buto ang mga tingin nitong may kasamang pang-aakit. Nandidiri siya sa ganoong uri ng tingin kasi nagmumukha itong manyak sa kanyang paningin. Marahil sa ibang babae ay gustong-gusto ang ginagawa nito na parang hinuhubaran sa mga titig pa lang. Pero isa siyang birhen at naasiwa siya. Nababastusan siya sa iniakto ng Steven na 'to.
"I'm eager to know your name, beautiful lady. Are you a visitor or what?" untag nito sa kanya. Nag-iisip siya kung ano ang isasagot. Ito ang ayaw niyang itanong sa kanya. Kahit pa sabihin niya ang totoo kung bakit naroon sila sa mansion ng mga Salvatore ay walang maniniwala. Iniisip ng mga tao na social climber sila. Gold digger. Lalo na sa kanilang bayan noong umalis sila. Ganoon naman talaga sa probinsya. Huhusgahan ka ng mga tao sa paligid mo. Inggit ang karaniwang dahilan na humihila sa tao pababa para bumagsak. But she has to go with the flow. Hindi niya naman ginusto ang lahat. Kung hindi sila kinupkop, mahihirapan sila ng kapatid niya lalo't nag-aaral sila pareho.