Chapter 11

1706 Words
  Abala si Don sa pag-aasikaso ng business nila. Nasa training na siya ng pamamahala at malaki ang kanyang reaponsibilidad kung kaya't hindi niya gaanong napagtuunan ng pansin ang ibang mga bagay. Lalo na si Georgina na ilang araw ng gumugulo sa isip niya. Tinitikis niya ang sarili na hindi ito lapitan dahil siya lang ang mahihirapan. Tanging pagtanaw lang dito mula sa malayo ang nagagawa niya ngayon. Bakit kasi pabalik-balik ito sa kanyang isip gayong iniiwasan niya na nga ito sa mansion? Pero kahit anong iwas niya ay lalo naman itong nagpapakita. O baka nagkataon lang na kung saan siya ay naroon din si Georgina. Kung maaari ay ayaw niya munang magulo ang kanyang atensyon. May tamang panahon din para roon. Saka na lang niya pagtuunan ito ng pansin kapag maayos na ang lahat. Ngayon pa at nalalapit na siyang magtapos sa kanyang training. Kaunting panahon na lang at makakasama niya na rin ito. Pangako niya iyon sa ama nito bago ito igupo ng karamdaman at namatay. May lihim siyang hindi dapat malaman ni Georgina dahil tiyak na masasaktan ito. Pero kahit ano pa man ang mangyari, si Georgina pa rin ang pipiliin niya at ipaglalaban sa huli.  He loves her more than anything. Kaya nga nagsakripisyo siya ng ilang mga bagay para sa huli ay siya naman ang masusunod. He will take risk just get her in a right timing. Sana lang ay magawa niya itong paibigin sa kanya hanggang sa puwede na silang magkasama.   'Gaano man kahaba ang paghihintay ko Georgina, alam kong sapat iyon para makuha kita ng hindi labag sa loob mo.'      NAPAKABILIS ng panahon at sa susunod na buwan ay gagraduate na si Georgina. Masaya siya dahil natupad niya na ang pangarap nila ng papa niya para sa kanya. Ngunit sa kabila niyon ay may lungkot siyang nadarama. Habang papalapit ang araw na iyon ay lalo siyang nakakaramdam ng lungkot. Nalalapit na ang panahong lilisanin nila ng kapatid niya ang mansion ng mga Salvatore. Napakabuti ng mag-asawa at ng buong pamilya.    'Talaga lang Georgina? Mabuti na ba lahat ngayon para sa 'yo?' kontra ng isip niya. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit parang mabigat ang kanyang loob. Ilang araw niya nang hindi nakikita sa mansion si Don, at si Dome at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naaapektuhan. 'Oh ngayon? Bakit ka nagmamarakulyo? Hindi ba dapat ay masaya ka na dahil may kapayapaan ka na kahit papa'no?' sita ng isip niya.   Naisipan niyang pumunta sa pool ngayon para magpahangin at mag-isip. Tapos na silang maghapunan kaya magpapahangin muna siya. Matamlay ang kanyang pakiramdam. Para bang kailangang niya ng bitamina para sumigla. Bigla niya namang nakita si Dome na nasa pool at lumalangoy. Every night pala itong naroroon. Saglit muna siyang nag-isip kung tutuloy pa ba o babalik na lang sa kanyang silid. Ayaw niya namang tumambay sa harden dahil matatakutin siya. Kakapanood niya siguro ng mga horror movies kaya ganoon.  Umupo na lang muna siya sa upuang bakal malapit sa pool. Baka kung ilublob niya na naman sa tubig ang kanyang mga paa ay uusok na naman ang ilong ni Dome.      Nagmumuni-muni siya kaya hindi niya namalayang nakaahon na si Dome at kasalukuyang nagpupunas ng katawan 'di kalayuan sa kanyang puwesto habang taas-kilay na nakatingin sa kanya. Naramdaman niyang tumunog ang mobile phone niya na nakapatong sa mesa kaya sinagot niya ito ng 'di tinitingnan.    "Hello!" walang gana niyang sagot.   "Next week pupunta na ako ng Pilipinas. Miss you so much Georgina." Napalayo ang tenga niya sa kanyang aparato at napairap.   "Dwight! Ang cheesy mo. Oo na basta magkita na lang tayo," naiinis niyang turan. Malapit na kasi ang graduation niya kaya aagahan nito ang pagbisita at para na rin makapagbakasyon. Napalingon siya sa gilid niya nang may tumikhim. Kaagad niyang tinapos ang tawagan nila ng pinsan.     "Sige Dwight, just inform me when you arrive."      "Boyfriend?" kapagdaka ay tanong ni Dome na natapos na sa pagpupunas ng basang katawan at ngayon ay nakasampay na sa balikat nito ang tuwalya. Napalunok siya nang makita ang katawan ng binata. Naka-swimming trunks lamang ito. Ang ganda talaga ng katawan! May abs pa talaga. Nakita niyang nakangisi sa kanya ang binata.      "No, I don't have a boyfriend," kaagad na tanggi niya. "I see," anito at naglakad palapit sa kanya saka umupo sa upuan kaharap niya. Nabigla siya at kinabahan. Nakatitig kasi ito sa kanya ng matiim. Ngayon ay iba na naman ang pakikitungo nito sa kanya.     'Ang guwapo niya pala talaga sa malapitan,' naisambit niya sa isip.      "I'm sorry for being rude sometimes. Ayoko lang kasi ng...I mean hindi lang ako sanay na may ibang tao sa bahay na hindi ko kilala. But don't worry hindi na kita pakikialaman," nakangiti nitong sabi. Naguluhan naman siya sa iniasta nito ngayon. Ba't bigla yata itong bumait?  'Bipolar din?' Nginitian niya na lang ito.   "I guess we're friends now," anito sabay lahad ng kanang kamay. Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito at marahang hinila iyon. Para kasing ayaw pa nitong bitawan at naiilang siya. Nakangiti pa rin ito sa kanya at napansin niyang may biloy ito sa magkabilang pisnge.      'Wow! Lalo siyang naging charming sa paningin ko. Ba't ka naman bumait bigla sa akin Dome?' sa isip-isip niya. Mayamaya'y nagpaalam na ito kaya naiwan siyang tahimik na nakapag-isip. Kahit papa'no ay gumaan ang loob niya dahil sa pinakita ni Dome. Masaya lang siya.   ARAW na naman ng Sabado at may usapang magkikita sina Georgina at Monique. Dahil sa sobrang abala ay ngayon lang sila makakalabas na magkaibigan. Nakaayos na siya at pababa na ng sala ay saka niya napansing umuulan pala.   'Paano na 'to? Mahihirapan ako kung magcommute.'  Pasilip-silip siya sa glass wall para tingnan kung tumitila na ang ulan.      "Aalis ka pa rin kahit malakas ang ulan?" Napatalon siya sa pagkagulat nang may isang baritonong nagsalita sa kanyang likuran. Pagharap niya ay nakapamulsa ito habang matiim na nakatitig sa kabuuan niya. Don really gave her goosebumps.     'Don!' nabigla niyang sambit sa isip. Bakit sa tuwing nasa paligid ito ay hindi siya mapalagay? Hindi siya komportable at higit sa lahat ay nahihiya siya. Napalunok siya ng laway dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.     "Hindi ko puwedeng ipagpaliban ang usapan namin ni Monique," sagot niya na sa balikat nito nakatingin. Ang tangkad kasi nito at ayaw niya namang titigan ito sa mga mata. Halos isang metro lang ang layo ng pagitan nila at naamoy niya na ang pabango nito.      'Hmm...Napakabango niya kahit hindi kami masyadong magkalapit. Nakakahalina.'  Wala sa sariling napapikit siya para samyuin ang amoy nito. Pasimple siyang humarap sa glass wall para hindi nito mapansin ang ginagawa niya.      "What are you planning to do now?" Napadilat siya ng marinig ulit ang baritonong boses nito. He's very masculine on his white V-neck shirt paired with a black cotton pajama.     'Matutulog na ba siya?' Napatingin tuloy siya sa mobile clock niya. It's still ten in morning at ang aga pa para matulog.     "Gaano ba kaimportante ang lakad mo at parang nagmamadali ka?Mahihirapan kang sumakay," anito. Kahit 'di naman siya nakadress ay mahihirapan pa rin siya sa paghahanap ng masasakyan. Mababasa pa rin siya.     "Magpahatid na lang ako kay mang Canor na driver ni'yo," tugon niya. Bumuntong-hininga ito at napatiim-bagang.      'Bakit naman ganyan ang reaksyon niya?'    "Wait for me here. I'll drive you," sabi nito at kaagad pumanhik sa hagdan.      'Ano raw? Ihahatid niya ako?' Napatili siya sa isip. Bakit nito gagawin iyon?Pwede naman siyang magpahatid na lang pero nagboluntaryo si Don na ihatid siya. 'Oh my gosh! Donnelly! Donnelly! Pafall ka masyado.'  Matiyaga siyang naghintay sa pagbaba ni Don. Somehow ay nakaramdam siya ng excitement and at the same time ay nahihiya rin. Hindi pa sila ganoon ka palagay ang loob sa isa't isa yet heto siya ngayon at ihahatid ni Don sa kanyang pupuntahan. Baka naman gusto nitong malaman kung sino ang katatagpuin niya kaya ganoon ito? 'Ew! Assuming.' Mayamaya ay nakababa na si Don at nakabihis na rin. Black signature shirt at black pants at may black leather jacket din itong suot. Men in black ang aura nito ngayon. Nagpatiuna itong lumabas at sumunod na siya rito sa garahe. Masaya siya ngayon at hindi niya maamin sa sarili kung bakit.     Nang makasakay na sila ay walang ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Buong biyahe ay tahimik lang silang dalawa. Ayaw niya rin naman itong kausapin pero hindi siya mapakali sa upuan. Ayaw niya ang ganoong uri mg katahimikan pero ano naman ang pag-uusapan nila?  Narinig niya ang tunog ng kanyang cellphone kaya binasa niya ang text ni Monique at nagreply siya na malapit na siya sa lokasyon. Sa Starbucks sa West Avenue siya nagpahatid. Ipinasok pa ni Don ang sasakyan sa parking ng starbucks para 'di siya mabasa ng ulan 'pag bumaba na siya.     "Call me when you're about to go home. Susunduin kita,"anito nang makababa na siya. Nagulat naman siya sa sinabi nito. Nakakabigla ito ngayon. "Ahm...H-huwag na. Mag-taxi na lang ako," tanggi niya. Napansin niya ang masamang tingin nito. Nataranta tuloy siya sa iniasta ni Don.     "Mapapanatag ako kung masundo kita sa ganitong panahon. Unless may iba ka pang lakad?" nasa tono nito ang pagkairita.     'See? Masungit siya. Ayaw ko na nga siyang maabala tapos magagalit pa.'    "Wala naman. Sige, kung hindi nakakaabala sa 'yo." "Kaya nga kita susunduin dahil wala naman akong mahalagang gagawin." "Ah...Gan'un ba? S-sige salamat. Ingat ka." Kaagad itong umalis nang maisara niya na ang pinto ng kotse nito. Nahihiya talaga siya kaya hinatid na lang niya ng tanaw ang papalayo nitong sasakyan. 'Paano siya nagkaroon ng number ko?' Tiningnan niya ang phone niya at hinanap kung may contact siya rito. Wala naman siyang pinagbigyan ng mobile number niya. Hindi kaya hiningi nito sa kapatid niya? Sa naisip ay bigla siyang natuwa. Parang kinilig siya pero ayaw niyang isipin na may ibang ibig sabihin iyon kung totoo mang hiningi nito sa kapatid niya ang mobile number niya. Pumasok na siya sa Starbucks at hinanap si Monique sa second floor. Pagkakita niya sa kaibigan ay kinamayan siya nito habang nakangising-kabayo. May palagay siyang inabangan nito ang pagbaba niya at nakita kung sino ang naghatid sa kanya.  'Hay naku! Hindi ako titigilan nito hanggat walang nakukuhang sagot sa nakikita. Dakilang tsismosa talaga. Ireto ko kaya 'to kay Dwight?'     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD