Chapter 10

1505 Words
  Sa mga nakalipas na mga araw ay abala si Georgina sa pag-aaral. Nag-ojt siya sa isang private school kaya naman halos hindi na sila nagkikita ng kapatid niya at ng mga Salvatore. Sabado ngayon at pahinga niya pero may gagawin pa siyang lesson plan para sa demo naman sa Monday. Muli siyang nagtungo sa library ng mansion para na rin magresearch. Pagkapasok niya ay bahagya pa siyang nagulat ng maabutan doon si Donny.      "Nagulat ba kita?" nakangiti nitong tanong. Nakaupo ito sa isang study table at may mga nakakalat na papel at mga larawan doon. He really looked charming when he smile. Sad to say he's to young for her.    'What am I thinking?' Naipilig niya ang kanyang ulo sa mga naiisip. Hindi siya dapat nakikipaglapit sa mga anak ng taong kumupkop sa kanila. Higit sa lahat, bawal siyang mahulog isa man sa mga binatang Salvatore. Mahihirapan lang siya sa huli.    "Not really. Ano pala ang mga 'yan?" tanong niya habang papalapit dito at sinilip ang mga nakakalat sa mesa nito. Komportable siya kay Donny at hindi siya nakakaramdam ng ilang dito. Marahil ay kapatid ang turing niya rito at ganoon din ito.    "Ah...these? Just nothing," tugon nito habang nililigpit ang mga gamit. Tila ba ayaw ipaalam sa kanya ang ginagawa nito. Pero nakita niya ang ilang nakalatag. Namangha siya nang makita ang mga larawan.     "You're a photographer?" natutuwang tanong niya habang palipat-lipat sa larawan at mukha nito ang paningin niya. Napapahiyang ngumiti ito. Wala sa mukha nito ang hilig nito. Ang akala kasi niya ay nagmomodelo rin ito o 'di kaya ay isang drag racer dahil sa cool aura nito. "Ang gaganda ng mga kuha mo," puna niya habang isa-isa uling tiningnan ang mga nakalatag sa mesa. Para na itong propesyonal sa larangang iyon base sa nakikita niya. Isa iyong magandang talento samantalang siya ay ni wala man lang talento.   "Humbly, yes! That's my passion, "sagot nito na nakangiti.     "Woah! Your so cool!" wala sa sariling napapalakpak siya dahil sa kasiyahan.   "Hahaha! Grabe ka naman. Nahihiya tuloy ako. Pero mas cool si Dome," anito kaya napalingon siya rito. Nagtatanong ang mga mata.   "Ahm...Ever since, he's my idol," dagdag pa nito.   'He's a bias sibling. Pa'no naging cool ang maarteng 'yon?' aniya sa kanyang isip.     "He's born an artist. He is a great painter at the young age. Kita mo naman lahat halos na nakasabit sa mansion na mga canvass at paintings ay gawa niya." Namangha siya sa narinig. Ang tanong niya sa isip ay nasagot na.     "Is he that DM Salvatore?" pagkompirma niya rito. Matamis itong ngumiti at tumango.     "Are you a fan?" may himig panunukso sa boses nito.     "No! I mean, not really. Well yes, I can see how great his artworks were. I'm just curious about the abbreviation underneath."   "How about you? Baka naman puwedeng ipakita mo rin sa akin ang talento mo." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Anong ipapakita niya gayong wala siyang maipagmamalaki? Average nga lang siya sa academia tapos wala pa siyang talent.  "W-wala akong talent eh! Hindi rin ako matalino," nabigla niyang tugon dito na ikinatawa nito. "Impossible. Well, maybe true. Pero bumawi ka naman sa ganda. Anyways, mauna na ako. Have a nice day, Georgina." Pilit ang ngiting iginawad niya rito. Nahihiya siya lalo pa at parang papuri ang huling sinabi nito. Wala nga raw siyang talento pero bumawi naman daw sa ganda. Mabuti pa ito at masaya siya kapag ito ang kausap. Hindi niya nararamdaman ang pambobola sa mga salita nito. Muli namang bumalik sa kanyang isip ang nalaman tungkol kay Dome. 'So, Dome is the young artist who have a portrait of my childhood? Kailan siya nagpunta sa rancho at hindi ko man lang siya nakita samantalang ako ay naiguhit niya pa?' Malalim siyang napaisip. Medyo nakaramdam siya ng tuwa sa nalaman. Para kasing may crush sa kanya ai Dome dahil ipininta ang kanyang mukha. Hindi naman gagawin iyon ng tao kung wala lang sa kanila iyon. Pero hindi siya assuming na tao. That was long time ago at baka limot na rin iyin ni Dome.   Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Masaya siya sa nalaman at the same time ay naiinis. Bakit ang maarteng Dome pa na 'yon? Pagkaalis ni Donny ay ginawa na niya ang gawain. Hindi niya alam kung ilang oras na siya sa loob ng library.      Naisipan niyang lumabas na dahil tapos naman na siya sa kanyang gawain. Pagkalabas niya ay bahagya pa siyang nagulat nang makita si Dome na nakatayo sa labas ng pinto. Madilim ang anyo nitong nakatitig sa kanya. Naguluhan siya sa iniasta nito. Hindi niya na lang ito pinansin bagkos ay nilampasan na lang ito. Ngunit nagsalita ito kaya napahinto siya.   "Pinakialaman mo ba ang mga tagong gamit doon sa loob?" Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Mukha ba siyang pakialamera?    "What are you talking about? Bawal na ba maghanap ng dapat hanapin?" may inis sa boses niyang tugon dito.      "At ano naman ang hinahanap mo roon sa loob?" tanong nito na nakataas pa ang isang kilay sa kanya.    "Really? Tinatanong pa talaga 'yan?" Alangan namang hindi niya hahanapin ang libro na kailangan niya sa pagreresearch. Library kaya 'yon kaya iyon talaga ang hahanapin niya sa loob.    "Just answer me. Ano nga?" Bahagyang tumaas ang boses nito. Hindi niya alam na napaka-big deal para rito ang pagpasok niya sa library.      "Nagreresearch ako kaya naghahanap ako ng libro. Is that forbidden?" Nasa mukha niya ang pagtataka. Kapagkuway biglang nagbago ang expresyon ng mukha nito. Kaagad iyong lumambot at nanliliit ang mga matang nagsalitang muli.   "You sure? Maliban sa libro ay wala ka ng ginalaw na iba?"     Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin. About sa painting kaya kinabahan siya ng bahagya. She manage to compose herself. At bakit siya kakabahan sa lalaking ito? Wala siyang dapat ikatakot dahil wala naman siyang pakialam sa paligid niya. Siya lang itong ginugulo kahit na umiiwas siya.     "What are you trying to imply? Na pakialamera ako? Hindi ko po ugaling makialam sa hindi akin except sa aklat na kailangan ko." Tinaasan niya rin ito ng kilay. Nakita niyang nabigla ito pagkaraa'y naglakad papunta sa sulok.      "Kung wala ka nang gagawin just leave. May gagawin pa akong mahalagang bagay dito," pagtataboy nito sa kanya kaya tumalima na lang siya. Ayaw niya na rin itong makausap.     'Wala ba akong karapatang makita ang sarili kong portait? Kung tutuusin ay ako ang dapat magalit dahil iginuhit niya ako ng walang paalam. Ano'ng intensyon niya at kailangan pa 'yong itago?' Mababakas sa mukha niya ang pagkainis. Oo masaya siyang malaman na ito si DM Salvatore at isang sikat na artist. Pero hindi siya masaya sa isiping ito si Dome na sobrang maarte.    Nasa iba ang atensyon niya kaya 'di niya nakita ang makakasalubong. Nagulat na lang siya nang hawakan siya nito sa braso. Napamulagat siya sa pagkabigla at marahas itong tiningnan sabay bawi ng kanyang braso.    "Steven? Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas siya at sinamaan ito ng tingin. Hindi talaga siya komportable sa isang 'to.   "Easy! Ang seryoso mo kasi masyado. Hindi mo man lang napansin ang kaguwapuhan ko," kunwa ay nagmamaktol ito at ngumuso pa. Napairap siya sa iniasta nito.    "Hindi tayo close at saka, huwag mo nga akong hawakan.Touchy ka masyado," aniyang naiinis at tinalikuran na ito. "Ang sungit mo naman. Halika nga, hahalikan lang kita para mawala na 'yang toyo mo." "Puwede ba? Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo kaya lubayan mo ako," asik niya rito. Talagang iniinis pa siya nito. "May dalaw ka siguro kaya ang sungit mo ngayon," dagdag pa nito at sinuyod siya ng tingin.  'Ang manyak talaga nito!' Nanggigigil siya rito sa inis pero sa halip na kausapin pa ito ay tinalikuran na niya.   Tinawanan lang siya ni Steven pero binaliwala niya na lang at nagtuloy na sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag.     'Ang manyak ng lalaking 'yun!' lalo yatang dinagdagan ni Steven ang inis niya kanina na si Dome ang may gawa. Malapit na siya sa kanyang kwarto nang siya namang pagbukas ng kwarto ni Don. Nag-iwas siya ng tingin dito at dire-diretso siya sa paglalakad papasok sa loob ng kanyang silid. Baka kung makipagtitigan pa siya sa isang 'yon ay lalong sumama ang mood niya. Naisip niya, halos gabi-gabi ay may ganap sa kanya sa mansion na iyon. Pilit niyang iniiwasan pero bakit nilalapitan pa rin siya? Gusto lang naman niyang magpatuloy sa buhay ng tahimik at wala ng dagdag pang iniisip. Pero heto ngayon siya, nilalapitan ng tukso.  Aware naman siya na may nagkakagusto sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin. Hindi naman siya manhid pero ayaw niyang maging assumera. Ngunit hindi siya paasa at ayaw niya ring umaasa. Ang gusto niya kasi sa kanyang magiging first lovelife, or first boyfriend niya ay iyon na ang magiging makatuluyan niya. Gusto niya ng seryoso at may pagmamahal sa pagitan nila. Gusto niyang dito ibibigay ang mahalagang bagay na tanging maipagmamalaki niya bilang babae. She believes in fairytale with a happy ending. At mukhang nagkakaroon na ng kulay iyon simula ng tumira sila sa mansion na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD