"Sino 'yung naghatid sa 'yo ha?" mapang-asar nitong tanong kaya pinandilatan niya ito ng mata.
"Napakamalisyosa mo talaga. Iyan kaagad ang bungad sa akin? Hindi man lang mangungumusta? Driver sa mansion 'yun. Huwag ka ngang tsismosa."
Hindi niya pinansin ang panunukso sa tono nito. Pero kabado talaga siya dahil nasa mukha nitong hindi ito naniniwala. Ayaw niyang tuksuhin siya dahil nakakahiya.
"Wow! Sosyal naman. Baka gusto mo naman akong balatuhan ng isang Salvatore diyan. Tagalinis lang ng boarding house ko," hirit pa nito sabay kindat. Napakapilya talaga nito pero hindi ito 'yong tipong malandi. Mahilig lang itong magbiro pero kung magkagusto itong kaibigan niya ay wagas din. Binabawi na niya, hindi na niya irereto sa playboy niyang pinsan itong mabait niyang kaibigan. Baka mawalan pa siya ng kaibigan sa huli kapag nasaktan ito.
"Sira!" natatawang tinampal niya ito ng mahina sa braso. Alam ni Monique ang nangyayari sa buhay niya. Ito lang ang matalik niyang kaibigan. Pero hindi niya naman ikinuwento lahat pati ang mga paghaharap niya sa magkakapatid dahil alam niyang may katabilan ang dila nito. Ayaw niyang tuksuhin siya nito.
"Oo nga. Malihim ka rin eh! Hindi mo man lang binanggit na guwapo pala 'yong naghatid sa 'yo. Tiyak na magaganda ang lahi nila. May binata pa ba sa pamilya?"
Napangiwi siya sa tanong ng kaibigan. Mukhang interesado itong malaman ang pamilyang kanyang tinitirhan ngayon. Ayaw niyang ireto ito kahit kanino lalo na sa tinutukoy nitong angkan. Sarili niya nga ay nanganganib, ipapahamak niya ba ang kanyang kaibigan?
"Sira! Ewan ko sa 'yo," naiiling na lang siya rito.
"Anyway, after graduation ay uuwi ako sa amin. Ikaw, anong plano mo?" anito nang mailapag ang order nila.
"Hindi ko pa alam. Next week ay darating na si Dwight," wika niya sabay inom ng hot cappuccino.
"Talaga? Darating ang guwapo mong pinsan? Girl, siya na lang ang ibalato mo sa akin," kinikilig na sabi pa nito. Halatang crush nito ang pinsan niyang playboy. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Mahilig kasi ito sa gwapo. Pero no way na ipakilala niya ito sa pinsan niya. Baka masaktan lang ang nag-iisa niyang kaibigan.
Tumila na ang ulan kaya nagkasundo sina Georgina at Monique na mamasyal muna. Susulitin nila ang araw. Hindi niya namalayan ang oras at nang tingnan niya ang mobile clock niya ay nataranta siya. Kaagad niyang niyaya si Monique na umuwi na. Nag-aalinlangan pa siya kung magpapasundo pa ba kay Don.
"Bakit parang natataranta ka riyan? May gagawin ka pa ba or may iba ka pang lakad?"
Mabilis na umiling si Georgina. Nahalata pala siya. Nagtext na lang siya kay Don. Kaagad namang nagreply ito at tinatanong kung nasaan na siya.
"Aba! May katext ah! Sino 'yan? Ikaw ha naglilihim ka na sa akin?"
Mabilis na tinago niya ang kanyang cellphone. Heto na nga at nagsimula na itonh mag-usisa. Malakas pa naman ang radar ng kaibigan niya dahil dakila ring tsismosa. Magkapareho lang ito at ng pinsan niyang si Dwight.
'Tudyo na naman ang aabutin ko kay Monique,' naiiling na aniya sa isip.
"Sundo ko. Alam mo namang umuulan saka 'di ko pa kabisado ang daan sa mansion," sabi na lang niya.
"I see. Sana lahat may sundo," wika nitong may pagkasarkastiko. Hindi talaga matapos-tapos ang tukso nito sa kanya lalo na mamaya kapag nakita nito si Don.
"Mauna ka na lang, Monique. Parating na rin ang sundo ko saka magkaiba tayo ng daan kaya hindi kita maipahatid," kunwa ay sabi niya sa kaibigan. Ayaw niya lang na makita nito na ang susundo sa kanya ay si Don.
"Hindi, okay lang. Gusto kong makasiguro na may susundo talaga sa 'yo at safe kang makauwi."
Hindi na talaga ito maitataboy ngayon kaya hinayaan na lang niya.
Hindi naman matagal ang paghihintay nila ni Monique. Mayamaya pa ay dumating na ang kotse ni Don at huminto sa harapan nila mismo.
"Umayos ka Monique," mahinang saway niya sa kaibigan at pinandilatan ito ng mata. Tinaasan lamang siya ng kilay nito na parang walang narinig. Bumukas ang bintana ng driver's seat. Bumungad sa kanila ang nakakunot-noong mukha ni Don. Sinilip naman ito ni Monique na bakas ang malaking paghanga sa mukha. Bigla siyang hinampas nito ng mahina sa braso habang pinipigilang mapatili nang makita si Don sa loob ng sasakyan.
"Oh my geh! Hindi mo naman sinabi na super gwapo pala itong driver ninyo," anito at kinurot-kurot pa siya ng mahina sa tagiliran.
Inirapan niya ito dahil naaasar siya.
Sumakay na siya sa kotse at dahil iba ang daan ni Monique pauwi ay hindi na nila ito maihahatid.
"Hi, handsome! Ingatan mo nawa ang kaibigan ko. Virgin pa 'yan—"
"Bye Monique! Ingat ka," putol niya sa sinasabi ng kaibigan at isinarado ang bintana ng sasakyan. Nakita niya pa ang pagtawa nito sa rearview mirror.
"Ba't 'di mo niyayang sumabay ang kaibigan mo?" Napalingon siya kay Don nang magsalita ito habang nasa biyahe na sila.
'Ibinuking niya ako baka mamaya ay kung ano pa ang gawin mo sa akin,' anang pilya niyang isipan. As if naman mangyayari 'yon? Mataas malamang ang standards ng mga ito dahil sino lang ba siya? She is plain and simple, and she is nothing.
"Iba ang daan niya pauwi," sa halip ay sagot niya rito. Akward kasi ang pakiramdam niya. Kung ano-ano kasi ang pinagsasasabi ng kaibigan niya. Baka mamaya madulas pa sa katabilan ng dila nito. Isiningit pa ang virgin thingy.
'Kaasar ka talaga, Monique!'
Para maiwasan ang awkwardness na iyon ay nagkunwari siyang abala sa kanyang cellphone. Pero ang siste at gusto pa yatang mag-usisa ni Don tungkol sa lakad niya.
"Kumusta ang lakad ni'yo? Ano nga pala ang pangalan ng kaibigan mo?"
Saglit siyang natahimik. Iniisip niyang sa lakad nila ni Monique ito interesado o baka mamaya ay magka-interes ito sa kaibigan niya. Bigla siyang naging matamlay pero pilit niya pa ring magpakasigla.
"Maayos naman. Nag-bonding lang kami ni Monique," sagot niya na sa kanyang cellphone pa rin nakatutok. Feeling close na yata ito ngayon. Ano naman ang dahilan nito? Hindi na rin ito nagsalita pa at sa pagmamaneho na ang atensyon nito na siyang ipinagpasalamat niya.
Pagkarating nila sa garahe ng mansion ay kaagad siyang bumaba ng sasakyan.
"S-salamat sa pagsundo. Mauna na ako."
Nakatingin lang si Don sa kanya at hindi umiimik. Nauna na siyang pumasok sa loob ng mansion dahil ang sagwa naman kung magkasabay silang maglakad gayong hindi pa naman sila close sa isa't-isa. Feeling close lang siguro.
Bahagya pa siyang kinabahan ng maabutan niya sa sala si Andie. Kaagad namang tumayo ang kanyang kapatid nang makita siya at sumunod din pala si Don sa kanya.
"Hello kuya Don! Hi ate!" Lumapit si Andie sa kanya. Si Don naman ay dumiretso na paakyat ng hagdan.
"Nagtext sa akin si kuya Dwight. Tumawag na ba siya sa 'yo?" tanong nito at nakita niyang nakakunot-noo si Don nang masulyapan niya habang paakyat na ng hagdan at napahinto ito saglit. Iniiwas niya ang paningin dito at hinarap si Andie.
"Oo. Magbibihis lang ako saglit. We'll talk later," paalam niya sa kapatid. Ayaw niyang marinig ni Don ang pag-uusapan nila ng kanyang kapatid. Nagtungo na siya sa hagdan at mabuti na lang dahil wala na roon si Don.
Sa kabilang dako naman, papunta ngayon sa isang bar si Dwight. Nasa Italy siya ngayon at katatapos lang ng business meeting niya. Bukas ng umaga ay babalik na siya sa New Jersey para asikasuhin naman ang pagpunta niya sa Pilipinas.
Pinsan niyang buo si Georgina sa mother side. Half American at half Filipino din siya pero matatas siyang magtagalog. Nami-miss niya na ang dalawa niyang pinsan. Gusto na ring makasama ng mga kamag-anak nila lalo na ng kanilang mga abuelo ang dalawa niyang pinsan na hindi pa nakikita sa personal ng mga ito.
Pagkapasok niya ay may kung sinong bumundol sa kanya. Malakas ang impact dahil patakbo ang babae na mukhang hindi siya napansin. Muntik na itong matumba kung hindi niya kaagad naagapan ang paghapit sa bewang nito. Naramdaman niya naman ang pagsingot nito kaya kunot-noo niya itong inusisa.
"Are you alright miss?" alangan niyang tanong sa babae. Kaya pala hindi siya nito napansin ay dahil sa mukhang umiiyak ito. Napatingin ito sa kanya at napatda siya.
'Napakaganda niya!'
Kahit hilam sa luha ang mga mata nito ay hindi iyon nakakabawas sa angkin nitong kagandahan. Bakit kaya ito umiiyak? She is a perfect definition of a modern beauty without make up. Bilugan ang mukha at napakasarap tingnan. Lalo na at lutang ang kaputian nito sa suot nitong damit na hapit sa sexy nitong katawan.
'Sh*t! My weakness.'
Sa halip na sumagot ay kumalas ito sa pagkakahawak niya at tumakbo palabas. Nabigla siya dahil parang takot ito. Hahabulin na sana ito nang mapansin ang bagay na nahulog nito sa sahig. Pinulot niya iyon at binasa. ID pa iyon ng magandang babae. Nang mabasa ang pangalan nito ay napaisip siya. Pamilyar sa kanya ang pangalan na 'yun. Hindi niya lang matandaan pero kapag alam niyang pamilyar ay nakasisiguro siyang kilala itong tao. Hinabol niya ito sa labas para maibalik ang ID na hindi nito marahil napansin na nahulog.
Nakita niyang pasakay na ito ng taxi kaya nagmadali siya para pigilan ito.
"Miss wait! ID mo!" pigil niya rito at napatitig ito sa kanya na hilam pa rin sa luha ang mga mata. Hindi dapat pinapaiyak ang mga ganoon kagandang mata. Dapat sa mga ganu'n kagandang babae ay pinapsaya. Napangisi siya sa naisip. Kapag nasa kanya kasi ang babae ay nababaliw. Maghiwalay man sila ay hindi lugi kasi pinapasaya niya hanggat gusto niya.
Nang makalapit siya ay kaagad nitong kinuha ang ID at nagpasalamat. Tulala lang siya matapos nitong makuha ang pagmamay-ari nito. Hindi man lang siya naka-first move?
'Teka! Hindi puwede 'yan. Kailangan may gagawin ako,' determinadong aniya sa isip.
Nang makaalis ang sinakyan nitong taxi ay nakaramdam siya ng panghihinayang.
'B*wesit!' napamura na lang siya sa inis. Palagay niya ay humina ngayon ang galawan niya. Kung may pagkakataon lang sana ay siya na ang naghatid dito sa kung saan man ito papunta pero bakit hindi siya naka-first base? Hindi niya man lang nakuha ang number nito. Pero may palagay siyang magkikita pa sila.
'Untill we meet again, Donessa Salvatore.'