"Hi, Steven! You're here!" bungad na bati ni Donessa na pababa ng hagdan. Natutuwang niyakap nito ang lalaki. Naguguluhan namang nakamasid lang si Georgina sa mga ito.
"You already knew each other?" baling sa kanya ni Donessa kapagkuwan. Si Steven na ang sumagot.
"Not yet. And who is this beautiful young lady, Ness?" tanong ni Steven na nakatitig pa rin sa kanya habang may matamis na ngiti. Pilit niya itong nginitian pabalik kahit na ang totoo'y gusto niya itong irapan. Baka isipin nito ay masungit siya kung hindi siya ngingiti kaya pipilitin na lang niyang ngumiti.
"Steve, not her," may pagbabanta sa tono ni Donessa. Natatawang binalingan naman ng lalaki si Donessa.
"What? I'm just asking," painosente nitong tanong pero makikita sa mukha ang pagiging palikero nito.
"She is Georgina Alonzo. Georgina, he is Steven Salvatore, my playboy cousin," pagpakilala ni Donessa sa kanilang dalawa.
'Ah! Pinsan lang pala,' aniya sa isip. 'Kita mo na at talagang kilalang palikero dahil pati pinsan ay ipinagkanulo siya.'
"Ness naman, eh! Mabait kaya ako. Stick-to-one kaya 'to," ingos nito at mukhang hindi matanggap ang sinabi ng pinsan nito.
"Siguro, pero buwan-buwan kung magpalit. Sino naman kaya ang calendar girl mo ngayon?"
"Aist! Wala na. Loveless ako ngayon at lonely."
Narinig niya naman ang malutong na tawa ni Donessa. Hindi kasi kapani-paniwala ang sinabi nito. May babaero bang nabakante at kontento sa isa? Sadyang magaling magtago ang mga ganoong tao but wait until karma arrive.
Muling kinuha ni Steven ang kamay niya at kinamayan saka marahang pinisil bago nito iyon pinakawalan. Bahagya pa siyang nagulat sa iniakto nito.
'May pagkabastos talaga 'tong isang 'to ah!' Gigil na hiywa niya sa isip.
"Pleasure to meet you. By the way, where are your brothers?" baling nito kay Donessa pagkatapos makipag-kamay sa kanya. Itinuro naman ni Donessa ang swimming pool saka mabilis na hinila siya paakyat ng hagdan. Nagpatianod na lang siya rito sa kung ano man ang gusto nitong gawin.
"You should wear this and these, and those," natatawang saad nito nang makapasok na sila sa closet nito sa loob ng malaki nitong kwarto. Napanganga na lang siya sa sobrang dami ng damit at sapatos pati bags at branded lahat ng iyon.
'Sabagay model nga pala siya.'
"Hindi ako nagsusuot ng ganyan. Masyadong expose—"
"Of course not! Hindi ka lang sanay. These are fashions," kontra nito sa kanya at pilit pinapahawak sa kanya ang mga natipuhan nitong ibigay sa kanya.
"I know but...mas komportable ako sa mga damit ko," giit niya rito.
Napasimangot ito at nasa mukha ang pagtatampo.
"Okay! I'll get those. But I will only wear it on accassions," pagsang-ayon na lang niya para hindi na ito magtampo. Hindi talaga ito matatanggihan. Nakangiti na ito ngayon at binigyan pa siya ng make-up. Lahat ng bigay nito ay tinanggap na lang niya. Medyo may pagka-childish din pala ito. Ang kulay ng kuwarto nito ay pink in majority.
'Girlish type. Paano ko gagamitin ang mga ito eh hindi naman ako sanay? Baka mapapahiya lang ako.'
Mabuti at natapos na ang araw. Kahit papa'no ay naging matiwasay pansumandali ang takbo dahil hindi niya nakaharap ang dalawang binata. Pinagtyagaan niya na lang ang presensya ni Steven at Donessa kaysa naman doon sa dalawa na parang may mga toyo. Magkaiba pa ng ugali. Makakatulog siya ng maayos at hindi bothered ngayong gabi.
PAPUNTANG library ngayon si Georgina sa ibaba dahil may hahanapin siyang aklat. Ayon kay Donessa ay kompleto ang library ng mga ito since magkaiba ang interes ng magkakapatid in terms of learnings. Pagkapasok niya ay mabuti at walang tao kaya kaagad niyang hinanap ang sadya niya. Mabilis niya naman itong nahanap.
Palabas na sana siya ng library nang may mapansin siyang malaking frame na nakasandal sa dinding. Dahil na-curious siya kung bakit ito nakatalikod at hindi nakadisplay ay dahan-dahan niya itong nilapitan.
Napansin niya na ang mga nakasabit na portrait at paintings sa mansion ay gawa lahat ng isang DM Salvatore. Napapantastikuhan siya sa artsist na iyon. Nang makalapit ay hinawakan niya ang malaking frame gamit ang dalawang kamay. May kalakihan ito at pinihit paharap sa kanya upang siyasatin. Namangha siya ng masilayan ang portrait na gawa rin ng artsist na si DM Salvatore.
Isang cute na batang babae ang nasa oil painting. Nakalarawan dito ang nakangiting mukha ng batang babae habang tumatakbo at nakalahad pabukas ang mga braso. Parang sinasamyo ang sariwang hangin. Ang buhok nito'y nililipad ng hangin. Biglang sumikdo ang dibdib niya. May kaba rin siyang naramdaman. Dèjá vu!
'She is...she is familiar. Parang nakita ko na 'to,' namamanghang aniya sa isip habang may pilit inaalala. Ang bata sa painting ay nasa pitong taong gulang pa lamang.
'Bakit niya naiguhit ito?' Nakakapagtaka. Nasa rancho Salvatore ang senaryong iyon. Nagdesisyon na siyang umalis na sa library. Mabuti pang alamin niya kung sino si DM Salvatore sa pamilyang iyon.
Pagkalabas ng library ay kaagad siyang nagtungo sa kanyang kuwarto. Sa hallway ay nakasalubong niya si Dome at Steven. Bigla siyang napahinto sa paglalakad dahil naunang huminto ang dalawa.
"Hi pretty! Nalimutan kong itanong kung kaanu-ano niyo pala si Georgina?" tanong ni Steven na kay Georgina pa rin nakapagkit ang mapang-akit na tingin.
"Steve! Huwag mong pakialaman ang mga tao sa bahay. They are my parents guest," saway ni Dome pero halata sa tono ang pang-uuyam nito.
"You mean, hindi mo siya kilala?"
"Not at all. But I don't care. Just don't mind her. Come on!" Hinila nito si Steven at nilampasan siya. Medyo nasaktan siya sa sinabi ni Dome. He's very rude. Baka gusto lang nitong ilayo sa kanya ang playboy nitong pinsan?
'So from now on ay iiwasan ko na siya,' sambit sa isip ni Georgina.
Kinagabihan ay naisipan ni Georgina na magpahangin sa swimming pool. Mabuti at walang tao kaya malaya siyang makakapag-isip. Kahit gusto niyang maligo ay hindi niya na lang ginawa. Isinawsaw niya ang kanyang paa sa tubig at nakatulala sa kawalan. Sino ba ang tatanongin niya tungkol sa painting?
Naalarma si Georgina nang biglang may marinig na ingay sa tubig na para bang may lumalangoy. Nilingon niya ang pinanggalingan ng ingay kaya nataranta siya nang malamang paahon na ito.
'Shocks! Makikita na naman ako ni Dome na ibinababad sa tubig ang paa!' Natatarantang naghanap siya ng mataguan sa mabilisang paraan.
Dahil sa pagkataranta ay hindi niya malaman ang gagawin. Ayaw niya ring makita siya roon ni Dome kaya bigla siyang lumusong sa tubig at pigil hiningang nagtago sa gilid ng pool. Palalagpasin niya muna ang ilang minuto para makaalis ito at saka na siya aahon.
Ilang minuto rin ang itinagal niya sa ilalim ng tubig.
Nang sa tingin niya ay mahaba-haba na ang minuto at dahil mauubusan na rin siya ng hangin ay umahon na siya. Hindi na niya kaya. Mauubusan na siya ng hininga. Habol niya ang hininga ng umahon siya at iminulat ang mga mata upang malaman kung nasa paligid pa ba si Dome.
'Hay salamat!' maginhawang sambit niya sa isip.
"What are you wearing?"
Napapiksi sa gulat si Georgina sa nagsalita. Si Donnelly!
Naglalakad ito palapit sa kanya at tinitigan siya ng matiim.
"Ahm...damit pero hindi expose?" nakangiwi niyang tugon rito. Nataranta talaga siya at hindi alam amg isasagot. Anong palusot ba 'yan?
"Psh!" Matalim siya nitong tiningnan.
"For how long did you take under the water? Ang akala ko kasi at walang tao."
Nangangapa siya ng isasagot. Alangan namang sabihin niyang nagtatago siya. Medyo giniginaw na rin siya kaya naisipan niyang magpaalam.
"Sorry! Sinubukan ko lang kung gaano ako katagal sa tubig," palusot niya at umahon na. Nakakunot-noo ito at nasa mukha na hindi naniniwala. Of course sinong niloloko niya? Wala siyang stopwatch na dala.
Nagmamadali siyang tumayo pagkaahon niya at tinunton ang hagdan papunta sa veranda na patungong room niya. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Hindi niya alam na pigil niya na pala ang hininga. Ba't ba kapag may palpak siyang nagagawa ay si Don ang laging nakakapansin? Nakakahiya!
Pagkapasok niya sa kanyang silid ay tiningnan niya ang sarili. Basa nga siya pero wala namang expose sa kanyang katawan. Ni hindi nga mapapansin ang dibdib niya dahil bukod sa makapal na t-shirt ang suot niya ay kulay itim pa ito. Saka nakasuot din siya ng jogger kaya anong ipinagsisintir ni Don? 'Di ba iyon naman ang gusto nitong suotin niya?
Naligo na siya at since hindi pa siya makatulog ay tinawagan niya ang kaibigang si Monique. Nakipagkumustahan saglit. Pagkatapos ng tawagan nila ang kaibigan ay ang pinsan niya naman ang tumatawag.
"Yes Dwight?" bungad niya sa pinsan sa kabilang linya.
"Where are the two of you living right now?" seryosong tanong nito. Protective si Dwight sa kanila lalo na sa kanya at para niya na itong kuya kung umasta.
"Temporarily sa amo ni papa. Sa mga Salvatore." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Okay lang ba kayo riyan?"
"Of course," sagot niya.
"Bago ka magtapos ay babalik ako diyan sa Pilipinas. Kukunin ko kayo pagdating ko," saad nito.
"No need. Kapag makapagtrabaho na ako ay aalis din kami rito. Graduating na ako kaya makakahanap na rin ako ng trabaho."
"Alright! Just call me if may problema. Gotta go! Take care, sweety. Bye!"
Napabuntong-hininga siya. Dwight is her cousin in her mother side. May kaya ang mama niya at dahil tutol ang mga magulang ng ina niya ay nakipagtanan ito sa ama niya. Doon na sa bayang kinalakhan niya nagpakasal ang mga ito.
Hanggang mamatay ang ina dahil sa tumor ay hindi na ito nalaman pa ng mga magulang nito.
Saka lang nalaman ng mga ito nang mahanap sila ni Dwight. Muli siyang nalungkot sa naalala.
They lived happily kahit mahirap lang sila. Ngayon na pareho ng wala ang mga magulang niya ay obligasyon niya ang kapatid kahit walang tulong sa kamag-anak na nagtakwil ng sariling kadugo. Kahit anong pilit niyang alisin ang sama ng loob ay may naiwan pa rin sa kanyang puso. Hindi siya mapagtanim ng galit dahil pinalaki silang may takot sa Diyos ng kanilang mga yumaong magulang. Maybe someday, she will learn to fred the hatred she had.