Nasa bansa na si Dwight kaya naman nagpapasundo ito kay Georgina sa airport. Tutuloy ito sa isang hotel sa Cubao. Nang matanggap ni Georgina ang text mula sa pinsang si Dwight ay kaagad niyang dinaanan sa kuwarto nito ang kapatid na si Andie. Sabado ngayon at next week na ang graduation niya kaya naman ay hindi niya alam ang mararamdaman. Nasasabik na nalulungkot siya. Wala pa siyang naisip na gawin pagkatapos ng graduation niya. Hindi niya alam kung maghahanap na ba kaagad ng trabaho o magbaksyon
Excited na bumaba si Andie samantalang si Georgina ay wala sa mood. May pag-uusapan pa sila ni Dwight at alam niyang mahihirapan siya sa pakikipag-usap dito. Knowing him, as a dominant cousin yet acting like a possessive boyfriend. Napahalukipkip siya nang makasakay na sila sa taxi.
Pagkarating sa NAIA terminal 2 ay naghintay sila sa arrival. Napangiwi pa siya ng mapansing may dalang malaking card si Andie at nakasulat doon ang 'Welcome to Phil kuya Dwight.'
"Kailan ka nagkaroon ng ganyan?" takang tanong niya sa kapatid. Malawak ang ngiti nito ng lingunin siya.
"Kanina ko lang po ginawa," anito at muling itinaas ang hawak na card. Gusto niyang matawa dahil nagmumukha itong ewan.
Mayamaya ay namataan na nila ang pinsan. Nakasuot ito ng shades at cream coat na mahaba na animo celebrity habang naglalakad. Napakalawak ng ngiti nito lalo na nang mapansin ang hawak na card ng kapatid niya. Kaagad itong lumapit at napairap na lang siya sa kawalan. Mahangin pala talaga amg damuho.
'Brute! Anong akala niya sa Pilipinas may snow? Ang kapal pa ng suot,' sambit niya sa isip sabay ismid. Nagsisigawan pa ang mga katabi nila na akala'y nakakita ng artista. Mapamatanda man o mapabata ay nagtitilihan sa kanyang pinsan at mukhang feel na feel naman ng mokong.
'Just wow! Hindi po siya si Lee Min Ho.' Muntik na siyang mapairap sa harap mismo nito. Malapad ang ngiti nito kaya naman ay hinila niya na ang pinsan palayo sa ngayo'y nagkakagulong mga tao. Tumatawa ito habang nagpatianod sa kanila.
Pagkarating nila sa sakayan ng taxi, habang naghihintay ay saka lang sila nagkausap.
"Kuya Dwight!" ani Andie at mahigpit na niyakap ito.
"Woah, Andie! Ang tangkad mo na. Naunahan mo na ang ate mo," anito at ginulo-gulo ang buhok ni Andie kapagkuway nilingon siya na may nakakairitang ngisi. Lumapit at mahigpit na niyakap siya na ikinabigla niya.
"Aw!" napahiyaw siya sa higpit ng yakap nito. Nakakairita ang pagiging clingy ng pinsan niya. Feeling boyfriend ang gago. Pero walang malisya sa kanila iyon dahil nagiging over protective lang ito.
"My so ever beautiful cousin! How's your stay with the Salvatore?" anito at tiningnan siya sa mukha na may malapad ngiti. Si mister smile yata ito dahil lagi na lang nakangiti. Kung hindi niya to pinsan ay aakalin ng ilan na boyfriend niya ito. Nag-aalala tuloy siya na baka makita sila ni Don sa ganoong ayos at kung ano pa ang iisipin.
'At bakit nasingit si Don sa eksena?' Naipilig niya ang ulo sa biglang naisip.
"Maayos naman. Napakabuti nila at buhay mayaman kami ni Andie," sarkastikong sagot niya rito kaya napahagalpak ng tawa si Dwight.
'So reckless. Overconfident talaga ang isang 'to.'
Pagkahatid nila ng mga gamit nito sa hotel na tutuluyan nito pansamanatala ay lumabas sila para kumain sa Barrio Fiesta. Gusto umano nitong makatikim uli ng pagkaing pinoy at nagugutom na raw ito.
Habang kumakain ay panay kuwento nito sa pamilya nila sa New Jersey. Philippine-American ang lahi nila at kuhang-kuha ni Dwight ang pagiging foreigner. Sabagay ay matapang ang dugo ng mga banyaga kaya mukha talaga itong Amerikano. Kahit sila naman ni Andie ay may nakuha ring traits sa side ng mama niya kaya marami ang nagsasabi na maganda siya. Hindi nga lang niya pinapansin iyon.
Nang sumapit na ang gabi ay nagpaalam na silang umuwi. Tumanggi siyang magpahatid sila kay Dwight dahil pagod na rin ito.
"Next time na lang Dwight. Magpahinga ka na lang. Marami pa naman tayong pagkakataon na magkasama, ah!" natatawa niyang saad dito. Pumayag na rin si Dwight at pinasakay na lang sila sa taxi bago ito umakyat sa hotel room nito sa Red Planet.
Pagkadating sa mansion ay naabutan nila Georgina sa sala ang mag-asawang Salvatore. Niyakap at hinalikan siya ng butihing ginang at nginitian naman siya ng esposo nito na si Donnelly Salvatore. Pati si Andie nang makalapit na ay niyakap ng ginang. Tinuturing silang parang kasapi ng pamilya ng mga ito. Doon pa lang ay ipinagpasalamat na niya iyon dahil ibinabalik lang ng pamilya ang pagiging mabuting tauhan ng kanilang namayapang mga magulang. Hindi matutumbasan ang utang na loob sa isang tao. Makakamit lamang ito kung habambuhay ang ibinabalik mong kabutihan sa kanila.
Ipinaalam niya ang pagsundo nila sa pinsan nilang si Dwight. Pagkatapos ng maikling pakikipagkuwentuhan ay pinagpahinga na sila.
Walang pasok ngayon kaya bukas ay buong araw na makakasama nila ni Andie si Dwight.
Naglalakad siya sa hallway papunta sa kanyang silid nang masalubong niya si Don na mukhang galing sa swimming pool. May veranda kasi sa palapag na iyon na pababa ng pool area. Pagtingin niya rito ay sinalubong siya ng malalamig nitong mga tingin. Napasinghap siya sa paraan ng pagtitig nito. Pinilit niyang ignorahin ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkatapat nila ay bahagya pa itong huminto kaya napahinto na rin siya. Hindi ito nagsalita bagkos ay isang malalim na buntong-hininga ang narinig niya mula rito.
'Ano bang problema niya?' nagtatakang tanong niya sa kanyang isip. Nagtuloy-tuloy na ito sa paglalakad kaya naguguluhan siyang sinundan ang papalayo nitong bulto. Tumuloy na rin siya sa hallway papunta sa kanyang kuwarto.
Bigla naman siyang nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Dome. Nakangiti itong tumingin sa kanya.
"Good evening, Georgina!" anito at matamis na nakangiti. Alanganin siyang ngumiti at binati na rin ito pabalik.
“G-good evening!”
"How's your day? Mukhang galing ka sa isang lakad," puna nito sabay tingin sa kabuuan niya para sipatin ang kanyang suot.
'Nakakaloka!'
“Ah...Oo! Sinundo lang namin ang pinsan namin. Sige, magpapahinga na ako," mabilis niyang paalam dito dahil sa hindi siya komportable na makausap ito ng matagal.
"I see. That's good. Sweet dreams then," pahabol pa nito bago siya tuluyang makapasok sa kanyang silid.
'Ano ba naman? Don and Dome...they are making me uncomfortable to live in here.'
Pabagsak na inihiga niya ang katawan sa kanyang kama. Pumikit siya at hindi niya alam kung bakit sa kanyang balintataw ay ang mukha ni Don ang nakita niya. Bigla siyang napamulat at biglang kinabahan.
Anong ibig sabihin nu'n? Na may paghanga siya sa binata dahil sumasalimbay ito sa kanyang isip?
Ipinilig niya ang kanyang ulo para palisin ang nasa isip. Hindi magandang ideya ang kahit magkaroon man lang ng paghanga sa isa sa mga ito. They are just a disaster! She will be in danger if she get herself involve with the Salvatores's sons.
Pero kahit anong pilit niyang alisin ang mga ito sa kanyang isip ay bumabalik pa rin lalo na si Don. Paano eh, lagi niyang nakakasalubong nang hindi niya inaasahan. Ginugulo siya kapag gusto niyang mapag-isa at mag-iisip sana. Wala talaga siyang katahimikan dahil hindi niya teritoryo iyon.
Siguro kung magsusulat siya ng diary, baka sa isang araw ay maraming senaryo ang maisusulat niya. Marami kasing ganap sa kanya hindi lang sa isang tao na nagpapagulo sa kanya. Ngunit ano ang tawag sa nararamdaman niyang unti-unting sumisibol sa kanya para sa isang nilalang na umuukilkil sa kanyang isip? She doesn't like it. She don't want it. But she crave for it.
Sa pagkakataong iyon, hinayaan niya ang sarili na dalhin ng kanyang pantasya sa kung saan man makarating. Hinayaan niya ang sariling mangarap dulot ng umuusbong na damdamin kapag nakikita niya ang taong pumukaw sa interes niya bilang babae. Binabalikan niya ang mga pagkakataong nagkakatitigan sila ni Don at kahit mga mata lang nila ang nag-uusap ay mayroong malaking epekto sa kanyang sistema at iyon ang bumubuhay sa kanyang libido.
Hindi niya namalayan na nakatulugan na niya ang pagpapantasya na ngayon lang niya ginawa sa buong buhay niya.
"Ang ganda mo, Georgina," wika ni Don habang inaalis ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.
"D-Don..." paanas niyang sambit sa pangalan nito.
"Gusto ko akin ka lang. Ayokong ibahagi ka sa iba kaya sa akin ka lang." Natuwa siya sa tinuran nito. Gusto siya ni Don.
"Don, bakit?" tanong niyang hindi makapaniwala.
"Madamot ako kaya akin ka lang," muli ay tugon nito.
"Hahaha! Gusto ko ang pagiging madamot mo." Humagikhik siya sa kilig dahil sa inulit pa nito ang mga salitamg iyon na nagbibigay kiliti sa kaibuturan niya.
"Sa 'yo lang ako madamot. Basta sa akin ka lang." Unti-unti namang bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilang mapalunok ng laway at hinayaang nakaawang ng bahagya ang kanyang mga labi. Lubhang nakakauhaw ang gagawin nito at hinihintay niya iyon. Pero naguguluhan siya kung bakit ang tagal dumampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi.
"Don?" nagtatakang tinitigan niya ito sa mga mata.
" You want now?" tila nanunudyo ang tono nito. Namumungay ang kanyang mga mata habang tumatango.
"Then close your eyes," utos nito at sumunod naman siya. Sabik na hinintay niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Sa wakas, mararanasan na niya ang mahalikan ng mapupula nitomg mga labi.
Isang malakas na tunog ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Tunog ng kanyang mobile phone senyales na may tumatawag. Mas matindi pa sa alarm clock ang ingay na akala'y emergency dahil walang tigil ang tunog.