Chapter 3

1092 Words
"Mom? What the heck?" Naiiritang bumaba ng hagdan si Dome. Hinahanap niya ang ina. "Mom!" Bakas pa rin sa mukha ang pagkairita. Nakita niya ang ina sa garden. "Dome? Good morning!" Sinalubong siya ng ina at hinalikan. Nakakunot-noo ito habang nakatitig sa kanya. "Ba‘t ganyan ang hitsura mo?" tanong ng ina. "Sino ang nagmamay-ari ng magubat na kuwarto sa harap ng kuwarto ni Don?" tanong nito sa naiiritang boses. Napatawa ang ina sa tinuran nito. "What?" naguguluhang tanong niya nang hindi sumagot ang ina. "Makikilala niyo rin siya. Bakit mo naman naitanong? Pumasok ka ba sa kuwartong ‘yon?" "Bawal na ba?" taas-kilay niyang tanong sa ina. "Hindi naman. Well, now bawal na kasi may nagmamay-ari na sa kuwarto na ‘yon. Bakit, anak?" Napabuntong-hininga si Dome. "Magbabakasyon dito si Steven—" "Then pick another room instead," turan ng ina. "Iyon lang ang kalapit kong kuwarto na bakante." "Bakit? Ang lapit lang ng kuwarto sa kabilang hallway. May isang guest room pa roon," sagot naman ng kanyang ina. "Okay," tipid niyang sagot sa ina at naiinis pa rin na bumalik sa itaas. Nagtataka naman siya kung sino ang may-ari ng kuwartong pinag-uusapan nila. Dumaan muna siya sa kusina para uminom ng tubig. Napasulyap siya sa isang katulong na nakatalikod. ‘Ba‘t hindi naka-uniporme ang isang ‘to?’ aniya sa isip. Nang maalala ang tinuran ng ina kanina ay napataas-kilay siya. "Who are you?" malakas ang boses na tanong niya rito. Napaharap ito sa gawi niya at saglit siyang natigilan. ‘Mukhang timang. Nakanganga pa,’ aniya sa isip. Though, kakaiba ang hitsura ng babae. Nang hindi pa rin ito nagsalita ay iniwanan na niya ito. Para kasing ngayon lang ito nakakita ng tao. Samantala, si Don naman ay napangiting inalala ang panaginip kagabi. May katabi siyang maganda at seksi. Pakiramdam niya ay nag-iinit siya. Nakahahalina pa ang natural na bango nito. Parang totoo. ‘Kung ’di lang sa nakaiinis na alarm na iyon ay ’di pa sana mapuputol ang panaginip ko,’ inis na turan niya sa isipan. Bumaba na siya para mag-kape. Nakasalubong niya pa si Dome na palabas ng kusina na salubong ang kilay. Binati niya ang kapatid at nagtuloy-tuloy na sa kusina. May isang katulong siyang naabutan doon. Pero siya na lang ang magtitimpla dahil mukhang may ginagawa naman. Biglang pumihit ito paharap sa kanya at napatalon ito. Kunot-noo niya itong tinitigan. Kagulat-gulat ba siya? Bakit parang hindi siya naka-uniform at parang pamilyar ang mukha niya? Nakanganga ito habang nakatitig sa kanya. Parang hindi makapaniwala nang makita siya. "Oh, hey! Who’s this pretty lady, bro?" biglang bungad ng bunso niyang kapatid na si Donny. Anong isasagot niya, eh pati siya ay nagulat din. Bigla namang dumating si Dome at nagpalipat-lipat ang tingin ng babae sa kanilang tatlo. 'What’s with her?' naiirita niyang tanong sa isip. Para namang napako sa kinatatayuan niya si Georgina. Diyata’t kaharap niya ngayon ang mga anak ni Zeus. Hindi man sila nakahubad-baro pero may palagay siyang makalaglag-panty ang katawan ng mga kalalakihang ito. Heh! Ba’t ganito na mga iniisip ko? Napalunok siya ng laway habang pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlo. Lalo na sa isa na nakakunot-noo. Ito ang nakatabi niya kagabi! Napahiyaw siya sa isip. Naiinitan yata siya sa sobrang alinsangan kahit hindi naman mainit ang paligid.  "Oh, dear! Glad you’re all here. Have you already known each other?" bungad ni Tita Prescila na kararating lang. "Hindi pa po, tita," kiming sagot niya. "So, sino ka pala?" nakangiting tanong ng lalaki na mukhang mas bata sa kanya. "Are you a relative?" tanong naman ng lalaki na katabi ni Tita Prescila. Iyong nakataas-kilay kanina. Napangiwi siya nang bahagya. "By the way, Georgina, meet my sons. Donnelly, Dominador, and Donito," pagpapakilala ng ginang habang tinuturo pa ang bawat isa pagkasabi ng pangalan at napapangiwi pa ang mga ito. "Salvatores, meet Georgina Alonzo. Anak ng namayapang si George na katiwala sa rancho. Be nice with them boys," bilin pa ng ginang bago sila iniwan sa kusina. "Kailangan ba talagang buohin ang pangalan ko? Psh!” inis na sambit naman ng lalaking Dominador ang pangalan. Lihim siyang napatawa. Taliwas sa mga hitsura ng mga ito ang mga pangalan na makaluma. "Oh, yeah! Dominador the second," pang-aasar ng nagngangalang Donito. Inis na binalingan naman nito ang kapatid. "Ah talaga, Donito?" ngising ganti nito sa pagbigkas ng pangalan. "Kainis naman! Mas okay pa kay Donnelly junior eh!" baling nito sa nananahimik na kapatid na nagkakape. Sinamaan naman nito ng tingin ang huli. Natatawa pa ang dalawa saka bumaling sa kanya kaya napatda siya. "So, ikaw ang may-ari ng magubat na kuwarto?" tanong ng nangngangalang Dominador sa kanya. Ang haba naman ng pangalan. Napangiwi siya sa tanong nito. Gubat ba ’yon? Malinis naman ang kuwarto ko, ah! "I see. Maaga ka bang nagising kanina? Five pa lang no’ng makapasok ako sa room mo na parang wala namang nakahiga roon," anito. Nanigas siya sa kanyang puwesto. Nakakahiya. Napasulyap siya sa lalaking nagkakape. Nakakunot-noo naman itong tumitig sa kanya. "Hmm. Base on my conclusion, may kinalaman si Don sa nangyari kagabi kung ano man ’yon," wika ni Donito. Napamaang siya rito. Napaka-observant naman nito. "What?" Mukhang naiinis itong si Don. "Ba’t mo tinitigan si Kuya Don, ha, Miss George?" nakangising tanong ni Donito. Pa’no na? Pinilit niyang maging kalmado. "Good morning!" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kararating lang na si Andie. Naghihikab pa ito. Nakahihiya naman ’tong kapatid niya. Hinila niya ito at naguguluhan namang napatitig sa kanya si Andie. Mukhang hindi nito napansin ang mga tao sa paligid. "Nag-toothbrush ka ba?" pasimpleng bulong niya rito. Nagtatakang tinitigan siya ng kapatid. "Oo naman, ate," anito. "Oh! And you got a handsome brother. Hello!" pagbasag ni Donito sa akwardness. Napalingon ang kapatid niya sa mga ito at nahihiyang bumati pabalik. "Ano’ng pangalan mo?" tanong pa rin ni Donito. He’s kind of friendly and approachable. She likes him. "Andie po," nahihiyang sagot ng kanyang kapatid. "So, kapatid ka pala? Hindi ba kayo nagkapalit ng pangalan?" wala sa sariling tanong ni Dome. Feeling close lang. "Hehe! ’Di naman po. Georgina naman po si ate at p’wede naman sa lalaki ang Andie," magalang na sagot ng kapatid niya. Napatango-tango naman ito. Mukha itong maarte. Kalalaking tao, psh! Napasulyap muli siya kay Donnelly na tahimik lang na nagkakape at nahuli niyang matiim itong nakatitig sa kanya. Gosh! Baka namukhaan niya ako? Lasing ba siya kagabi at hindi niya alam na may kasama siya sa kuwarto niya? Marahan siyang yumuko para itago ang nag-iinit na pisngi at baka mamaya ay makita pa nito ang pamumula niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD