Wala sa sariling napangiti si Donnelly. Hindi niya alam kung bakit. Mukha na nga siyang timang dahil napapatulala siya minsan at napapangiti. It's Sunday at iyon lang ang araw na magkakasama sila ng girlfriend niya na si Savannah. Hindi niya alam ngayon kung ba't siya tinatamad na makipagkita rito. Hahanap na lang siya ng alibi.
'Paano ba? Wala akong maisip na idadahilan.' Mahirap kasing magdahilan kay Savannah dahil hindi kaagad ito naniniwala. Masyado itong mausisa at nakakasakal na minsan dahil kung umasta ay para asawa na niya. Tumigas ang kanyang anyo nang maalala ang unang araw kung saan ipinakilala sila ni Savannah sa isa't isa ng kanilang mga magulang. Magkakilala sa negosyo ang mga magulang nila ni Savannah at maimpluwesya pa kaya ipinagkasundo sila.
Heck! Hindi niya matanggap na mapapasubo siya sa arrange marriage. He is inlove with someone else. His first love is so precious to him that he will do anything just to get her at the right moment. Sa ngayon, sumusunod lamang siya sa agos at dahil may responsibilidad siya ay kailangan niya munang gampanan iyon bago ang kanyang sariling kaligayahan. Malaki na ang sakripisyo niya. His passion and almost his life.
Sabihin niya na lang kaya na susunduin niya si Steven at may emergency?
"Psh! Lame excuse! Hindi maniniwala 'yon," kausap niya sa sarili. Binibigyan pa siya ng dagdag iisipin dahil napakademanding ni Savannah.
Sa kaiisip niya ay tumunog ang kanyang cellphone at tawag mula kay Savannah ang nakita niya. Sa halip na sagutin ay hinayaan niya na lang iyong tumunog hanggang sa magsawa ang caller. Maarte pa ito at isip-bata na siyang pinakaayaw niya sa babae. Spoiled brat din palibhasa laki sa layaw.
“Puntahan ko na nga lang.” Patamad siyang nagtungo sa banyo upang maligo.
'It'll be quick. Damn! Ba't ba ako tinatamad ngayon? Mas gusto kong manatili na lang muna sa bahay.'
Samantala, pagkagising naman ni Georgina ay napabahing siya. Palagay niya ay lalagnatin siya. Magulo pa ang ayos niya nang bumaba sa kusina. Tinatamad siyang mag-ayos dahil para saan at para kanino ba?
Tanghali na pala at mabuti naman hindi siya ginising ni Donessa o 'di kaya'y ni Andie. Pagdating sa kusina ay kumain kaagad siya. Hinugasan niya na dahil nakakahiya naman at walang ibang huhugasin.
"Magtimpla ka nga ng juice," rinig niyang utos ng kung sino. Since siya lang naman ang nasa kusina ay nilingon niya ito. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang estranghera na ngayon ay nakataas-kilay sa kanya. Siya nga ba ang kausap nito?
"Don't you hear me? Pakitimpla ng juice at dalhin mo sa pool para kina Dome at Steven," mataray na utos nito. Pinagkamalan pa talaga siyang katulong ng hinayupak.
"Pakibilisan! Gosh!" mataray na anito.
Hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay nagtimpla na lang kahit na naiinis siya sa babaeng maganda nga ang mukha pero hindi ang ugali. Nauna na itong lumabas kaya tinapos niya na muna ang hinuhugasan. Wala siyang makitang ibang katulong kaya mapipilitan siyang dalhin ang ipinagawa nito sa pool area.
Maingat siyang lumapit sa mga bisita dala ang juice sa isang tray. Naroon din si Donessa at isa pang hindi niya kilalang babae. Nakita siya ni Donessa kaya nagulat ito at napatayo para lapitan siya.
"Georgina! Bakit ikaw ang nagdala niyan?" naguguluhang tanong ni Donessa at ito na ang kumuha sa dala niyang tray. Nginitian niya ito ng pilit bago sumagot.
"It's okay. Maiiwan ko na kayo at may gagawin pa ako," wika niya nang hindi na pinansin pa ang paligid. Mabilis siyang nagpaalam nang makita ang akmang pagtayo ni Steven. Hindi na niya pinansin pa ang pagtawag ni Donessa sa kanya at kaagad siyang umakyat sa kanyang silid. Nahihilo na siya at pakiramdam niya ay mainit ang kanyang katawan. Pagkapasok sa kanyang silid ay kaagad aiyang humiga sa kama. Doon na niya naramdaman ang pagbabago ng temperatura niya. Nilalagnat na siya.
Nang maghapunan ay nagpasabi si Georgina sa isang katulong na may gagawin lang siya at hindi makakasabay sa pagkain. Hindi niya rin pinahalata ang sama ng kanyang pakiramdam. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.
Sa kabilang banda naman, alas sais pa lang ay umuwi na si Donnelly sa mansion. Medyo nagtampo pa si Savannah dahil nagpaalam kaagad siya na uuwi. He don't know why basta gusto niya na lang umuwi. Para bang may humihila sa kanya na umuwi na sa kanilang mansion.
Nang gabing iyon habang kumakain na sila ay napansin niyang wala si Georgina sa hapag. Silang magkakapatid, kasama si Steven at Andie lang ang kumakain. Wala ang mga magulang nila ngayon dahil quality time rin ng mga ito kapag linggo. Sa labas na kumakain as a date na rin.
"Where is Georgina?" rinig niyang tanong ni Donessa kay Andie.
"May importante lang daw pong gagawin sabi ng isang katulong kanina. May pasok na rin kasi si ate bukas," sagot ni Andie at nagpatuloy na sa pagkain. Napatango naman si Donessa.
"Pero pansin ko, ang tamlay niya kanina no'ng naghatid siya ng juice sa atin," puna naman ni Steven.
Natigilan siya. Inutusan ng mga ito si Georgina? Anong ginagawa ng mga katulong? Hindi katulong ang magkapatid para utusan doon sa mga gawain. Tiyak na magagalit ang mga magulang nila kapag nalaman iyon. Pero nabalisa siya sa sinabi ni Steven sa pagiging matamlay daw ni Georgina ngayon at hindi pa kumakain ng hapunan.
'Is she sick?' Para makasiguro ay kailangan niya itong silipin. Importante ang hapunan kaya ba't nito ipagpaliban.
Dahan-dahan siyang kumatok sa kuwarto ng dalaga. Nakailang katok na
siya ay walang nagbukas kaya naiirita na siya. Naisipan niyang pasukin na lang ito sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at nagulat pa nang bumukas iyon.
'Tss! Hindi nag-iingat. Hinahayaang bukas ang pinto ng silid.'
Nilapitan niya ito sa kama na nakatalukbong ng kumot. Bagamat may kadiliman ay naaaninag pa rin niya ang nasa loob. Maanlinsangan dahil patay ang aircon pero ba't ito nakakumot?
'Tss! Dumb.' Hindi niya mapigilang mainis pa rin dito kahit nasa ganoong sitwasyon ito.
"Georgina?" Mahina niyang tawag sa pangalan nito. Medyo naiilang pa siya dahil hindi sila magkasundo. Marahil tulog na ito kaya hindi niya narinig ang sagot mula rito. Ano pala ang ginawa nito at hindi man lang bumaba para kumain?
Dahil sa medyo nag-aalala siya ay minabuti niyag gisingin ito. Ibinaba niya ng marahan ang nakabalot na comforter sa dalaga para silipin ang mukha nito.
"Georgina? Why are you trembling?" Nag-aalala siya nang maramdaman ang panginginig nito. Dinama niya ang noo ni Georgina.
'D*mn! She has a fever.'
Binalot niya ulit ang katawan ni Georgina ng kumot at lumabas para kumuha ng pamunas at saka gamot. Hindi niya pinansin ang sarili na bahagyang nataranta. Sanay na siya sa ganoong pangyayari kapag may nagkakalagnat sa kanilang pamilya pero hindi niya mawari kung bakit ngayon ay nagkaganoon siya.
Pagkabalik niya ay kaagad niya itong pinunasan ng bimpo na binasa sa maligamgam na tubig. Dahan-dahan niya itong pinunasan dahil ayaw niyang maalarma ito at mamalayang pinupunasan ang katawan nito. Mula sa mukha, leeg at braso ay maigi niya itong pinupunasan.
Bahagya pa siyang kinabahan nang gumalaw ito na parang nagdedeliryo. Isinantabi niya muna iyon at inalalayan paupo ang dalaga saka pilit na sinubuan ng lugaw. Nagluto pa siya ng lugaw bago siya umakyat doon. Muli niya itong binalot ng comforter dahil sa nilalamig pa ang katawan nito.
"Hmm...Hmm..." rinig niyang ungol nito. Napalapit siya rito at tila baga gusto niya itong yakapin. Nag-aasta na siyang superhero para rito.
"I'm sorry, Georgina but body heat is the best remedy," bulong niya sa tainga nito at humiga sa tabi ng dalaga. Hinubad niya ang pantaas at walang atubiling niyakap si Georgina mula sa likuran nito.
'You smells good.' Hindi niya mapigilang samyuin ito. Ang nakakaliyong amoy nito ay nagbibigay buhay sa kanyang kaibutaran. Nananabik siya sa isang bagay na kay tagal na niyang gustong maramdaman at si Georgina lamang ang bumuhay n'on. Naramdaman niyang pumihit ito paharap sa kanya kaya nanigas siya nang yumakap din sa kanya ang dalaga.
'D*mn! This is torture.'
Ang lapit nang mga mukha nila sa isa't isa. Napatitig siya sa nakapikit nitong mga mata.
'Your so beautiful Georgina,' wala sa sariling naisambit niya sa kanyang isip. Naaaninag niya mula sa lamshade ang mukha nito.
Mahahaba ang pilik-mata nito at may katamtamang kapal ng kilay na mukha namang hindi inaahitan. May katamtamang tangos ng ilong at napakaganda tingnan dahil bagay iyon sa maliit nitong mukha. Bumaba sa labi nito ang kanyang paningin at doon ay napalunok siya.
'D*rn! I want to bite those lips.' Napapadalas na ang pagmumura niya dahil sa kakaibang damdaming lumulukob sa kanya.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang labi sa bahagyang nakaawang nitong labi. Mamula-mula ito at may pagka-pout. Marahan niyang idinampi ang mga labi sa labi nito. Maingat at magaan. Hindi niya mapigilang kagatin ng bahagya ang malambot na pang-ibabang labi nito.
Bigla ay bumilis ang kabog ng dibdib niya sa karahasang ginawa.
'It taste heaven! Georgina...I want you to be mine.' Tila nahihirapang aniya sa sarili.
Kinabukasan...
Naalimpungutan si Georgina nang maramdamang may mabigat na nakadagan sa kanyang tiyan. Naramdaman niya rin ang init ng katawan ng katabi kung sino man ito. Napabalikwas tuloy siya ng bangon dahil gumalaw ito sa tabi niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kanyang baywang kasabay no'n ay ang pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang leeg. Wala sa sariling napapikit siya.
'Wait? Dejá vu?'
Parang nangyari na ang ganoong senaryo. Pakit-mata niyang nilingon ang katabi at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Impit na napatutop siya ng bibig para pigilang sumigaw.
'This is my room! Huwag mong sabihing ikaw naman ngayon ang naligaw sa kuwarto ko Donnelly?'
Dahan-dahan siyang pumihit para sipatin ang mukha nito at nang makita ay napatulala siya.
'B-bakit ang guwapo niya?' Napatitig siya sa mukha ng binata. Nakapikit ang mga mata nito kaya malaya siyang titigan ito. Nakakakiliti at para siyang kinilig na hindi niya mawari. Pero nang marealize ang nangyari ay bigla siyang natauhan.