Maagang binulabog ni Dwight si Georgina sa isang tawag. Napag-usapan pala nila na buong araw mamamasyal sa Cubao at buong Quezon City.
Parang napapahiya naman si Georgina nang mapagtanto ang nangyari. Nananaginip lang pala siya. Hindi na lang niya sinagot ang tawag dahil naiinis siya rito. Naputol tuloy ang maganda niyang panaginip.
'Adik! Hindi rin halatang excited ano? Nakakainis ka talaga, Dwight.' Naghihikab na bumangon siya sa kama. Alas sais pa lang ng umaga at usually ang gising niya kapag linggo ay nasa eight to ten in the morning. Pambawi sa puyat kapag may pasok.
Patamad siyang nagtungo sa banyo at nagshower ng malamig para magising nang tuluyan. Pagkatapat sa dutsa ay napahiyaw siya. Oo nga at sobrang lamig ng tubig. Sinadya niya talagang sa nasa cold ang temperatura para tuluyan siyang magising sa umaga.
'Darn! Masasapak talaga kita Dwight!' mura niya sa isip. Dapat ay pahinga na niya ngayon at hindi na sana magtitiyaga sa paggising ng maaga para pumasok pero heto't kinailangan niyang gawin. Hindi niya ito tinatawag na kuya kahit na mas matanda ito sa kanya ng apat na taon. Dwight is already twenty-four. Tinapos na niya ang paliligo at nag-ayos na.
Pagkababa niya ay bahagya pa siyang nagulat nang maabutan si Andie na nakabihis na at halatang hinihintay siya.
'Isa pa 'to. Hindi rin halatang excited ano?' Nagpatiuna na siya sa paglalakad at tuwang-tuwa naman na nakasunod sa kanya si Andie. Pagkalabas nila sa malaking pinto ng mansion ay nakasalubong pa nila si Donny. Binati sila nito at ganoon din sila na binati ito pabalik.
"May lakad kayo, Georgina? Sobrang aga naman yata," natatawa nitong komento.
"Ah, Oo. Mamamasyal kami kasama si Dwight," nakangiti niyang sagot dito.
"Dwight? Hmm, kasama rin ba si Andie?" anito na biglang parang naging matamlay.
Nginitian niya ulit ito sabay tango. Kahit na parang wala itong tulog ay napakaguwapo pa rin nitong tingnan. Bigla namang sumingit sa isip niya ang mukha ni Don habang naghihikab. Nag-iinit ang kanyang pisnge nang maalala kung gaano ito kaguwapo sa umaga. 'Hay naku! Erase, erase!'
"Saan ka pala galing?" tanong niya nang mapansing nakasuot ito ng panlakad. Mukhang hindi nakauwi ito kagabi.
"Sa bahay ng kaibigan," tipid nitong sagot kapagkuwa'y nagpaalam na para pumasok sa mansion.
"Enjoy your day with him!" pahabol pa nito bago tuluyang makapasok sa loob. Narinig niya ang pagtawa ni Andie kaya binalingan niya ang kapatid.
"Ikaw? Huwag na huwag mong pasasakitin ang ulo ko. Huwag kang magpaumaga sa bahay ng iba," pagalit na wika niya rito. Napakamot naman ito sa ulo at tumango bilang pagsang-ayon.
"Palagay ko lang kasi ay may crush sa 'yo si Donny," anitong pangiti-ngiti pa.
Sarap nito kotongan katulad ni Dwight. Mga panira ng kanyang araw.
BAGOT na nakatingin lang si Georgina sa dalawa. Sa buong pamamasyal nila ay ang dalawa lang yata ang nasisiyahan. Nagkakasundo ang mga ito sa lahat ng bagay. Nagpapatianod na lang siya at kung saan pupunta ang mga ito ay nakabuntot lang siya. Hindi man lang tinanong kung saan niya gustong mamasyal.
'Mukha akong third wheel sa date ni' yo,' sarkastikong sambit niya sa isip. She feels bored at nakakapagod mag-ikot lalo na kung 'di mo gusto ang ambience at lugar.
"Doon tayo sa Art in Island. I heard one of DM Salvatore's painting were being displayed," kapagkuwan ay yaya ni Dwight sa kanila. Napalingon siya sa pinsan at marahang natawa.
'Is he a fan of Dome?' sa isip niya. "Mahilig ka pala sa paintings," komento niya. Sa lahat ng napagkasunduang pasyalan nila ay sa Art in Island lang sa Cubao ang nagustuhan niya. Hindi naman siya mahilig sa painting pero since nasabi nito ang tungkol sa gawa ni Dome ay napangiti siya.
"I wish to meet him someday. Kapag mag-launch na siya ng art exhibit niya ay lilipad ako kahit saan man 'yan para lang makapunta sa event niya," dagdag pa nito na halata sa mukha ang kasiyahan. Napangiti siya sa tinuran ng pinsan. Kung alam lang nito na kilala at nakita niya na si DM na sikat na artist ay baka kulitin siya nito.
"Lilipad talaga? Ang babaw rin ng kaligayahan mo," komento niya. Kunot-noo siya nitong nilingon at nagsalita.
"Para sa mga hindi nakaka-appreciate ng larangang iyon, oo sasabihing mababaw kami. Pero sa mga katulad naming nababasa sa mga masterpiece nila ang kanilang buhay at damdamin ay napakalaking bagay. Art is an expression of anything. At literal sa mga pintor na ilabas iyon sapamamagitan ng kung paano gagalaw ang mahiwagang kamay nila," mahaba nitong pahayag at napamaang siya. Para siyang nag-aral ulit.
"Halimbawa na lang sa akin sa drag race. It is what makes me alive. Doon ko nilalabas ang lahat ng hinanakit or nararamdaman ko sa racing. Kumbaga, I divert my attention to it to forget all my worries. It's not just for fun, it is my runaway.
Future teacher siya pero average lang at hate niya ang Algebra. Hindi rin siya mahilig sa Sining. Ang malas pa, ni wala rin siyang talent. Tao nga siya pero wala namang maipagmamalaki.
"Oo na. Masyado mo namang dinamdam ang sinabi ko," natatawa niyang saad.
"Hahaha! Alam mo kuya Dwight, maiintindihan mo rin si ate dahil ang guhit niya magpahanggang ngayon ay naiwan sa first grade," sabat ng epal niyang kapatid. Sabay na nagtawanan sa harap niya ang dalawa.
"Sinasabi mo bang pang-grade one ang guhit ko? Bakit ikaw? Ano ba ang talent mo ha?" naiinis niyang tanong kay Andie. Hahabulin niya sana ito para hampasin nang hilahin naman sila ni Dwight. Malapit na pala sila sa entrance ng gallery.
"Magaling kaya akong sumayaw," sagot pa nito pero hindi sila hinayaan ni Dwight na magkalapit. Alam nitong kokotongan niya lang ang kapatid niya.
"Tama na nga 'yan. Ang mahalaga'y magaganda ang mga lahi natin. Wala ng talo doon pa lang." Sa sinabi ni Dwight ay para ito ang gusto niyang kotongan. Aabutin niya sana ang ulo nito ang kaso ay matangkad ito kaya ang pinagtawanan na naman siya ng dalawa. Hindi na lang niya pinansin pa at nang makapasok sa loob ng gallery ay humiwalay siya sa mga ito para mawala ang inis niya.
Matapos magsawa ang mga mata nila sa loob ng gallery ay saka lang sila nagdesisyong umuwi. Ginabi na naman sila ni Andie. Alas nuwebe sila nakarating sa mansion ng mga Salvatore.
Pagkapasok nila sa mansion ay kaagad silang umakyat sa kani-kanilang kwarto. Nakakapagod kanina pero naging masaya naman siya no'ng nasa Art in Island na sila. Isang obra ni Dome ang nakadisplay nga roon. Nakakatuwa at nakakaproud kahit hindi sila ganoon ka magkasundo.
It was a beautiful ranch landscape oil canvass. Hinuha niya ay ang rancho iyon ng mga Salvatore. May mga kabayo pa sa 'di kalayuan pero ang focus talaga sa painting ay ang beautiful scenery na makikita sa isang tipikal na rancho. Buhay na buhay iyon na parang kuha ng isang photographer.
'Paano ba kasi gumuhit at magpinta?' sa isip niya. Kahit sa isip lang ay nahihirapan siya kung paano pagalawin ng mga pintor ang kamay para makuha ang halos may buhay na larawan. Parang ang unfair at napaka-talented naman ng mga artist. Dome is now a professional well-known artist at nakaka-proud. While Donessa is also a well-known international ramp and fashion model. Donny also making a big name in the industry as a scenic photographer. Nakita niya na ang ilan sa mga kuha nito at talaga namang wala siyang masabi kung hindi, "Gifted!"
Ang galing nitong kumuha ng mga anggulo na kung titingnan mo ay mas maganda pa sa actual na view.
'How about Don?' nagtataka siya kung ano naman ang specialty ni Don. Don's siblings are quiet popular. What about him?
Dahil hindi pa rin siya makatulog ay pumunta muna siya sa veranda para magpahangin. Nakapikit niyang sinasamyo ang dapyo ng hangin. Nakasuot lamang siya ng manipis na sedang pantulog.
Namalayan niya na parang may nakatitig sa kanya kaya palinga-linga siya. Kakaiba kasi ang presensya na parang hinihila siya kung saan ito banda. Napasinghap siya nang mamataan si Don na matiim na nakatitig sa kanya habang nakahalukipkip na nakaharap sa gawi niya.
"D-Don! Ikaw pala." bulalas niya sabay iwas ng tingin sa binata dahil para siyang hinihigop ng nga titig nito.
'Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin?'
Muli niyang naalala ang panaginip niya. Namula siya dahil doon. Napakalaking imposible na mangyari ang isang panaginip. Kung gano'n man ay mala fairytale ang istorya niya 'pag nagkataon.
Nataranta siya nang mapagtantong nasa harapan niya lang ang taong iyon at ngayo'y matiim na nakatitig sa kanya. Hindi niya talaga mabasa kung ano ang nasa isip nito dahil naiilang siya sa mga titig nito. Hindi niya kayang salubungin ang mga iyon dahil tiyak niyang ipagkakanulo lang siya ng kanyang sarili.
"Can't sleep?" tanong nito sa mahina at paos na boses. Naramdaman niya ang paninindig ng mga balahibo niya sa kanyang katawan na pumupukaw sa kanyang libido. Ito na naman ang kakaibang epekto na binibigay ni Don sa kanya. Even just looking into his eyes makes her freeze for a moment.
Saglit siyang nag-isip ng maisasagot na hindi mangangatal ang kanyang boses. Kapag kasi magsasalita siya ay alam niyang maaapektuhan ang boses niya dahil sa nararamdamang kaba. Nahihiya tuloy siyang harapin ito pero ginawa na lang niya at pilit na sinagot ito sa maayos na tono.