Nagising si Georgina kinabukasan sa malalakas na katok ng pinto. Pagtingin niya sa mobile clock niya na nakapatong sa lamesita ay napakunot-noo siya sa nakitang oras. Alas singko pa lang ng umaga pero may kung sino na ang nambulahaw sa masarap niyang tulog. Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama at hindi niya mapigilang mapahikab nang pagbuksan ang disturbo sa kanyang pagtulog. "Bakit naman ang aga mong manggising— Don?" Nawala bigla ang pagkaantok niya nang maaninag ng malinaw ang mukha ni Don na bagong paligo. Nakahalukipkip ito sa kanyang harapan at bakas sa mukha ang pagkainip. "Go fix yourself. We'll go horseback riding—" "N-nang ganito kaaga?" gulat na tanong niya kaagad. Tinaasan naman siya ng kilay ni Don at biglang tumalikod na parang ayaw siyang tingnan