Hindi mapigilan ni Georgina na mapasulyap sa kinaroonan Don habang hubad itong naliligo sa ilalim ng bumabagsak na tubig ng talon. Tanging boxers brief lang ang suot nito. Nagmumukha itong isang modelo at animo si Adonis sa sobrang kakisigan. Naalala niya pa ang ginawa nitong paghuhubad kanina na parang hindi alintana ang presensya niya. O baka naman sinasadya nito na makita niya talaga dahil nakapako rin ang paningin niya sa ginagawa nito. Pakiramdam niya tuloy ay inaakit siya nito. Napapalunok siya habang pinagmamasdan ang humpak nitong tiyan na may nakaukit na anim na pandesal. Nangangati ang mga kamay niyang salatin iyon at maramdaman ang init niyon. Napakiling siya ng ulo sa mga naisip. Nakakatukso ang tanawin kaya sa halip na maging makasalanan sa ibang bagay ay naisipan niyan