"Ano ba, Dome? Matagal pa ba 'yan? Nangangalay na si Georgina!" Sabay na napalingon sina Georgina at Dome sa nagmamaktol na si Don. Sa nakikitang anyo ng binata ngayon ay mukhang ito pa ang nakakaramdam ng pangangalay sa halip na siya dapat. Hiniling ni Dome na gawin siya nitong modelo sa isang obra nito kaya nagagalak siya at kaagad na pumayag. Sabay silaing napatawa ng mahina ni Dome sa nakasimangot na mukha ng kapatid nito. Nasa 'di kalayuan nila ito at hindi pinapayagang lumapit ni Dome ang kapatid na si Don dahil baka maabala ito sa ginagawang pagpipinta. Napapailing na ibinalik ni Dome ang atensyon sa ginagawa. Lihim namang napangiti si Georgina sa inaasal ni Don. 'He seems jealoused of Dome.' May kaunting saya siyang nadarama sa naisip. Hayagan kasi ang ipinapakita nitong pag