Chapter 2

1030 Words
Ngayong araw na luluwas ng Quezon city sila Georgina kasama ang mag-asawang Salvatore. Tahimik lamang sila ng kapatid niya habang panay ang kuwento ng ginang sa kanya. "By the way, hija just call me tita. Huwag mo na akong tawaging ma’am. Nilalayo mo ang loob mo sa amin, eh," anang ginang na may himig pagtatampo. Alangan siyang ngumiti rito. "And you should call me tito," wika naman ng asawa nito. "O-Okay ho, t-tita. Kung ’yon po ang gusto ninyo," nahihiya niyang tugon. Magiliw na nginitian siyang muli ng ginang. Napakabait talaga ng mag-asawa kaya lalong binibiyayaan ng nasa taas. Pagkapasok ng sasakyan sa garahe ay namamanghang inilibot niya ang paningin sa paligid. Napakalaki ng mansion. Sa harap ay may malaking fountain at sa paligid ay napakaraming tanim. Para pa rin siyang nasa rancho. Iginiya sila ng mag-asawa papasok sa loob at pinaasikaso sa mga katulong. ‘This is too much,’ sa isip niya, pero hindi naman siya makatanggi. Ayaw niya namang pagsamantalahan ang kabaitan ng mga ito. Pagkaakyat sa ikalawang palapag ng mansion ay magkalayo ang kuwarto nila ng kapatid. Ibang hallway ang tinahak nila. ‘Napakadami namang kwarto rito. ’Di kaya ako maligaw?’ sambit niya sa isip. Hinatid siya ng katulong sa isang kuwarto na malapit sa isang veranda. May kaharap na pinto na hinuha niya ay kuwarto ng isa sa anak ng mga ito. May walong kuwarto sa ikalawang palapag, kasama na roon ang Master’s Bedroom at isang Guest Room. Sa ibaba ay quarters ng mga katulong at dalawang Guest Room ulit. ‘See? Gaano kalaki ang mansion na ‘to? Ilan ba ang anak ng mag-asawa at napakarami ng kuwarto?’ manghang tanong niya sa isip. Marahan niyang binuksan ang pinto at nagulat sa sobrang laki nito. Mas malaki pa yata sa bahay nila rati ang magiging kuwarto niya rito. Kulay krema ang pintura ng silid at neutral colors ang kobre kama. Siya na ang bahalang baguhin iyon since magiging kanya na ’yon. Sa mismong araw din na iyon ay nagpatulong siya sa pag-aayos sa isang katulong na si Yaya Mildred. Mga nasa 30’s na ito. Agad niya itong nakasundo. Kulay Mint Green at Yellow Green ang kobre kama at kumot niya. Nagpalagay siya ng wallpaper na nature-inspired na green din ang kulay kaya napaka-cool sa mata. "Wow! May buhay na ang kuwartong ito." Halata sa mukha ni Yaya Mildred ang pagkamangha. Pati siya ay nasiyahan sa nakita. "Favorite color ko kasi ang Green or anything with the touch of Green. At nature lover din ako," aniya rito. Matapos mag-ayos ay naligo na siya. Krema din ang tiles sa banyo kaya ang ginawa niya ay pinalitan ng mga kulay berde ang kagamitan sa loob. Perfect! At nasisiyahang naglublob sa bathtub. Nakaidlip siya sa pagod nang ‘di niya namalayan. Kinagabihan ay bumaba na siya para maghapunan. Nakangiting sinalubong siya ng ginang na si Priscela Salvatore at hinalikan sa pisngi. Sumunod naman ang kapatid niya. "Let’s eat," wika ni Ginoong Donnelly Salvatore pagkatapos nilang magdasal. "Nasaan po pala ang mga anak ninyo, tita?" tanong niya pero hindi ipinahalata sa boses ang excitement. "Bukas niyo pa sila makikilala. Nasa Ilocos sila dahil fiesta sa bayan ng kanilang lolo," tugon ng ginang kaya napatango siya. Kaya pala apat lang sila sa hapag-kainan. "Kumusta? Maayos lang ba ang kuwarto?" tanong naman ng ginoo. "Opo, tito. Papalitan ko bukas ng kulay Blue ang kobre kama. Favorite ko po kasi," nasisiyahang wika ng kapatid niya, kapagkuway siya naman ang tinanong nito. "Ikaw, iha?" "Nagustuhan ko po ang kuwarto ko. Napalitan ko na kanina ng kulay berdeng kobre kama at wallpaper," aniya.  "I see that your favorite color is something with the touch of green, am I right?" nakangiting tanong ng ginang sa kanya. Tumango siya. At least ngayon kampante na siya at hindi na masyadong naaasiwa. NAGPAPAHANGIN ngayon sa veranda si Georgina. Matapos makipagkwentuhan sa mag-asawa na parang hindi nagsasawa sa kangingiti ay nagdesisyon na silang matulog na. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Maliwanag ang sinag ng buwan. Full moon kaya napakalaki tingnan ang kabuuan nito. Maya-maya ay may biglang pumasok na limousine sa mansion. Sino naman kaya iyon? Nang huminto ito malapit sa fountain ay nakita niya ang mga bumaba. Tatlong lalaki. Hindi niya masyadong maaninag dahil nahaharangan nang kaunti ng mga dahon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang papasok na sa mansion ang mga ito. "Ba’t ako kinakabahan? Sila ba ang mga anak nina tita?" tanong niya sa kawalan. Nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto at dire-diretsong nahiga. Ayaw niyang makita siya ngayong gabi ng mga ito. Hindi pa yata siya handa. Naalimpungutan si Georgina nang may maramdamang mabigat sa kanyang tiyan. Nawala ang antok niya nang maramdamang may gumalaw sa kanyang gilid at mas hinigpitan ang yakap sa baywang niya, at ang pagdapo ng mainit na hininga sa kanyang leeg. ‘Huh? May katabi ba ako?’ kinakabahang tanong niya sa isip. Para masiguro ay dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang tabi. Ganoon na lamang ang gulat niya sa nakita. "Ahh!" malakas siyang tumili nang makita ang isang lalaking hubad-baro na nakayakap sa kanya. “Ahh! Sino ka?" Hinampas-hampas niya ang katabi nang hindi pa rin ito magising sa kanyang pagtili. "You’re so loud," anito sa malamyos na boses. Shit! Napakaguwapo niya. Tumayo siya at akmang tatakbo palabas nang mapansing hindi niya ito kuwarto.  "Oh my! Kaninong kuwarto ‘to?" Kulay Black and White ang pintura sa loob pati na ang kobre kama at comforter ay gano‘n din ang kulay. Neutral color na bagay sa mga typical bachelor. Napatutop siya sa bibig nang ma-realize na siya ang nagkamali. Nang makita niyang gumalaw ang lalaki ay mabilis siyang lumabas at tinungo ang kaharap na pinto ng nilabasan niyang kuwarto. "No way, Georgina!" Pa‘no ba naman?Naligaw siya ng kuwarto kagabi. Kinapa niya ang dibdib sa sobrang kaba. Nakita niya kaya ang mukha ko? Paano na ako haharap sa kanya? "Ahh!" Napasabunot siya sa sarili. Siya ang naligaw kagabi kaya siya ang may kasalanan. Muli niyang naisip ang guwapong mukha ng lalaking nakatabi. Grabe! First time niyang may katabing ibang lalaki at nakayakap pa. Bakit ganoon ang naging unang gabi niya sa mansion? ‘Sino kaya siya?’ Wala sa sariling napangiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD