Ilang araw matapos ang pagbisita nila Aly sa apartment ko at ilan araw din matapos mag-propose sakin ni Jared ay agad niyang iniayos ang mga papeles para sa pagpapakasal namin. Nagawa na rin namin pagplanuhan ang mga susunod na mangyayari matapos ang civil wedding namin, kasama na doon ang pag-alis namin sa apartment at pag-uwi sa probinsya nila si Aldwyne. Labag man sa kalooban ko ay kinailangan din na mag-resign ako sa banko na pinagtrabahuan ko dahil nga lilipat na kami ng tirahan. "Sure ka na, Lara? No more hesitations? No doubt?" Tanong ni Erica nang samahan niya ako sa mall para mamili ng dress na gagamitin ko. Tinawagan ko siya para ibalita ang pagpopropose ni Jared sa akin at para narin isa sa mga witness. "Yes. Sure na sure.." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito saka hi