Sabi ng mga matatanda ay hindi raw biro ang pag-aasawa. Lifetime commitment kasi ito na bago mo pasukin ay dapat kilala niyo na ang isa't-isa. Sa kaso namin ni Jared na ilang buwan na nagsama sa iisang bubong ay masasabi kong kilala na namin ang isa't-isa. Marami na rin kaming napagdaan na pagtatalo at hindi pagkakasundo ng mga panahon na iyon na nagagawa naman namin ng paraan at nai-reresolba agad. Pagkatapos makuha ang mga gamit sa hotel suite na tinuluyan namin ay agad kaming bumiyahe patungong Aldwyne. Ilang beses na akong nakapunta sa lugar na iyon pero hindi ko parin maiwasang hindi ma-excite. Lumaki ako sa Metro kaya normal lang na hangarin ko ang magandang buhay sa probinsya. Iyong mga magagandang tanawin at sariwang hangin. Maaga kaming umalis sa Metro kaya bandang tanghal