" Ang ganda mo!" sambit ni Andy nang sunduin siya nito.
"Hmmm, bola!" nakasuot siya ng isang simpleng red dress na hapit na hapit sa kanyang katawan. Bakas na bakas ang napakagandang hubog ng kanyang katawan.
"Hindi ba nakakahiya Andy? Family gathering 'yon? "
"Sus...don' t worry mabait family ko. And soon naman magiging myembro ka rin!"
Hinampas niya ito sa balikat.
Komportable siya sa binata dahil may sense at palabiro rin ito.
Hindi niya maiwasang mamangha nang dumating sila sa bahay nina Andy. Hindi lang ito basta bastang matatawag na bahay. Isa itong mansion sa laki at gara nito.
Hindi niya maiwasang mahiya habang papasok sila sa loob ng mansion. Nakahawak ang binata sa beywang niya.
Sinalubong sila ng isang may edad n babae. Maganda ito kahit na may katandaan na.
"Ma... This is Jia, my girlfriend!" Jia meet my mom! "
" Hi po tita! "bati niya rito. Siniko niya si Adrian dahil sa pagpapakilala siya bilang girlfriend.
Ngumiti lamang ito sa kanya.
" Just call me Tita Berna! Hmmm, ang gandang bata naman nito! Good catch iho! "sambit ng mama ni Andy.
Ngumiti lamang siya sa Ginang bilang pasasalamat sa tugon nito.
" Andy iho, dalhin mo muna si Jia sa taas sa may terrace. Tatawagan ko lang kayo kapag ready na ang dinner ah! " wika ng Ginang bago umalis.
Dinala siya ni Andy sa may terrace ng Mansion.Namangha siya sa nakita mula sa taas. Ang ganda ng landscaping sa paligid ng mansion.
" Ang ganda! " sambit niya bunga ng paghanga sa tanawin." Teka Andy ano ba ang okasyon ngayon?"
" Special dinner lang dumating kasi si kuya kanina from states eh! Parang welcome party na rin para sa kanya. Five months na kasi itong wala dito!"
"I see...nakakahiya naman. Pati ako nakisali pa!"
" As i told you, dapat masanay ka na!"
"Ikaw talaga, wala ka talagang ginawa kundi bolahin ako!"
"Who told you I was joking? Seryoso ako Jia. And i hope you will give me an oppurtunity to know you well...." hinawakan nito ang kanyang palad.
Biglang nanlamig ang buo niyang katawan dahil sa akto ng binata.
"Pwede? Bibigyan mo ba ako ng chance to know you well? And ofcors para makilala mo rin ako?"
Ngumiti siya at tumango sa binata. "Oo, ikaw ang bahala!"
"Yes!!! Thank you Jia..." masayang wika nito sabay pisil sa magkabilang pisngi niya.
"Teka lang ah? Iwan muna kita sandali!" pamamaalam ni Andy sa kanya.
Umupo na muna siya sa sofa na nasa gilid ng terrace. Ang bilis ng pangyayari. Nagbigay na agad siya ng chance sa binata. Alam naman niya ang punto nito, ang ligawan siya. Well, wala naman sigurong masama hanggang wala silang tinatapakang tao.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pagsakit ng ulo niya. Hindi nagtagal ay tumigil naman ito.
----------------
Blake
"Is this for real? Si Jia nga ba to? Pero bakit siya nandito sa Mansion?" tanong niya sa sarili habang minamasdan ang babaeng matagal na niyang gustong makita at makapiling. "Is she okay now?" tanong niya sa isip.
Six months ago, halos mawasak ang puso niya sa sinapit ng nobya. Noong nasa hospital ito ay lagi siyang bumibisita sa dalaga.Nalaman niya noon na binebenta raw ng nanay ng nobya ang bahay at lupa para maipagamot ito sa US. And he was the one who bought it at hindi niya pinalitan ang pangalan as owner kasi balak niyang ibalik ito sa nobya. Sa tamang panahon.
Simula nang lumipat sina Jia at mama nito sa states ay wala na siyang balita sa mag-ina. Although, pumunta rin naman siya sa states to be with Samantha ay hindi na niya nabalitaan pa ang tungkol kay Jia.
Pinagmasdan niya ito habang nakapikit ang mga mata. Hindi na siya nakapagpigil pa. Lumapit siya rito at pinagmasdan ito sa malapitan.
She looks so gorgeous since then. Her lips are so tempting na wari'y iniimbitahan siyang halikan ito. Na miss niya ang nobya. And he is willing to explain everything to her. Ang tungkol kay Samantha. He will do everything just to bring get his baby back.
Tumigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pagkilos at pagmulat ng mga mata nito.
Ngumito siya rito.
Ngumiti rin naman ito sa kanya.
"Ba't parang may mali?Jia this is me! Galit kaya siya?!" nagtatakang tanong niya sa sarili.
Never mind baka na starstruck lang ang babe ko. Hahalikan na sana niya ito nang makitang umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Hello po, I'm Jia Guevara......." pagpapakilala nito sa kanya.
"f**k, is this a joke?" nasambit niya.
"Po?...." gulat na sambit ng nobya.
"Jia....? So you've met Kuya Blake! Kuya si Jia girlfriend ko. Siya 'yung sinasabi ko sa' yo babe na kagagaling lang sa states.
" Welcome home po sir Blake! "sambit nito habang nakangiti ng ubod ng tamis sa kanya.
"Excuse muna kuya ah? Ipapasyal ko muna si Jia sa garden!"
Hindi na siya sumagot pa.
Sinabunutan niya ang sarili at naramdaman ang mainit na likido na dumadaloy sa mukha. "Hell, he's cryin'...."
He can't wait to be back in the Philippines just to see his girl again. He is so much eager to stare at those eyes. To taste those lips and hug that body that he missed everyday.
But everything else turned the other way. So much farther than what he expected to happen. And worst, Andy called her "babe". Kung hindi lamang niya ito half brother ay baka natikman na nito ang galit niya. Kung ibang tao ang nakita niyang nakahawak sa babeng mahal niya ay baka napatay na niya ito.
"Ano ba ang nangyari Jia? Bakit ganito!? Is this a sort of revenge or a big joke? Please dont do this to me!" sambit niya sa sarili.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga investigator niya.
" Hector I want you to investigate on her! I will email you her details! I want immediate action on this okay? "
" Yes boss tatawagan kita as soon as possible!" sagot ng nasa kabilang linya niya.
"Good!" sambit niya sabay baba sa cellphone.
"Jia I will get you back!" sigaaw niya sa isip.
Hindi siya papayag na hindi sila magkakabalikan.
Naalala niya noong highschool student pa lamang ito nang humanga na siya sa kagandahan ng nobya.
Sumama siya noon sa medical outreach ng Papa niya na ginawa sa school ng dalaga.
The moment he laid his eyes on her, he promised himself that she is his property.
Kaya kahit na hindi naman education ang kursong natapos ay determinado siyang magturo sa kolehiyong pinapasukan ng dalaga. Ninong niya ang may-ari ng school kaya hindi mahirap humingi ng pabor rito. Since he is good in numbers ay Statistics subject ang pinili niya.
Naalala niya noon na galit na galit ang ama niya sa kanya dahil imbes raw na ang pagiging CEO ang pag-aralan niya ay ang pagtuturo pa ang inaatupag niya.
But ano ang magagawa niya! He is inlove at gusto niyang araw araw makikita ang babaeng sa unang kita palang ay mahal na niya.
Mahal na mahal niya ang nobya kaya hindi siya susuko hanggang hindi niya ito makukuha ulit.