JIA's POV
Sabay kaming pumasok ni Andy sa campus dahil ito ang araw ng pasukan. Sinundo lamang niya ako sa apartment na tinitirhan ko.
Habang nasa daan kami ay panay ay titig nito sa akin. Nang pumasok na kami sa first subject namin ay magkatabi kaming umupo sa desk at nagsisitinginan ang mga estudiante sa'min lalo na ang mga kababaihan kay Andy. He is a hottie. Parang artista ang dating nito. May mga kaklase rin na panay ang tukso sa aming dalawa na para bang magkalove team kami sa paningin ng mga ito.
Karamihan sa mga estudiante ay familiar na sa'kin dahil mga junior ang mga ito last year at sophomore kami kaya hindi na'ko nahihirapan na mag-adjust sa mga ito.
Si Andy naman ay may interpersonal skill talaga kaya't madali sa kanya ang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Maliban sa gwapo ay palakaibigan rin talaga ito. Natapos ang first subject namin eksakto alas nueve ng umaga at ang Statistics ay nine thirty pa naman kaya may oras pa kami upang magmeryenda.
Inilibre ako ni Andy ng snacks at inilibre ko rin siya ng softdrinks. Ayaw ko naman iaasa sa kanya ang lahat. Mayaman siya pero nakakahiya sa kanya kapag palagi nalang niya akong nililibre. Mabait si Andy pero ayaw kong isipin nito na nagpapaligaw lamang ako dahil may-kaya siya dahil ang totoo ay gusto ko siya dahil sa kabaitan niya sa akin.
Nang sumapit ang alas nueve y media ay pumasok na kami sa aming second subject. Naroon na pala si Professor nang mas maaga pa keysa sa amin.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito habang pinagmamasdan ang kamay ni Andy na hinihila ang aking braso. Ewan ko kung bakit bumilis ang t***k ng aking puso nang makita ko si Prof. Blake Del Fierro na seryosong tinititigan ang mukha ko. May ginawa ba ako na ikinagalit niya? Ayaw ba niya sa'kin para sa kapatid niya?
Magkatabi ulit kami ni Andy sa upuan. Naramdaman ko ang kanyang daliri na inipit ang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tenga.
"Good Morning everyone, I'm Professor Blake Del Fierro. I guess you already know if what subject is this right? By the way, I want all boys to be seated in this side. And girls on the right side. Now move!" seryoso nitong saad.
Tahimik kaming lahat dahil mukhang napaka strikto nito.
" Now since this is the first day, let start by gettin' to know each other first. Lets start from the boys! "saad nito.
Napakaseryoso nito ngunit hindi nabawasan ang pagiging gwapo nito.Karamihan sa mga kaklase kong babae ay pinapantasya na siguro ang aming Professor dahil sa kagwapuhan at kakisigan nito. Napaka-hot rin tingnan ang pang-upo nito na may pagkatulad sa isang action star sa television. He is such a greek god!
Tinitigan ko ang mga labi niya na mapupula at lalo na kapag unconscious nitong kinakagat ang pang-ibabang labi at binabasa ito gamit ang dila . Hindi ko alam pero ang sarap niyang titigan.
"Hoy Jia.. Ikaw na..." bulong sa kaya ng kanyang seatmate na si Lea.
Nagulat pa'ko nang marinig ang sinabi ni Lea. Tumayo ako at diretsong tumingin sa mga mata ni Prof. Blake. Ewan ko kung bakit parang nalulunod ako sa bawat titig niya. Sinabi ko lang naman ang pangalan ko ngunit ewan ko kung bakit pinapawisan ako.
Marami pa itong sinasabi tungkol sa rules ng klase niya ngunit tila parang wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito.
Nakahinga lamang siya ng maluwag nang matapos na ang klase nila.
"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Andy. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch sa canteen.
"Ah O-oo... Andy... 'yung kuya mo... Parang nakakatakot siya."saad ko rito.
" Kuya? No... Napakabait niya. Mukhang strikto lang siya pero if you will get to know him... he is nice and friendly. "salaysay nito.
" Mukha siyang suplado.."saad ko.
" Hmmm... Gan' un lang talaga 'yun! Eh ako? Suplado rin ba? "tanong nito.
" Hmmm no! . Opposite kayo..! "sagot ko rito.
" Jia... Pwede ba kitang imbitahan for a dinner date on saturday? Tanong nito.
"Ah.. Sge. Wala namang pasok eh!" saad ko.
Nang matapos na ang aming klase sa araw na 'yon ay umuwi na muna ako sa apartment bago pumasok sa Restaurant na pinagtatrabuhan ko. Kailangan ko rin naman kumayod. Ibang iba na ang buhay na meron ako ngayon. Hindi na tulad ng dati.
" Jia.. sa table five kanina pa naghihintay ang customer!" saad ni Lea sa'kin. Katulad ko ay isa rin itong working student.
Nilapitan ko ang mesa na sinasabi ni Lea. Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang customer sa table five.
Nakasuot ito ng puting plain tshirt at pants. Naaamoy ko ang pabango niya. Hindi ko alam ngunit parang pamilyar sa'kin ang pabango niya.
Itinaas nito ang kanyang mukha at matamis na ngumiti sa'kin. Hindi ko inaasahan ang ngiting 'yon dahil sa campus ay napakaseryoso nito.
"Professor Blake.. Goodevening po!" bati ko sa kanya.
" Goodevening Jia! So nagtatrabaho ka rin pala." saad nito.
"Kailangan po sir eh.. May matinding pangangailan gan lang." sagot ko. Hindi ko alam ngunit parang malungkot ang mga mata nito habang nakatitig sa akin."Ay sir, anu po pala ang oorderin' niyo?"
"'Yung favorite ko. Beef Caldereta at itong specialty soup niyo."seryosong saad nito. Hmmm, parehas ang favorite food namin ni Prof!
Siguro may hinihintay si Prof. dahil dalawang plato ang ipinahanda nito at dalawang drinks rin ang inorder.
" Hoy Jia... Kilala mo pala si Pogi! "kinikilig na saad ni Lea sa'kin.
" Oo, Professor ko sa statistics! "sagot ko.
" Hala anung feeling kapag ganyan kagwapo ang professor! "sambit nito at nakatitig pa rin kay sir Blake na may kausap sa telepono.
" Magtrabaho ka na nga riyan! "saway ko rito.
" Table five... Ready to serve! "tawag ng chef mula sa kitchen at mabilis akong pumunta at kinuha ang mga putahe para kay Prof.
" Excuse po Prof. Andito ka po ang order niyo. "nakangiti kong saad kay Prof." Enjoy your meal Prof. Blake.. "
Tatalikuran ko na sana ito ngunit bigla niyang hinawakan ang aking braso. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad na dumikit sa aking laman." Please join me Jia... "saad nito.
" Prof... P-pero bawal po. Waitress po ako rito! "
" Don't worry kaibigan ko ang may-ari nito. Pagbigyan mo naman ako. "
Ewan ko kung naaawa lamang ba ito sa akin o may iba pang dahilan kung bakit ako inanyayahan na kumain kasama siya.
Napakacold niya dati sa akin sa mansion habang nagdidinner kami but in an instant naging maamo ito.
" Gusto mo ba ng trabaho? "
" Ah. Yes Prof.Kailangan ko ng additional budget para sa projects sa scholl at daily needs ko na rin. "
" Do you want to work for as my student assisstant? I'll pay double!" saad nito. "Pero pag-isipan mo muna Jia. Sa ngayon, kumain na muna tayo."
Sumandok siya ng kanin at inilagay sa plato ko. Naglagay rin siya ng Caldereta sa taas ng kain at soup sa maliit na bowl. Nagtaka ako kasi ganito talaga ako kumakain ng Caldereta. Bakit iba siya ngayon? Kanina sa school ay napaka-strikto niya pero ngayon ay parang napakabait nito. Nahihiya tuloy ako sa pagiging maasikaso nito sa'kin ngayon.
Hindi ko maintindihan at maipaliwanag ang titig niya.
"Jia.. Kailan mo pa naging girlfriend si Andy?"
"Ah.. Prof.. Nanliligaw pa lamang siya.." sagot ko.
"Pero sasagutin mo?"
"M-mabait naman po ang kapatid niyo. Wala naman po sigurong masama kung magugustuhan ko rin siya!"
Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Huminto ito sa pagnguya at tila nawalan na ng ganang kumain.
Bakit parang may kakaiba kay Prof? Ayaw ba nito sa'kin para kay Andy? Dahil ba mahirap lamang ako at napakayaman nila.
" Jia.... I just want you to--"
Hinihintay ko ang sasabihin nito.
" Never mind...Sige kumain ka na!"
Nang matapos kumain ay nagpaalam at nagpasalamat ako sa kanya. Nakakahiya man sa mga kasamahan ko pero sinabi nilang kakilala nga ni Prof ang may-ari ng Restaurant na ito.
Hindi ko alam dahil simula nang makita ko siya kahapon ay may kakaibang bagay akong naramdaman. Hindi ko ito matukoy o masasabi pa sa ngayon. Pero may kakaiba talaga. Parang matagal ko na siyang kakilala.
Professor Blake Del Fierro. Sino ka nga ba?