Chapter 3

1287 Words
Pasukan na naman ulit at kasalukuyang nag eenrol si Jia sa dating university na pinapasukan niya. Ipagpapatuloy niya ang pagaaral. She is a returnee student at sobrang dami ng requirements sa school. Huminto siya sa pag aaral noon dahil sa aksidente. At hindi niya maiwasang malungkot. Third year na sana siya ngayon. Nakakainggit naman ang mga kaklase niya noon. She missed them a lot. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil buhay siya. At malaki talaga ang utang na loob niya sa kanyang Mommy dahil hindi siya nito pinabayaan kahit ang kapalit ng pagsalba ng buhay niya ay ang mga ari arian nila. Ang mga pamanang naiwan ng daddy niya ay nawala lahat. Kaya ngayon nga ay gusto niyang magtrabaho habang nagaaral para makakatulong naman siya sa Mommy niya kahit paano. Bumalik ang Mommy niya sa Probinsya nila at doon nagtayo ng maliit na negosyo. Samantalang siya ay umupa ng apartment na malapit sa universidad. "Miss... Pwedeng magtanong?" boses ng lalaki ang narinig niya. " Yes? " Inangat niya ang mukha niya rito. Natigilan siya. Na starstruck ata siya sa kagwapuhan ng lalaki. Ang kinis ng mukha... Maninipis ang mga labi at matangos ang ilong na tila kay sarap pisilin. "Saan dito pwedeng mag assess ng syllabus? Business Admin ang course ko? " "Ah... Sa side ng gym ang assessment office. Anong year ka na pala?" " Actually transferee ako rito. Second year na...sagot nito habang nakangiti sa kanya. "Huh? Pareho pala tayo ah. Mag papa assess din ako" "Talaga? Sana magiging magkaklase tayo noh? " sambit ng lalake. "Tara sabay na taong magpa assess! " Sabay silang pumunta sa assessment session. Habang naglalakad silang dalawa ay ramdam niyang maraming mata ang nakatingin sa kanila. Paano ba naman parang artista ang kasama niya.... "Wow .....classmate tayo! " masayang sambit ng binata sa kanya. Ngumiti siya rito. "By the way I'm Andy Jacob Nieves.." "Jia.. Guevara. " "Meryenda muna tayo treat ko! " anyaya nito. "Sige ikaw ang bahala! " Sa loob ng school canteen sila nag meryenda. Burger at Fries ang inorder ng binata. "By the way Jia bakit ka pala tumigil sa pagaaral?" " Naaksidente kasi ako noon" Nagulat ang binata. "I'm sorry" Ngumiti siya rito. "Sabi ni mommy, 3 months raw ako sa hospital. At mabuti nga nabuhay pa ako.Anim na buwan na ang lumipas simula nang naaksidente ako. Alam mo nang gumising ako parang pakiramdam ko may kulang sa akin.. No matter how I tried to figure it out the more na bumabalik ang sakit ng ulo ko. " Ramdam niya ang awa ng binata para sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya. "You're such a strong girl to survive the worst happenings in your life Jia. God gave you a second chance to live so you have to spend each day with positivity." "Thank you! " sagot niya habang nakatingin rito. Napatili siya nang maramdamang may nakayakap sa kanya mula sa likuran. "Jiaaaaaaaa! Na miss kitaaaaa! " Malakas na Sigaw ni Jill habang nakayakap sa kanya. "I miss you more bff. " "Bakit hindi mo man lang sinabi na nakauwi ka na a?h? Kaibigan mo ba talaga ako? " Sorry na.. Nasira kasi ang phone ko bakla huwag ka nang magtampo! " "Teka naaksidente ka ba talaga ha? Look at yourself ang fresh at ang ganda mo pa rin. Di ba pogi?" tanong nito habang nakatingin kay Andy. " Ayy by the way... Si Andy... bago kong classmate. Andy si Jill.. Bestfriend ko. " "Hi, nice to meet you Jill" saad ni Andy habang inabot ang kamay kay sa Kaibigan. "Nice to meet you too pogi. Nanliligaw ka ba kay Jia?" Kinurot niya ang kaibigan. Nagblush naman ang binata sa harapan nila at ngumiti habang nakatingin sa kanya. " Kung manliligaw ka sa kanya pogi sabihan moko ah?Tutulungan kita basta libre mo ko lagi. " saad ng kaibigan habang nag high five pa kay Andy. "Kahit kailan talaga pagkain ang nasa utak nito oh. Naku Andy pasensya ka na talaga ah? Walang hiya talaga tong kaibigan kong to! " Sabi niya habang ngumuso kay Jill. "Okay lang,nakakatuwa nga eh. Parang masaya ring kasama ang bff mo! " saad nito. "Oo masaya talagang kasama ang babaeng yan pero minsan nakakahiyang maging kaibigan.. Oh tingnan mo kinakain na niya pati fries mo! " Nagtawanan nalang sila sa inasta ni Jill. Inubos nito ang fries nila ni Andy at pati ang Juice niya ay ininum nito. Nag burp pa ito ng malakas sa harapan nila. "Oh mukhang nabusog ka talaga bakla? " kantyaw niya rito. "Ang bagal niyong kumain kaya inunahan ko na kayo. Lesson learned okay? Sa uulitin kumain muna bago mag tsismisan! " Tumayo na ito "Oh number ko bruha e save mo. " sabi nito habang inabot ang isang maliit na papel sa kanya. "Tawagan mo ko mamaya ah..Inaantay na ko sa assessment. " Ni register niya ang number ng kaibigan. "Jia if its fine with you... Pwede bang humingi ng cp number mo?" "Sure Andy.. Para at least e-inform kita regarding our schedule next week! " "Salamat ha? " Saad nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "No probs .. Kailangan nating magtulungan di ba.. By the way I need to go.. May importante pa akong lakad." "Hmmmm date?" "Huh? Ni wala nga akong boyfriend noh! " Nakita niya ang pagningning ng mga mata ng binata. "Mag ingat ka! " Isang tango lang ang naging sagot niya sa binata. ------- Pagkatapos niyang mag enrol ay pumunta siya sa isang Japanese restaurant. Nabasa kasi niya mula sa isang social media na tumatanggap rito ng mga estudianteng willing mag part time job. Tinanggap naman siya ng manager ng restaurant. Four times a week pala ang duty niya from 8pm to 11pm ng gabi.Tamang tama rin naman sa schedule niya sa school dahil hanggang alas singko lang ang klase niya. Makakahanda pa siya ng tatlong oras bago pumasok sa trabaho. Hindi naman gaanong kalaki ang sweldo as waitress sa restaurant ngunit malaking tulong na rin ito kahit na para sa mga projects lang niya. "See you next week Ms Guevara. " sambit ni Miss Annabel ang manager. Ramdam niyang napakabait nito. Kaya naman sa umpisa pa lang ay magaan na ang loob niya rito. Pasado alas siete na ng gabi nang nakauwi siya sa dormitory niya. Apat silang magkasama sa isang kwarto ang tatlo rin ay nagaaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi kaya bihira silang magkakitaan. Kagaya ngayon magisa na naman siya. Nagsipilyo at nag half bath muna siya bago matulog hindi na rin siya nag dinner dahil na busog na siya kanina sa snacks na binigay ni Miss Annabel sa restaurant. Matutulog na sana siya nang tumunog ang message tone ng cp niya "Hi.. Still up? It's me Andy." "Yes.. Matutulog pa lang sana." "Aw.. Sorry to disturb you!" "No its okay! " "Are you free tomorrow? " "Hmmm... Why? " "E -invite sana kita bukas sa bahay. May welcome party kasi.. Darating kuya ko from states." "Really? Ahhh sige..." "Just give me your address susunduin kita bukas. Salamat Jia!" "Don't mention it. What friends are for right? Salamat din Andy ha!" "Hmmmm sige na see you tomorrow my beautiful princess!" Hindi na siya nagreply. Ramdam niya ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Ewan niya kung natatakot ba siya o kinikilig sa huling text ng binata. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Iniisip niya ang gwapo nitong mukha at mapupulang labi. She imagine how he look at her. "Naku Jia.... Stop it please huwag kang umasa!" may isang bahagi ng isip niya ang tumututol. Ewan niya kung bakit pero parang may takot a dibdib niya. Nakatulog siya na ang mukha ng binata ang laman ng isip at panaginip niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD