"Hoy bakla daig mo pa ang na scam bakit ba ang tamblay mo?" Tanong ni Jill habang kumakain sila sa canteen sa loob ng campus.
" Napuyat lng ako kagabi bakla. Tinapos ko ang reaction paper natin. "
"Huh? Ngayon ba ang due date? Hindi pa ako nakapagstart! "
"Next week pa . Ginawa ko lang para at least wala na akong problema. Oh Di ba?"
" Next week pa naman pala eh. Sama ka muna sa amin mamaya mag malling tayo gurl after class? "saad ni Jill habang iniinom ang softdrinks nito.
"Aw sorry busy ako mamaya eh kayo na lang! "
"Duh? Ang KJ mo talaga daig mo pa ang isang dalagang bukid sa bulubundukin ng Sierra Madre! " OA na pahayag nito habang inikot pa ang mga mata.
She sighed. Ayaw talaga ni Blake na lumalabas siya . "May pagka possessive din talaga ang mokong na iyon." Sambit niya sa sarili habang nakangiti.
"Sandali lang naman tayo di ba?" Tanong niya ulit sa bff.
"Opo manang, Hindi naman tayo matutulog dun. Isa pa manglilibre raw si Justin. Alam mo na yon, gusto ng lalaking yon na present ka kapag manglilibre siya. "
Si Justin ay kaklase din nila na matagal nang may gusto sa kanya. Hindi nga lang niya ito pinapansin dahil kay Blake. Both his parents are doctors kaya naman lagi itong nanglilibre sa kanila kapag natanggap na nito ang allowance.
Kung walang Blake sa buhay niya ay si Justin na siguro ang nasa posisyon nito. Campus hunk din ito at matalino rin sa klase.
"Promise ha bakla sumama ka mamaya dahil tinext ko na si Justin! "
"Oo na." Sagot niya habang iniinom ang pineapple juice niya.
Buong araw siyang matamlay sa klase dahil siguro wala ang prince charming niya. Hindi man lang ito tumawag or nagtext man lang sa kanya. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi ito macontact. Hindi niya maiwasang magduda ngunit nanatili pa rin ang tiwala rito. He loves me I know that! She reminded herself.
--------
Hindi niya maiwasang kurutin sa tagiliran si Jill. Paano ba naman tatlo lang pala sila ni Justin ang pupunta sa Mall. Hindi siya komportable dahil panay ang alalay nito sa kanya na animo'y girlfriend siya nito.
Pumunta sila sa isang bookstore. Bumili ang binata ng libro. Kaya naman pala marami itong alam kasi mahilig itong magbasa. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito. Gwapo na, matalino pa at bonus na ang pagiging mayaman nito.
"Wow ang cute naman!!!!" Tili ni Jill habang dumaan kami sa mga damit na pang baby. Hawak nito ang isang pares ng maliit na sapatos.
"Oh Justin bilhin mo na to para kapag magkaanak na kayo ni Jia....."
Hinampas niya ito sa balikat "Hoy tumigil ka nga riyan. Kung anu ano ang pinagsasabi mo! "
Ngumiti lang din si Justin habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya maiwasang magblush dahil sa hiya.
Sa isang seafood restaurant sila dinala ni Justin. Parang may fiesta sa dami ng order nito.
"Justin mauubos pa ba natin to?"
"Aba't oo naman noh! " Si Jill ang sumagot sa tanong niya.
Ngumiti lamang ang binata.
"Kung hindi natin mauubos to edi etake out natin di ba?" sambit ng binata habang nakafocus ang tingin sa kanya.
" Ang OA niyo ha. Hindi pa nga tayo nagsisimula...take out na ang nasa isip niyo ah. Tingnan nga natin kung makakapagtake out pa kayo kapag uubusin ko to! " sabat ni Jill.
"Nakakahiya ka talagang babae ka" hiyaw niya sa kaibigan habang tinapakan ang paa nito.
"Salamat Justin ha" sabi niya sa binata.
"Welcome Jia. Basta ikaw...."
" Mag ccr lang ako guys ah? " Humingi siya ng excuse sa dalawa. Ihing ihi na talaga siya.
Pag labas ng CR ay inayos na muna niya ang sarili. Tumingin sa harap ng salamin habang inayos ang buhok. "GGSS ka talaga! " sambit niya.
Talaga namang maganda siya. Ang mga matang may pagkachinita at ang labi niya ala-Angelina Jolie. Kahit walang make- up ay lantad parin ang pagiging maganda niya. Nag side view siya at pinagmasdan ang hubog ng katawan.Dito ka talaga nababaliw Blake! Naalala niyang gustong gusto ng nobyo ang hubog ng katawan niya. Gifted siya sa balakang at ang hips niya ay sadyang maliit kahit hindi siya nag eexercise.
She checked on her phone trying to call him but there was no answer. Hindi niya maiwasang masaktan at malungkot.
Pabalik na sana siya sa pwesto nila ng kaibigan nang makilala ang isang bulto ng katawan na nakatalikod sa kanya.Sa dulo ng restaurant nakapwesto ang mga ito.
Hindi na niya kailangang pumunta pa sa harapan upang maka siguro kung sino ang lalaking nakataliko. She is one hundred percent sure! That man is their professor, Blake her babe... Her secret boyfriend.
Parang sinasaksak ang puso niya nang pagmasdan ang babaeng kasama nito. Sexy, sophisticated, maganda.Hindi nakatakas ang paghawak ng babae sa kamay ng nobyo. Naningkit ang mga mata niya. Selos at galit ang nararamdaman ni Jia sa oras na ito. Sa tabi rin ni Blake ay may isang may edad na lalake na may pagkahawig sa nobyo.
Kaya pala hindi niya ako sinasagot kasi may kalandian palang iba!
Nanlalamig ang buo niyang katawan. Gusto niyang sugurin ang dalawa. Daan dahan siyang lumapit sa katabing table kung saan nakapwesto ang dalawa. Nasa likuran niya si Blake habang nakatalikod ito sa upuan niya.
"Blake honey you have to go back with me sa States." narinig niyang sinabi ng mestisang babae sa nobyo.
"Samantha is right Blake... She is your wife and you need to be with her during this time." wika ng may edad na lalaki.
Wife?...
May asawa si Blake? Ano pala ako....? Isang kabet?
Hindi niya naramdaman ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Sobrang sakit ng mga salitang narinig niya ngayon.
" Yes dad... I will go back to states with my wife." narinig niyang sagot ni Blake.
"Thanks Blake I love you so much honey! " Sabi ng babae kay Blake.
"Please take care of her Blake lalo pa ngayong buntis siya! " The old man added.
What? Noooooo! Parang binabaril siya sa oras na ito. May asawa na ang nobyo at magkakaanak na sila? Such a painful revelation.
She tried to stand up kahit hinang hina na siya. Yung dating luha lang na pumapatak ay naging isang hikbi.
I need to get out of here! Hindi ko kaya.... Hindi ko to kaya... "she screamed inside her head.
Sa pag tayo niya ay nabangga niya ang waiter na palapit sa lamesa nina Blake. Nahulog ang wine na dala dala nito. Ang ingay mula sa basag na bottle ng wine ay naging sanhi upang lahat ng mga customer sa loob ay mapatingin sa kanya.
"I'm s---sorry! " paghingi niya ng paumanhin sa waiter habang patuloy na umiiyak.
"Jia....? " narinig niya ang boses ni Blake habang papalapit sa kanya. She also saw Jill and Justin na napanganga lang dahil hindi naiintindihan ang nangyari.
Ngunit hindi niya ito pinansin. She hurriedly run outside the mall.
"Jia please......" narinig niyang sigaw ng nobyo Ngunit ayaw niya itong kausapin. She already heard everything at mas masasaktan siya kapag sa bibig pa mismo nito niya maririnig na may asawa na ito.
Jia isa kang kabet!
Hindi ka niya mahal.
May asawa siya at magkakaanak na!
You are a b***h! A w***e! A Home wrecker!
Ginawa ka lang niyang parausan dahil ang asawa niya ay nasa states!!!!
Kabet ka... Kabet! Kabet! Kabet!
Tinakpan niya ang mga taynga dahil pa ulit ulit ang mga katagang iyon sa isip niya.
"Baby... Stop!!"
Iyon ang mga huling katagang narinig niya mula kay Blake dahil nang tumingin siya mula sa likuran ay isang matulin na sasakyan ang bumangga sa kanya.
Kadiliman!
----------------
Dahan dahan niyang minulat ang mga mata.
Nakakasilaw.
Nakakapanibago.
Maraming nakaputi ang pumapalibot sa kanya.
Parang natataranta ang mga kinikilos ng mga ito.
May isang lalaking nakaputi ang naglagay ng isang mabigat na bagay sa dibdib niya. Parang kinukuryente siya.
Nakita niya sa tabi niya ang isang babaeng panay ang iyak. Mommy!
Isang butil ng luha ang tumulo sa gilid ng kanyang mga mata at muli ay sinakop siya ng kadiliman.
-----------
Jia's Mom POV
" Mrs. Guevara your daughter is suffering from a temporary selective amnesia. Based from my assessment. Her mind selects the things or people she only want to remember. This is a very rare case Mrs. Guevara.The power of our mind is so unpredictable. And good thing you were able to bring her here in states. " The doctor explained.
Tatlong buwan na silang nasa hospital for her daughter's therapy. Buti na lang talaga at dinala niya ang anak ng mas maaga sa states. She could be suffering from comma until now kapag hindi ito napadala sa states nang maaga kaya tatlong araw palang ito sa ICU ay gumawa na siya ng para an para paipagamot ito ng mga dalubhasang doktor sa America. If her daughter stayed in the Philippines, worst might happen to her including death.
Tumulo ang luha niya habang pinagmamasdan ang natutulog na anak. Mahal na mahal niya ang kaisa isang anak kaya bilang isang ina ay gagawin niya ang lahat para rito.
Binenta niya ang mga ari-arian nila sa Pilipinas na tanging alaala ng yumaong asawa. She is willing to give up everything for her daughter.
"And one thing Mrs. Guevara... Let her live a normal life. Don't mention to her about her illness. This might develop into severe amnesia and worst she might forget everyone including you! " The doctor warn her.
"Yes doc... I won't. "
Tumango lamang ang amerikanong doctor sa ginang.
Lumapit siya sa nahihimbing na anak.
"Salamat sa diyos.... at magaling ka na anak akala ko kukunin ka na niya sa akin! " She embraced her sleeping princess.