Chapter 4

1596 Words
Kim's POV "A-anong pag-uusapan natin?" Kinabahan ako bigla kasi napaka-seryoso nanaman niya. Sanay ako sa seryosong Xian but not this way, this is way different. Tinignan nito ang mga nakakalat na gamit sa sahig, maging ang magulong kwarto ko. Sa akin huling naglanding ang mga mata nito. "You are so stupid. What are you thinking? You let him stay, you talked to him and even gave him your belongings? Are you even thinking Kim?" "H-hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Nagawa niya 'yon kasi nasa ospital ang anak niya." Napailing ito, "You even believed it's real? What if he just said that for you to pity him? What if it's not real?" Nalukot ang kilay ko sa sinasabi niya. Bakit ba siya nagagalit? Anong masama sa ginawa ko? "I'm just trying to help. Isa pa, hindi pa ba halata? He took my stuff toys to give it to his daughter. Aanhin niya yung mga yun kung nagsisinungaling siya?" Naihilamos nito ang sariling kamay sa mukha niya, parang siyang frustrated na hindi ko maintindihan. "Hindi niya naman ako sinaktan, wala siyang ginawang mali. Naniniwala ako sa kaniya." "Whatever Kim, you are such a babo." Saka ito nagwalk-out. Sumimangot nalang ako nang maiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Bahala siya kung anong gusto niyang itawag sa akin. Basta ang mahalaga, natulungan ko iyong bata. Alam kong matutuwa din iyon sa mga stuff toys na ibinigay ko. Hayy, sana lang naitanong ko kung saang ospital ito naroroon para sana mapuntahan ko at madalhan ng prutas. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang naramdaman ko nung malaman kong may leukemia ang isang inosenteng bata. Pakiramdam ko kasi hindi deserve ng isang seven years old na bata ang magkasakit ng ganun kalala at kahirap gamutin na disease. Hayy, bahala na nga. I'll just pray for her. * Pareho kaming sumimangot ni Naomi sa paghalakhak ni Cuttie matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari sa kwarto ko kahapon. As usual, magkakasama nanaman kami but this time ay dito naman kami sa bahay. "Ano bang nakakatawa? Hindi ka ba naaawa doon sa bata?" Nakasimangot ko pa ring tanong. "Ofcourse naaawa! Pero hindi naman iyon ang tinatawanan ko." Humalakhak nanaman ito. Lumalabas tuloy ang pagiging lalaki niya dahil ang laki ng boses niya. Natigil lang siya nang batuhin siya ng unan ni Naomi. "What the fvck?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Pwede bang tumigil kana? You're not even funny. Bakit mo ba tinatawanan si Kim?" Tinaasan siya nito ng kilay, hindi naman nagpahuli si Naomi at nagtaas din ng kilay. Ayan nanaman sila, magsisimula nanaman sila. "Teka nga, wag nga kayong mag-away!" Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "I am not laughing because of the case. Ang sakin lang, napakatanga ng ginawa mo Kim." Kumunot ang kilay ko. "Ha?" "Tama si Xian, paano kung nagsisinungaling lang yung lalaki? Edi naloko ka niya? Ang problema sayo mabilis kang nagtitiwala eh." "Pero kasi.." "Hindi niya naman kasalanan maging tanga Cuttie, atleast may sense naman. Unlike you, nagiging tanga ka rin naman minsan ah? Sinusumbatan ka ba namin kapag nagpapakatanga ka sa mga lalaking inuuto ka lang para sa pera mo?" "Hey hey hey. So ano nanamang pinaghuhugutan mo De Vera?" "Walang mali sa pagiging tanga, pare-pareho lang tayong nagkakaganiyan!" Sige Naomi, idefend mo ako sa kaniya. Tama naman siya eh, tsaka may katwiran naman ako. Masama ba yung ginawa ko? Hindi ko ba dapat tinulungan yung tao? Eh paano kung totoo pala? It's better to believe right? Wala namang nawala sa akin, kung sakaling nagsinungaling nga yung tao, edi karma na niya yun diba? Hayy. "Atleast ako minsan lang maging tanga, eh si Kim? Aba, inaraw-araw niya naman kasi." Sumimangot ako. Ang sama talaga magsalita ni bakla. Mabuti nalang sanay na ako sa kanila. "Atleast, mabait naman siya!" Depensa ni Naomi. Hindi talaga sila titigil hangga't walang nananalo. Nakakaiyak, balak pa yata nilang gawing debate ang katangahan ko. "Wow! So saan siya dadalhin ng kabaitan niya? Sa sementeryo?!" Napatango ako at napaisip, "Bakla, sa ospital muna diba?" Nalukot ang kilay nito, napaisip atsaka dahan-dahang napatango pero nang magkatinginan sila ni Naomi.. "Kim? Ang tanga mo talaga!" Sabay nilang sigaw sa magkabilang tenga ko. Napaigtad ako sa ginawa nila. Teka, naguguluhan ako. "Bakit? Saan muna ba dapat?" Tanong ko. Napakamot sa ulo niya si Naomi. Masama ang tingin nilang dalawa sa akin. "Kita mo na Naomi? Magbestfriend talaga kayo! Pareho kayong tanga!" "What?! Bakit pati ako?!" "Hayy! Ewan sa inyo! Bakit ko nga ba kayo kaibigan? Pakipaalala nga sa akin! Naiinis ako sa katangahan ninyo eh!" "Makapagsalita ka ah! Bakit perfect ka ba?!" Ugh, nagsisimula nanaman sila. Kung saan saan nanaman napunta ang usapan. Hirap talaga pagsamahin ng dalawang 'to. Ang hirap din sumabay sa kanila. Hindi ko kaya, ang taas ng vocal chords nila. Maya-maya pa ay biglang may kumatok. Natigil ang dalawa, nagkatinginan kaming tatlo. "Nandiyan na ba parents mo?" Lumingon ako sa orasan sa kwarto ko at napailing nang makita kong maaga pa naman. Tumayo ako para pagbuksan ang taong iyon. Bumungad sa akin ang galit na mukha ni Xian. Bakit nanaman siya galit? "B-bakit?" Tinitigan muna ako nito bago bumaling sa dalawang taong nasa kama ko. "Hi Xian!" Rinig kong bati nila sa kaniya. Hindi siya kumibo. "Can you lower down your voice? You are all annoying." Hindi na ako nakasagot pa dahil siya na ang nagsara ng pinto, right infront of my face! Nakasimangot kong nilingon sila Naomi at Cuttie na parehong nakanganga sa inasal ni Xian. "Wow..ikaw pa ang pinagsarhan, kwarto mo 'to diba?" Di makapaniwalang tanong ni Cuttie. Bumalik nalang ako sa upuan ko kanina at nagkibit-balikat. "Iba talaga yung lalaking yun, parang palaging may period. Daig ka pa Kim." I sighed, "Ganun talaga yun, hindi pa kayo nasanay." Cuttie rolled her eyes, "Gwapo na sana eh, ubod lang ng sungit!" Hindi na ako sumagot, sanay na akong inirereklamo nila ang kasungitan ni Xian. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa summer escapades na gusto namin. We ended up planning about going to a camp, yun kasi halos ang hilig namin, adventure and camps. Nag-decide din kaming magkaroon ng bonding bukas to start the vacation. Syempre, imbitado ang buong barkada. Nang magdidilim na ay nagpaalam na rin sila dahil may lakad pa sila. Alam kong sa Fiasco ang punta ng dalawang yun, magkasundong-magkasundo sila kapag barhopping na ang pinag-uusapan. Silang dalawa lang ang nagbabar sa amin, maliban pa kay Dylan at Sean. Pero ang alam ko, hindi na rin nagagawi doon si Sean kasi magagalit si Samantha. Kung tutuusin, safe naman kami sa bar na iyon kasi kakilala naman nila Dylan ang may-ari. Kaya lang ayaw pa rin nila mommy na pumupunta kami sa ganung lugar. Mas mabuti na raw na dito nalang kami sa bahay tumambay at uminom, atleast siguradong safe at secluded. Katulad ng plano ay nag-set up kami ng pool party kinabukasan. Maaga palang ay nagreready na si mommy. Siya ang cook namin kapag ganitong may mga lakad kami, tinutulungan naman siya ni daddy. Afterlunch ang usapan namin kasi aalis din sila mommy around 3 o'clock. Pinagprepare lang nila kami ng makakain. Unang dumating sila Naomi at Cuttie, nalaman kong doon na pala nakatulog si Naomi sa condo ni Cuttie dahil sa kalasingan. Hindi kasi alam sa bahay nila na pumupunta siya ng bar, lagot siya kay Kuya Ash kapag nagkataon. Mabuti nalang din at wala siyang hangover, mukhang nakainom kaagad ng gamot. Sunod na dumating si Dylan kasama si Ken, kaklase at barkada rin nila ni Sean. Saka palang lumabas ng kwarto si Xian nang may makakasama na siyang lalaki. Dumating na din si Sam at Sean, kasama nila si Larry. Actually, bago palang si Larry sa amin. Siya kasi ang madalas kasama ni Sam ngayon dahil magkaklase sila. Hindi pa namin siya ganun ka-close at medyo nag-aalangan din ako kasi ang sabi nila ay medyo bad girl ito. Nalaman ko rin na marami itong records sa disciplinary office. Nang makumpleto na kami, nag-suggest sila Naomi na gawing camping style ang party. Nagdecide silang gumamit ng tent at dito na kami matutulog sa pool side, pumayag naman kami kasi mukhang masaya. Bunutan ang balak gawin ni mommy para sa mga magkaka-pair sa tent. Pang-dalawahan lang kasi yung mga tent namin, hindi pa nalilinis yung pinaka-malaki kaya no choice kami. "Bubunot na ako ha?" Sabi ni mommy matapos gumawa ng bunutan ni daddy. Medyo naglambingan pa sila sa harap namin kaya tinutukso namin sila. Tawa lang sila ng tawa. Bumunot si mommy, natawa pa siya sa unang pares. "Mukha talagang hindi kayo pwedeng paghiwalayin ano?" Alam na namin agad kung sino ang tinutukoy ni mommy, binato ni Dylan ng panyo si Sean. "Dude, you can't do miracles inside a tent alright?" Nagtawanan kami sa warning nito, pinsan niya kasi si Samantha. At masyadong protective 'yang si Dylan sa aming mga kababata niya. Ibinato pabalik ni Sean ang panyo sa kaniya. "Tent #1: Sean and Sam." Pagcoconfirm ni mommy. Bumunot siya ulit at lalong natawa. "Cats and dogs?" Clue ni mommy. Nagtawanan kami nang magmura ng pagkalutong-lutong si Cuttie. "Bullshit ah? Bakit itong tangang ito po ang partner ko?" Hinampas ito ni Naomi, "Carl Trey! Bunganga mo naman ano?" Umirap lang ito sa kaniya. "I'm sorry Cuttie, we're playing fair. Tent #2 kayo." Ngumisi siya sa dalawa. Bumunot ulit si mommy. Pero hindi niya pa man nakikita ang susunod na pares ay bigla nalang tumunog ang gate, may pumasok. Natigilan kami at napalingon sa taong iyon. Ganun nalang ang pagkakabuka ng bibig ko nang makita kung sino ito. "Hi? Sorry, I'm late." It's Armie. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD