Chapter 5

1826 Words
Kim's POV For one second ay natigilan kami lahat. Armie's standing with her luggage, and she's looking at us so innocently. I felt something inside but I ignored it, I know it's not right to make her feel not welcome. Ang alam ko, tinawagan siya ni mommy. Pero ang sabi daw niya ay baka may gagawin siya. Nag-assume kaming hindi siya makakarating, but she's here. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang pagkasira ng mood ko. Oo, aaminin kong ayaw kong nandito siya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Dahil ba nag-sacrifice ako para sa kaniya o dahil naiinggit ako sa kaniya. Hindi ako galit. Bakit ako magagalit kung in the first place ay ako naman ang nakasira ng relationship nila. Ang sakin lang, yung awkwardness baka hindi ko kayanin. Almost one week palang ang lumipas, imposibleng nakalimutan na nila lahat ang nangyari. Tapos ngayon heto kami at nagsasaya na parang wala lang? Si mommy na ang sumira sa tensyong namumuo. Wala na kasing nakapagsalita, nakatitig lang yung iba kay Armie, sila Naomi at Cuttie naman ay sa akin nakatingin. They're throwing me concern expressions pero tinanguan ko nalang sila. Ayokong masira ang araw na ito, this is for us. "Hi Armie! I thought you can't come?" Nilapitan siya ni mommy. Alanganing ngumiti si Armie at sumulyap sa amin, sa akin. "I'm sorry tita, change of plans." She smiled. Tumango si mommy. Kinuha ni daddy ang bag na dala niya at siya na ang nagpasok nito sa loob. Pinaupo naman siya ni mommy sa bakanteng upuan sa tabi ni Dylan. "Hindi na natin uulitin. Idadagdag ko nalang yung pangalan ni Armie dito." Isinulat ni mommy ang pangalan ni Armie sa isang papel at isinama iyon sa palabunutan. Kinabahan ako bigla. Hindi pa nabubunot ang pangalan ni Xian. Paano kung maging sila pang dalawa ni Arm ang magka-partner? Paano kung magkabalikan sila? Wait, yun naman talaga ang dapat diba? Kaya nga hindi ko itinuloy yung kasal kasi gusto kong magkabalikan sila. Bakit ganito ako mag-isip ngayon? Ugh! Ano ba naman 'to, nakakapraning! I was brought back to my feet when I heard the third pair. "Tent #3: Armie and Dylan." Para akong nabunutan ng tinik. Hindi si Armie at Xian ang partners. Walang nagreact sa dalawa, tumango lang si Dylan. Kinagat ko ang labi ko nang bumunot ulit si mommy. Supposed to be, yung tatlong matitira ang magiging magkasama sa tent pero dahil nadagdagan kami ng isa, naging pairs na ulit. Hindi pa ako nabubunot at umaasa ako, kahit ngayon lang, sana naman suwertehin ako. "Next, tent #4: Xian and .." Napapikit ako. Sana ako..sana ako. Pero mukhang malas yata talaga ako, "Larry." Si Larry ang partner niya. Hindi ako. "And for tent #5, Ken and Kim." I sighed. Tinignan ko si Xian at nakita kong nakatingin ito sa kawalan. Iniisip niya ba si Armie? Gusto niya bang magka-partner sila ni Armie? "Hi Kim!" Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Ken sa harapan ko. Tumawa ito sa reaksyon ko, "Sorry, nagulat ba kita?" Sumimangot ako, "M-medyo.." Napangiwi ako. "Sorry. By the way, tara na? Set up na natin yung tent." Tumango ako. Kinuha namin ang tent doon sa long table malapit sa pool. Nagsimula na rin kaming magset-up. According to number yung pagkakatabi-tabi namin kaya nasa dulo kami ni Ken at katabi namin ang tent ni Xian at Larry. "Tulungan na kita." "No, ako na Kim. Just sit there." Pigil nito sa akin. Napatango naman ako. Pero sa halip na umupo sa monobloc ay tumayo nalang ako habang pinapanood siyang magtayo ng tent. Hindi kami masyadong close ni Ken but we're good civils. Nakilala namin siya dahil madalas silang magkakasama ni Dylan at Sean. At isa pa, sikat siya dahil vocalist siya ng isang sikat na banda. Bukod pa roon ay player siya ng varsity team. Habang pinapanood ko siya ay biglang dumako sa kanan niya ang mga mata ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni Xian na nag-aayos din ng tent nila pero panaka-naka itong tumitingin sa kabilang tent. I followed his gaze and it brought me to our left, I saw Armie ..na nakatingin din sa kaniya. I just felt a pang of pain on the right side of my chest. Nasa gitna nanaman nila ako. Hahaha! Meant to be na bang palagi akong panira sa kanila? Bakit ba nandiyan siya sa left namin? Bakit diyan sila pumwesto? Dapat doon sila sa tabi nila Xian diba? Bakit kailangang pagitnaan nanaman nila ako? Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa nasasaksihan kong pagtititigan nila pero napawi ang atensyon namin nang sigawan ni Dylan si Armie. "Excuse me, hindi ka prinsesa. Tulungan mo kaya ako dito?" Biglang tumawa si Ken sa tabi ko kaya nilingon ko ito, "Bakit ka tumatawa?" He shrugged pero nakangisi pa rin ito, "Ngayon ko lang kasi nakitang nag-sungit siya sa babae." Napatango ako. Kung tutuusin tama siya, ngayon ko lang din nakitang nag-sungit si Dylan sa babae. Napaka-playboy niyan kaya imposibleng hindi siya magpa-cute sa babae. Anong problema niya kay Armie? "Don't yell at her Dylan, she's a girl." Lumapit sa kanila si Xian. Nagtaas ng dalawang kamay si Dylan, "I'm sorry bro, but she's not my princess." Ngumisi ito. "Hey Dylan, stop playing games." Lumapit na rin sa kanila si Sean. Hinila nito si Xian pabalik sa tent nila. "Relax Xian, Armie can handle herself." Hindi kumibo si Xian pero tinitigan niya lang si Dylan. Nakangisi lang naman si Dylan sa kaniya. Napabuga ako ng hangin. Kahit kailan napaka-bully talaga ng lalaking 'to. Bumusina ang sasakyan ni daddy sa may gateway, lumapit naman sa amin si mommy. Nakabihis na ito. "Kids, aalis na kami. We still have works to do. Kayo muna ang bahala sa mga sarili niyo okay?" Nagpaalam kami sa kanila. Ibinilin naman niya sa akin na okay na ang dinner at snack sa fridge. Inaayos na nila lahat ni daddy bago sila umalis. Dahil hapon na rin ay naisipan naming mag-swimming na. Nagkayayaan na nga rin silang uminom pero tumanggi ang ilan kasi mas maganda daw mag-swim muna. Hinayaan ko lang sila, pumunta ako sa kusina para ikuha sila ng snacks. Inilagay ko ang mga ito sa long table na naroon malapit sa pool. Babalik pa sana ako sa loob nang makaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko. Napakapit ako sa long table para kumuha ng suporta. Oh my gosh, nakalimutan ko nanamang uminom ng gamot! At bakit ko nga ba kasi binuhat yung mabigat na case ng softdrinks diba? Pero magaan lang kasi eh. Ugh! Nahihirapan akong huminga. Hindi na ako nagpaalam sa kanila at dumiretso na ako agad sa loob papunta sa kwarto ko. Kailangan kong mahanap ang inhaler ko. "Hey Kim what's--Kim!" Bumagsak ako bago pa man ako makapasok sa kwarto ko. Agad naman akong nilapitan ni Ken. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Namutla ito nang makita ang mukha ko. "Kim--" "Y-yung inhaler ko please.." Nanlaki ang mata niya. Agad-agad niya akong inalalayan papasok sa kwarto ko. Iniupo niya ako sa kama pagkatapos ay agad niyang hinanap ang inhaler ko. Nakita niya iyon sa drawer sa tabi ng kama ko at ibinigay niya agad sa akin. Dahan-dahan akong lumanghap ng hangin sa tulong nito. "Bakit naman hindi mo sinabing may asthma ka? Ano bang ginawa mo? Bakit sinumpong ka?" Sunod-sunod ang tanong nito. Hindi naman ako nakasagot kasi sinisikap ko pa ring makabalik sa normal ang paghinga ko. "Okay kana ba?" Tanong niya nang makitang ibinaba ko na ang inhaler. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang tumango. "Pasensya kana, naistorbo kita." "What? Hindi mo ako naistorbo Kim. Nag-alala ako nung nakita kitang tumakbo papasok. Bakit ka inatake ng asthma? Ngayon ko lang nalamang may ganiyan ka pala." Puno ng pag-aalala ang boses nito na hindi ko mawari kung saan niya hinuhugot. Bakit siya nag-aalala? Halos hindi naman kami close para mag-alala siya sa akin ng ganiyan. "Minsan lang ako atakihin ng sakit ko. May maintainance kasi ako, kaya lang nakalimutan kong uminom kagabi at ngayong araw." Parang lalo pa yata itong namutla sa sinabi ko. Kinabahan tuloy ako. "B-bakit?" He sighed, pumungay ang mga mata nito sa hindi ko malamang dahilan. "Wala. Next time wag mo ng kakalimutang inumin ang gamot mo ha?" Alanganin akong napatango sa sinabi niya. Nabibigla ako eh, bakit ang bait niya? Ganito ba talaga siya? Ilang minuto pa ang itinagal namin sa loob bago kami nagpasyang bumalik na sa pool dahil baka hinahanap na kami. Pero pagbukas ko ng pinto ay siya namang pagbukas din ng pinto sa kwarto ni Xian. Nagulat ako nang lumabas mula roon si Armie kasunod si Xian. Pare-pareho kaming natigilan nang makita ang isa't isa. Ako na ang unang nagbawi ng tingin. Nagmadali nalang akong makaalis doon at mabuti nalang ay sumunod sa akin si Ken. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Bakit nandoon si Armie sa kwarto niya? Bakit sila magkasama? Nagkabalikan na ba sila? Ang dami kong tanong at unti-unti na akong nafufrustrate kasi wala akong makuhang sagot. Argg! "Sigurado kang okay kana?" Tanong ni Ken nang makarating na kami sa pool area. Ngumiti ako at tumango, "Oo, thank you ha?" Ngumiti lang din ito at tumango. Nagpapasalamat ako't sinundan niya ako sa loob kasi kung hindi, baka nag-collapse na ako doon sa tapat ng kwarto ko. Ayokong masira ang araw na ito at ayaw ko ring mag-alala sa akin sila mommy at ang mga kaibigan ko. Nang mahagip ng mga mata ko si Xian ay nakita kong nakatingin ito sa amin. Lumingon ako pero kami lang pala ni Ken ang nasa direksyong ito. Naroon na sila lahat sa pool at naglalaro. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at nakita kong nakatingin pa rin siya sa direksyon namin. Teka, tinitignan niya ba ako? Bakit? Nasaan na si Armie? "Hoy kayong dalawa! Hindi pa kayo basa ah." Itinuro kami ni Naomi kaya biglang nilusob nila Dylan at Sean si Ken at itinulak sa pool. Nagtawanan kami dahil sa pagkahulog nito. Pero nang makaahon siya ay biglang lumipat sa akin ang tingin nilang lahat. Napaatras ako. Oh no, hindi ako marunong lumangoy. Akmang lalapit sa akin si Dylan at Sean nang pigilan sila ni Ken, "Guys wag siya." Nagsimula itong umalis sa pool. "At baket?!" Sabay na sigaw ni Naomi at Cuttie habang nakataas ang mga kilay. Lumapit sa akin si Ken. Tumutulo ang tubig mula sa t-shirt na suot niya kaya tinanggal niya iyon sa harap ko. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin. Pero naramdaman ko ang braso nito sa bewang ko. "Kasi .." Anito. "Kasi?!" Pagtutuloy nila. Lumingon sa akin si Ken nang nakangiti. Awkward akong napangiti pabalik pero napawi iyon sa sinabi niya. "Kasi akong magtatapon sa kaniya diyan!" Nanlaki ang mata ko nang buhatin niya ako saka akmang tatakbo palusong sa pool nang biglang may humawak sa wrist ko. Natigilan kami lahat nang lingunin ko kung sinong humawak sa akin at parang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang makita ko kung sino ito. "Xian?" **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD