Chapter 3

1889 Words
Kim's POV "Oh my gosh! Oh my gulay! Oh my God! Oh my ..teka ano pa bang OMG?" Saka siya tumingin kay Cuttie at biglang ngumiti. "Oh my gay!" Sigaw niya, nakahawak pa ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi. Sinamaan siya ng tingin ni Cuttie at bigla nalang hinampas sa braso. "Aray ha!" "Agaw eksena ka, ano? Kulang ka sa pansin? Si Kim ang dapat nagsasalita ngayon hindi ikaw." Inirapan niya ito, ganun din ang ginawa ni Naomi. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Medyo harsh talaga silang dalawa sa isa't-isa. Bumaling si Cuttie sa akin at nagtaas ng kilay, "You were saying?" Huminga ako ng malalim, "Yun nga yun, magkasama lang naman kami sa isang bahay." Nandito kaming tatlo sa condo ni Cuttie. Tinawagan ko sila kaninang umaga kasi pakiramdam ko mababaliw ako kapag sa bahay lang ako. Sinabi ko sa kanila lahat, as in lahat. "But wait Kimmy, diba sabi mo he's here to study kasi nga settled na lahat bago pa man yung kasal niyo?" Tumango ako, "Iyon ang sabi nila mom at dad." Ngumuso ako. Tumaas ang kilay ni Naomi habang nakalagay sa baba ang kamay niya, nag-iisip ng malalim. Tinitigan namin siya ni Cuttie. "And what are you doing?" Masungit na tanong ni Cuttie sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa amin, "Bakasyon palang kasi. Kung plano niyang mag-aral dito, dapat mga May palang siya babalik diba? April palang ngayon, alam naman niyang June ang pasukan sa Pilipinas diba? Bakit nandito na siya agad?" Habang sinasabi niya iyon ay unti-unti ring sumisilay ang ngiti sa mga labi niya. Tinignan ko si Cuttie at nakangiti na rin ito ng makahulugan na parang naintindihan na nito ang ibig sabihin ni Naomi. "Akalain mong may utak ka din pala Naomi, akala ko isinama na rin nung ex mo eh." Nanliit ang mga mata ni Naomi sa kaniya, "Are we talking about Dylan again?" "What? I'm just saying the truth. Nung nakipagbreak si Dylan sayo, kulang nalang ibigay mo pati pagkatao mo wag ka lang niyang iwan. Napakatanga mo kasi." Nagsamaan silang dalawa ng tingin. Itong dalawang 'to wala ng ginawa kundi pagtalunan ang katangahan ni Naomi sa lalaki. Lalo na ang issue nila ni Dylan. Dylan's also part of our circle, pinsan siya ni Sam, and he's an ultimate casanova. Although pinagbawalan namin siyang ligawan si Naomi noon, wala pa rin kaming nagawa nung naging sila. At ngayon, break na sila, halos kaka-break lang and it's because it's a natural thing for Dylan. Natural na sa kaniyang makipagbreak ng walang dahilan sa mga babae, normal na yun at masasabi kong wala na talaga siyang pag-asang magbago. "Ano ba naman kayong dalawa." Napakamot nalang ako sa ulo nang mag-irapan silang dalawa. Palagi akong naiipit sa mga ginagawa nilang ganiyan. Hindi ko naman kasi ugaling makipag-away. "Basta Kimmy, I'm sure may reason yang pagdating ni Xian ng maaga. Anong malay natin kung hindi na pala sila nagkabalikan ni Armie?" Pumalakpak ito na parang naeexcite. "Gosh! Itutuloy natin ang kasal kapag ganun!" Napasimangot ako sa sinabi nito, "Paanong hindi sila magkakabalikan ni Armie? Ako lang naman ang naging problema nila." Nung tinawagan ko si Armie, nasasaktan siya, kung nasasaktan siya, ibig sabihin mahal niya. Ganun din naman si Xian diba? Mahal niya si Armie. Sigurado ako doon kasi ako mismo ang nakarinig. "How sure are you? Paano kung may lamat na rin pala yung relationship nila bago nangyari ang arranged marriage niyo?" Paulit-ulit na nagreply sa isip ko ang sinabi ni Naomi. Paano nga kung ganon? Kung may iba pang problema maliban sa arranged marriage namin? Paano kung hindi na nga sila nagkabalikan? Huminga ako ng malalim. Ano naman kung hindi na sila nagkabalikan? Umaasa ba akong magkakaroon ako ng chance kay Xian? Hayy, ang hirap manghula. * Pagdating ko sa bahay ay nag-ala ninja moves pa ako para lang makapasok nang hindi nagkrukrus ang landas namin ni Xian. Nakakainis lang kasi kailangan ko itong gawin sa sarili ko pang bahay. Kung hindi lang ako naiilang na makasalubong si Xian baka kanina pa ako prenteng naupo sa sala at nanood ng TV. Pero hindi ko iyon magawa kasi natatakot akong magpang-abot kami. Ayoko makaramdam ng awkwardness, it's the most thing I always hated. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa kusina. Iinom muna ako ng tubig. Nakakadehydrate ang kaguluhan ng dalawang kaibigan ko kanina. Pakiramdam ko lalo pa akong nadehydrate sa mga sinabi nilang posibleng dahilan kaya nandito si Xian. Mabuti nalang at nakainom ako ng matiwasay. Dahan-dahan ulit akong lumabas ng kusina. Ngayon ang goal ko, makarating sa kwarto ko nang hindi nakikita si Xian. Eto na..cnakikita ko na ang pintuan ng kwarto ko. Konting hakbang.. konti nalang.. konti nalang talaga.. eto na bubuksan ko na.. "What do you think you're doing?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko siyang magsalita sa likuran ko. "Oh God! Ano ba, may lahi ka bang kabute?! Bakit bigla ka nalang sumulpot diyan?!" Nakahawak pa ako sa dibdib ko. Grabe ang kaba ko, hindi talaga magandang ginugulat ako. Sa halip na sumagot ay tinaasan lang ako nito ng kilay at tinalikuran pa ako. Napanganga ako sa ginawa nito. Ewan ko sayo, forever ka nang masungit! Tse! Pumasok nalang ako sa kwarto ko. Nasayang ang ninja moves ko, magkikita't magkikita pa rin talaga kami kahit anong gawin ko. Hayy! Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang buong kwarto. Magulo at makalat, nakabukas ang lahat ng cabinet, ang dresser ko at pati ang malaking bintana. Napatakip ako sa bibig ko nang may kumalabog mula sa loob ng dresser. Nanlaki ang mga mata ko nang mula roon ay lumabas ang isang lalaking may dalang malaking bag. Natigilan pa ito nang makita ako pero naestatwa na nga yata ako sa kinatatayuan ko. Nabalik ako sa katinuan nang makita kong lumapit ito sa bintana at umamba sa pagsampa doon. Agad kumilos ang mga paa ko para hilain ang laylayan ng itim na t-shirt na suot nito. "W-wag ka diyan dumaan please, mataas yan! Mahuhulog ka!" Sigaw ko. Mataas ang kwarto ko kung tatalon siya mula sa bintana. Naghahanap ba siya ng sakit ng katawan? Bakit pa siya magnanakaw kung maoospital din lang siya?! Mukhang nagulat ito sa reaksyon ko, nahila ko ito palayo sa bintana at agad naman itong natumba sa sahig. Bumagsak ang bag niya at nagkalat ang mga laman nito, ang laptop ko, ipad, wallet at ilang stuff toys na halatang pinagkasya sa bag. Nagmamadali nitong pinulot at ibinalik sa bag ang mga gamit ko. Natunganga naman ako sa kaniya. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, pumasok si Xian. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang nangyayari. Lalong nagmadali ang lalaki, ni hindi na niya nailagay ang ibang stuff toys sa bag dahil sinugod na siya ni Xian. "Call the police Kim!" Utos nito sa akin matapos suntukin ang kawawang lalaki, bumagsak ito sa sahig. Hindi ako nakakilos. "Kim!" Umiling ako, nakatitig pa rin sa lalaki habang pinauulanan ito ng mga suntok ni Xian. Umakyat ang lahat ng konsensya sa isip ko. "Kim!" "X-xian tama na! Baka mapatay mo siya!" Sa halip na tumawag ng pulis ay lumapit ako sa kaniya para pigilan siya sa panununtok sa kawawang lalaki. "What?!" Hindi makapaniwala nito akong tinignan. Hindi ko ininda ang tingin niyang iyon, nilapitan ko agad ang lalaki pero agad akong hinila ni Xian palayo. "Xian!" "What are you thinking?!" Nagpumiglas ako rito. Nakatingin lang sa amin ang lalaki. Nang makawala ako kay Xian ay agad ko itong dinaluhan. "K-kuya?" "s**t Kim, what the hell are you doing?" Hindi ko ito pinansin. Tinignan ko ang lalaki. "Bakit niyo po kinukuha pati ang mga stuff toys ko?" Hindi ito sumagot kaya lalo ko itong nilapitan. Xian yelled at me but I ignored him. "Bakit po?" "Answer her or I'll call the police." Pagbabanta ni Xian. Mukhang natakot ang lalaki. "P-para sa anak ko. Patawarin niyo po ako, nasa ospital ang anak ko.." Nanginginig ang boses nito. Natahimik si Xian sa likod ko. "May sakit po siya? Ano pong sakit niya? Ilang taon na po siya?" "M-may leukemia siya..seven years old na siya.." Nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa lalaking ito. Tinignan ko ang mga stuff toys na nagkalat sa sahig ng kwarto ko. "Dito ka lang kuya ha? Sandali lang ito." Tumayo ako at pumasok sa dresser ko. Kumuha ako ng mas malaking bag, yung travelling bag ko. "What are you doing Kim?" Xian asked when I came back. Hindi ako sumagot. Dumiretso ako sa mga stuff toys kong nakahilera sa lalagyan nito. Kinuha ko lahat ng magkakasya sa bag at inilagay ito doon. Kinuha ko rin ang wallet sa ilalim ng kama ko. Narinig kong suminghap si Xian sa likuran ko pero hindi ko iyon pinansin. Lumapit ako doon sa lalaki at iniabot ko sa kaniya ang travelling bag na puno ng stuff toys. Hindi niya iyon tinanggap kaya kinuha ko ang kamay niya at pilit na iniabot iyon sa kaniya. "Pakibigay niyo ito lahat sa kaniya, pakisabi po galing kay Ate Kim." Binuksan ko ang wallet at kinuha lahat ng cash na nandoon, kulang fifty thousand din iyon. Ibinigay ko lahat sa kaniya. "Wala pong laman yung wallet na nakuha ninyo. Kung kukunin niyo po ang laptop at ipad ko, kailangan niyo pa pong ibenta iyon. Kaya eto nalang, sorry po kasi wala na talaga akong cash.." Natulala ang lalaki sa mukha ko, nagkaroon naman ako ng pagkakataong pagmasdan ang mukha niya. Hindi siya gaanong matanda, siguro kaedad nila mommy. Malalim ang eyebags niya, he looks exhausted at may pasa siya sa pisngi dahil sa suntok ni Xian kanina. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko habang nakikita ko sa mga mata niya ang paghihirap na nararanasan niya. Lumingon ako kay Xian, nakatitig ito sa akin. "X-xian.." "What now Kim?" Napapailing pa ito, tila hindi nagugustuhan ang nangyayari. Natakot ako sa paraan ng pag-iling nito pero isinantabi ko iyon para sa bata. "May cash ka ba diyan? Please, let's help him, I want to help him." Napaawang ang mga labi nito sa sinabi ko. I looked at him expectantly. Alam kong nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko, naaawa ako sa anak ng lalaking ito. She has leukemia at the age of seven, bakit bata pa ang nagkasakit ng ganito? He sighed. Dinukot nito ang wallet sa bulsa. Akala ko cash ang ibibigay niya, nagulat ako nang iabot niya sa lalaki ang isang cheke. "Fifty thousand under my name. Now take it and leave." Tinanggap iyon ng lalaki at nagmamadaling tumayo yakap ang travel bag na ibinigay ko. Yumuko ito sa harapan ko. "S-salamat..salamat.." Maluha-luha nitong sinabi. "Wala pong anuman. Sana po gumaling ang anak niyo. Ano pong pangalan niya?" "Angel.." Tumango ako, "Ihahatid ko na po--" "No Kim, let him go out alone." Mabilis niya akong hinawakan sa braso. "Pero paano yung gate--" "K-kaya ko na pong lumabas. Patawarin niyo ako..maraming salamat." Lumapit si Xian sa pintuan at iniawang iyon para sa lalaki. Agad din itong umalis. Naiwan kaming dalawa ni Xian sa loob. Napaupo ako sa kama ko habang nakatitig sa mga nagkalat na gamit sa kwarto ko. Naiisip ko ang kawawang bata na may leukemia. I sighed, this is not fair for an angel like her. Nabawi ni Xian ang atensyon ko nang padabog niyang isarado ang pinto. Nalukot ang kilay ko. "B-bakit?" He glared at me, "Let's talk." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD