Kim's POV
"Anak I'm really sorry," sabay na sabi sa akin ni mommy at daddy.
Sabay pa talaga sila! Nakakainis! Yung parents ko walang bahid ng kaseryosohan sa katawan. Hindi man lang ako naisip?
"Mom! Dad! Bakit?!" Madrama akong napaupo sa sofang naroon. Masisiraan ako ng ulo. Alas-dos na ng madaling araw, hinintay ko silang dumating, hindi pa ako kumakain!
Hinintay ko silang dumating kasi gusto kong malaman kung bakit nandito sa bahay namin si Xian, imposibleng hindi nila iyon alam. Pero nang maabutan nila ako dito sa sala, parang pinag-praktisan na nila yung sasabihin nilang sorry. Nakakainis lang diba?
"Mom,dad, seryoso na po kasi please? Bakit siya nandito? Anong kalokohan 'to?" Hindi ko kayang ipagpabukas ang dahilan kasi hindi ako makatulog. Hindi ako makakatulog kakaisip sa kaniya kung bakit siya nandito.
All along akala ko magsesettle na siya sa Seoul, kasama si Armie. Bakit siya nandito? Bakit pa siya bumalik?
Na-iistress na ako, pakiramdam ko rin may eyebags na ako. Ayoko ng ganito, ayokong pumangit! Ayoko ng eyebags!
"Anak ganito kasi yun eh. Bago pa man yung kasal niyo, nakapagtransfer na sa school mo si Xian. Naayos na rin yung residence permit niya dito. At hindi pwedeng i-back out lahat yun. Kaya kahit hindi natuloy ang kasal, dito pa rin siya mag-aaral sa Pilipinas."
Napalunok ako. Bakit hindi ko naisip yun? Nag-transfer nga pala siya dito, nag-transfer siya sa school ko! God! Ano nang mangyayari sa akin nito? Imposibleng hindi kami magkita at magkasama sa school kasi iisa lang naman ang barkadang kinabibilangan namin.
"Dito rin siya titira sa atin kasi ibinilin siya sa amin ng Tita Aubrey at Tito Kysler mo," dagdag ni daddy.
Lalo akong pinanlambutan. Oh my God. So ganito na talaga? Dito titira sa bahay namin ang lalaking tinakbuhan ko sa kasal? Grabe na'to.
Kung alam ko lang na ganito edi sana hindi na ako umatras. Ganun din yun hindi ba? Magkasama pa rin kami. Ano nang mangyayari sa akin nito? Forever na akong magkukulong sa kwarto ko?
"Anak alam kong hindi madali ito. But you know, kahit naman hindi natuloy yung kasal niyo dapat ay mag-stay pa rin ang friendship niyo diba? Magkababata kayo eh."
Para akong maiiyak. Anong friendship ang pinagsasabi niyo? Kung alam niyo lang kung gaano kasungit ang lalaking 'yan sakin. Hindi nga ako kinakausap ng matino niyan dati eh. Paano pa kaya ngayon?
"Kaya mo 'yan baby, nandito naman kami ng daddy mo eh."
Lumapit silang dalawa sa akin para yakapin ako. I'm still glad they're not mad at me, sa pagdedesisyon ko mag-isa. At the end of the day, sila pa rin ang nag-comfort sa akin. I must say I am lucky for this kind of parents.
"Sige na, sleep na, goodnight darling." Dad kissed me on my forehead and then mom kissed me on my cheek.
Nagpaalam na rin silang magpapahinga na sila dahil napagod sila sa date nila. Ibang klase ang mga magulang ko, tinubuan sila ng unlimited sweets sa katawan kaya hanggang ngayon akala mo mga teenager pa rin.
I sighed. Naramdaman ko nanaman ang gutom ko nang mapag-isa ako sa sala.
Tumayo ako at pumunta sa kusina. Yung ilaw sa diner nalang ang binuksan ko. Pumunta ako sa fridge at naghanap ng makakain. Wala kasing nakaluto, mukhang nagdinner date pa yata sila mommy kanina. Kinalimutan ba namang hindi ako marunong magluto. Grabe talaga, minsan daig pa ako nila mom and dad eh, kung makapagdate wagas. Ako na nga ang walang lovelife.
Kung bakit ba naman kasi sa isang lalaking menopausal pa ako nagkagusto. Hayy.
Makalipas ang ilang minuto ay wala akong nakalkal sa ref na ready to eat. Maraming raw foods pero saan napunta yung mga cakes at sweets namin dito? Mamamatay na ako sa gutom! Bakit ba kasi hindi ako marunong magluto? Kainis!
Napaupo nalang ako sa may stool habang nakapangalumbaba. Hindi ako makakatulog ng gutom. Sana pala nagpaluto muna ako ng pagkain kay mommy. Wala kasi kaming kasambahay eh. Sa laki ng bahay namin, wala kami kahit isang kasambahay. Ayaw kasi ni mommy, gusto niya siya ang mag-takeover. May pumupunta lang dito during Saturdays para maglinis at maglaba, wala kaming permanent maid. Yung gate naman namin ay may naka-install na scanner. Kusang bubukas ang gate kapag nakita ang mukha ng tao sa labas, may background kasi kami ng mga kakilala namin. Kapag hindi kasali sa list ang tao sa labas, kailangan pa ng confirmation. Ganun din sa plate number ng sasakyan. Masyado itong high-tech pero safe naman talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung paano ako makakakain nang may makita akong anino mula sa diner. Napalunok ako. Multo? Anong oras na ba?
Napatingin ako sa wallclock at nanlaki ang mata ko nang makitang alas-tres na, it's the devil's hour according to many. Nangilabot ako bigla.
Nanginginig ang tuhod akong lumakad patungo dun sa switch ng ilaw. Tanga ko kasi eh hindi ko pa sinindihan kanina. Nung malapit na ako ay bigla naman akong nafroze sa kinatatayuan ko. Kasi.. kasi..may isang bulto ng lalaki ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
I blinked my eyes for a couple of times but when I realized someone's really standing infront of me, I began counting three before I yelled at the top of my lungs.
Nagulat yata yung devil sa pagsigaw ko at bigla nalang lumapit at tinakpan ang bibig ko. I gasped. Mommy! Daddy! Kukunin ng devil ang nag-iisa niyong anak! Dadalhin niya ako sa hell kasi naging masama akong kaibigan noong nakaraan.
Napaiyak na talaga ako sa tindi ng kabang nararamdaman ko. Tapos bigla akong iniupo nung devil sa isa sa mga upuan sa dining table. Tinanggal niya na rin ang kamay niya sa bibig ko kaya nagsimula nanaman akong umiyak.
Yun bang pakiramdam na sa sobrang takot mo ay nakapag-kumpisal ka ng wala sa oras?
"S-sorry sa mga kasalanan ko. Kung naiinis ako minsan kina mom at dad kasi ang sweet nila. Masisisi mo ba ako kung nakakaumay at nababaduyan na ako? Sorry din kung minsan natatarayan ko ang mga classmates ko. Sorry din kung binabasted ko yung mga nanliligaw sakin, hindi ko naman sila gusto eh. Si Xian lang yung gusto ko pero sorry din kung iniwan ko siya sa kasal namin. Sorry din sa parents niya. Sorry din kung ..kung nagulo ko sila ni Armie. Waa! Ano pa bang kasalanan ko?!" Tumigil ako at nag-isip sandali.
"Ah, wag mong ipagsasabi ito huh," huminga ako ng malalim. "Gusto ko pa din si Xian at alam kong mali kasi malamang ay nagkaayos na sila ni Arm pero okay lang kahit medyo---"
Nagulat ako nang bigla itong umalis sa harapan ko at lumapit doon sa switch ng ilaw.
"Wait, sisindihan mo yan? H-hindi ba.. hindi ba nakakatakot ang itsura mo? Wala ka bang sungay at buntot? A-ano kasi.. devil's hour ngayon hindi ba? Baka nakakatakot---" Natigil ako sa tunog ng switch, bumukas ang lahat ng ilaw sa kusina at sa dining area. Bahagya pa akong nasilaw kaya napapikit ako.
Pero natigil ako nang makita ko ang inaakala kong devil ngayong devil's hour. Yung inakala kong pangit at nakakatakot na devil..
"Devil huh." He smirked upon seeing my reaction.
Napalunok ako at kinabahan. Yung mga sinabi ko.. napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pamumula ng buong mukha ko.
"A-Ano .." Napayuko ako.
Wala na ..napahiya na ako. What's worst is sa kaniya pa. Siguro pinagtatawanan na niya ako kasi ang weak ko. Ang tanga tanga ko. Bakit ba kasi ako naniniwala sa devil's hour na 'yon?
Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan, "Sige na..sabihin mo nang tanga ako." Napayuko ako sa mga kamay ko. Naiiyak ako sa sobrang kahihiyan.
Ineexpect kong pagagalitan niya ako dahil sa walang kwentang pinagsasabi ko. Ineexpect ko ring tatawanan niya ako dahil nanaman sa pagiging immature ko pero nagulat nalang ako nang hawakan niya ang baba ko at iangat ang mukha ko.
Sobrang lapit ng mukha niya sakin at amoy na amoy ko ang mabango at lalaking-lalaking amoy niya.
"Babo." Bulong nito na nagpakurap sa akin.
B-babo? Baboy? Anong sabi niya?
"Sabi ko tanga. Ano namang sinabi mo? Baboy? s**t nabibingi--"
"Hey, watch your mouth." Pinitik nito ang noo ko. Napahawak naman ako agad dito. Ang sakit niya mamitik ah. Anong problema niya?!
Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya sa harapan ko. Lumapit siya sa fridge at binuksan ito.
"Baegopayo." [ I'm hungry. ]
Kumunot ang noo ko. "Ano?"
Bakit nag-aalien language nanaman ito? Baka mamaya may sinasabi na siyang kung ano. Sinundan ko siya ng tingin nang maglabas siya ng mga raw foods sa fridge. Teka, magluluto ba siya?
"Magluluto ka ba?" Tanong ko.
"Yeah."
Sumimangot ako. Kahit kailan napaka-tipid niya talagang magsalita. Kay Armie lang yata marunong dumaldal ang lalaking ito eh. Umupo ako sa mas mataas na stool malapit sa stove.
"Pahingi ako ah? Nagugutom na rin ako eh."
Hindi nanaman ito sumagot. Hindi na rin ako nagsalita. Magsasayang ka lang ng laway kapag ganito ang kausap mo.
Pinanood ko nalang siyang magluto. Mukhang expert ang isang 'to, ang galing niya. Naghihiwa siya ng sibuyas pero nakalingon siya sa ref. Siguro iniisip niya kung anong lulutuin niya. Ang galing naman, siguradong hindi siya magugutom kahit mag-isa lang siya sa bahay.
Bigla kong na-imagine kung ano kaya ang magiging setup namin kung sakaling natuloy ang kasal namin. Siguro ganito rin, magluluto siya habang nanonood lang naman ako sa kaniya. Lihim akong napasimangot sa panghihinayang.
Nang matapos siyang magluto ay inihain niya kaagad sa mesa ang niluto niya, menudo. Napasinghot ako sa sarap ng amoy nito. Amoy masarap, mukhang masarap!
Umupo na rin ako agad sa hapagkainan para kumain habang inaayos niya ang mga pinggan at kubyertos sa harapan namin. Alam ko dapat awkward kami ngayon o baka ako lang pero isinantabi ko muna ang lahat. Gutom na gutom na ako at wala na ako sa tamang pag-iisip para mag-inarte pa, bukas nalang.
Tahimik lang kaming kumain. Mukhang hindi rin siya kumain ng hapunan kaya siya nagluto.
Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan pero seryoso talaga siya sa pagkain niya na nakakatakot kapag nahuli niya akong pinapanood siya.
Nang matapos kaming kumain ay sinubukan kong tulungan siyang magligpit ng pinagkainan pero tinapik niya ang kamay ko.
"Aww," napasimangot ako.
Hindi naman ito nagsalita. Pinahaba ko ang nguso ko habang pinapanood siyang ilagay sa dishwasher ang mga maruming pinggan. Nang matapos ay walang sabi-sabi nitong pinatay ang ilaw doon kaya agad akong napatayo.Lumakad na siya palabas ng kitchen. Syempre sumunod ako, aakyat na rin ako sa kwarto.
Magkasunod lang kami sa hagdan. Mabagal ang pag-akyat niya kaya mabagal din ang hakbang ko sa likuran. Tinitignan ko ang malapad na likod niya, puting wrangler t-shirt nalang kasi ang suot niya. Tinanggal na niya ang jacket na suot niya kanina nang dumating siya.
Maganda ang katawan ni Xian, sa likod palang kita mo na ang muscles niya hanggang braso. Tambay siguro ito sa gym. Matangkad din siya at maputi, mas maputi pa sa akin. Ano pa bang aasahan ko, lumaki siya sa Seoul. Korean na korean ang itsura niya kahit wala naman silang lahi nun, siguro na-adapt niya na iyon doon.
Sa pag-iisip ko sa mga traits niya ay hindi ko namalayang tumigil pala siya. Tumama ang noo ko sa likod niya at muntik akong ma-out of balance. Mabuti nalang at nahawakan niya agad ako sa braso.
"Careful."
Sumimangot ako, "Bakit ka kasi huminto."
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ngumisi ito. Inilapit niya ang mukha sa tenga ko at bumulong, "Goodnight, my runaway bride."
**