Chapter 1

915 Words
Kim's POV One week na ang lumipas. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na humarap ulit sa kanila pagkatapos ng nangyari. Hiyang-hiya ako sa kanilang lahat, sa kanila mommy at daddy, sa mga bisita, sa mga taong nag-effort, sa mga magulang ni Xian at lalong-lalo na kay Xian. Hindi biro ang halaga ng mga nagastos sa kasal at lahat ng iyon ay nasayang lang dahil sa kawalan ko ng matibay na desisyon. I admit, nagsisisi din naman ako. Nagsisisi ako dahil sa mismong araw pa ng kasal ako umurong. Hinintay ko pang marami munang maperwisyo. Pero hindi ko pinagsisisihang hindi ako nagpakasal kay Xian. After three days kasi ay bumalik na sila ng pamilya niya sa Korea. Pakiramdam ko magkakaayos na sila ni Arm. Ang plastic ko hindi ba? Kunwari masaya ako para sa kanila but deep inside, sobrang nasasaktan ako. Pakiramdam ko nga ang galing galing ko ng umarte eh. Kasi kapag nasa harap ako ng lahat, umaarte akong parang wala lang, na ayos lang ako. Pero deep inside ay binabatukan ko ang sarili ko at sinasabihan ng tanga. Nasa akin na siya eh, binitiwan ko pa. I sighed. "Seventeen," Kunot noo akong lumingon kay Naomi, "Seventeen?" I asked. Tinignan ko kung anong ginagawa niya pero nagsusulat lang naman siya ng kung anu-ano sa likod ng notebook niya. Naisip kong baka nagcocompute siya kaya lang hindi naman math ang subject namin ngayon. "Pang-seventeen mo ng buntong hininga 'yan today Kimmy." Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin na sa akin, "Okay ka lang ba talaga? Minsan naiisip kong umaarte ka lang." Nakuha mo Naomi. Pero wala akong balak sabihin sayo, wala akong balak i-open sa inyo ang nararamdaman ko. What's the use? Kahit na sabihin kong nagsisisi ako, hindi na babalik si Xian dito sa bansa para ikasal ulit sa runaway bride niya. "Ayos lang ako," I faked a smile. Hinawakan niya ang kamay ko, "Everything's gonna be alright," she gave me a smile. Tumango naman ako. Sana nga.. * Gabi na at ako lang mag-isa sa bahay. Hindi ko alam kung saan pumunta sila mom at dad, hindi ko na kasi sila naabutan pag-uwi ko. Nakasimangot ako habang nakaharap sa laptop ko. I was checking my newsfeed pero wala na akong nakitang may sense dahil karamihan sa mga posts na nakikita ko ay puro walang kwentang bagay sa kamunduhan. Gusto kong matulog pero hindi ko makuha ang antok ko. Napagod ako sa pagpapapirma ng clearance ko kanina, last day na kasi at bakasyon na rin sa wakas! Nag-iisip na nga ako ng mga pwedeng puntahan this vacation eh. Tumitig ako sa hello kitty stuff toy na katabi ko. Nginitian ko ito na parang baliw. "Ikaw Kitty? Saan mo balak magbakasyon? Gusto mo bang sumama sakin? Balak ko kasing yayain ang friends ko na mag-camp, masaya 'yon." Tinitigan ko ito. Hindi nagtagal ay natawa nalang ako sa sarili ko. Minsan iniisip kong baliw na ako, madalas ko kasing kausapin itong malaking stuff toy na ito. Wala lang, I just find her open for me. Pakiramdam ko kasi, siya lang ang pwede kong pagsabihan sa lahat ng nararamdaman ko, siya lang yung safe at hindi ko masasaktan kapag may katangahan nanaman akong nagawa. I sighed. Kinuha ko ito at niyakap, "I miss him. Kahit masungit siya sakin, kahit hindi niya ako pinapansin noon, sobrang namimiss ko pa rin siya." Huminga ako ng malalim, "Pero palagay ko hindi na siya babalik pa dito sa bansa. Pinahiya ko siya sa maraming tao, pinahiya ko ang mga magulang niya. Malamang, lalong nagalit yun sa akin." Tinitigan ko ang inosenteng hello kitty stuff toy, pinisil ko ang ilong nito. "Pero sana naman okay na sila ni Armie. Iyon nalang kasi ang pambawi ko sa kaniya, yung ibalik siya kay Armie." Naramdaman kong tumunog ang tiyan ko. Napasimangot ako. Nilingon ko ang wall clock na nakasabit sa kwarto ko at nakita kong pasado alas-otso na, kaya pala nagugutom na ako. Ibinalik ko si Kitty sa upuan niya, "Dito ka muna, I'll go downstairs to find food. Ikaw ba, hindi nagugutom?" Tinitigan ko ito atsaka ako napakamot sa ulo ko, "Kahit pala magutom ka hindi ko naman alam saan ko idadaan ang pagkain mo. Bakit ba kasi wala kang bibig?" Sumimangot ako, "Haay Kitty, nababaliw na ako no?" Tumawa ako. Lumabas nalang ako ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan ay narinig kong may pumasok na kotse sa garahe. Nagmadali akong makababa para salubungin sila mommy. Pero dahil sobrang nauuhaw na ako ay dumiretso muna ako sa kitchen para magsalin ng tubig sa baso. Dinala ko ito palabas ng kusina para sumalubong sa parents ko. "Hi mom--" Pero natigil ako dahil ibang tao ang nakita ko. Literal akong napanganga nang makita siya sa loob ng pamamahay namin. Nabitiwan ko tuloy ang basong hawak ko at nabasag ito sa sahig. Pero hindi ko na iyon napansin. Napako ang mga mata ko sa gwapong lalaki na nakatayo ngayon sa pintuan namin at nakatingin sa akin. Nakapamulsa pa ito habang may sukbit na bag sa likuran. Napalunok ako, "X-Xian?" Ikinurap ko ang mga mata ko sa pag-aakalang imagination lang ito pero pagdilat ko ay nakahakbang na ito palapit sa akin. Napaatras ako agad. "Y-you're real?" He smirked, "Why? Are you imagining me?" My heartbeat skipped at ang unang pumasok sa utak ko ay ang tumakbo. And that's what I did, nagtatakbo ako pabalik sa kwarto ko at nagtago sa taong minsan ko na ring tinakbuhan. I ran away again. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD