Prologue

1688 Words
Note! Please read! I wrote this story wayback in 2014, so the plot might not be that unique and the content might not be well delivered. Please bare with it though, I don't want to edit the story anymore because I might ruin the originality. Also, some details might not match accordingly but I'm trying to find them so I can fix it. If may details po kayong napansin na hindi nagmamatch pls don't hesitate to send me a msg, it will be a big help since I don't have much time to re-read all of the stories. And pls remember, you are free to judge the story but in a respectful way, that's the only kind of criticism I can accept. Also, if you want to read my recent stories, you can follow me on my w*****d account. My username is Priceless_smiles. Minsan mahirap siyang isearch so try to search for #xian and it will lead you to some of my stories. That's all, thank you so much! * Kim's POV "Oh my God, Kim! You look so stunning in that gown!" Cuttie exclaimed when they got the chance to see me inside the dresser. Tuwang tuwa silang makita ang itsura ko ngayong araw. I faked a smile. Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I saw that pretty girl they're saying. She's wearing a beautiful wedding gown and she really looks so stunning. Pero may kulang. There's no sign of happiness on her face. Those beautiful lips aren't smiling, it's a hard passive line today. Dapat masaya siya eh, pero hindi niya mapigilang malungkot. Ikakasal na siya sa lalaking matagal na niyang gusto kaya dapat masaya siya. Ito na yung araw na hinihiling niya mula noon pero bakit ganun? Bakit parang hindi siya masaya? I can see how broken she is right now, I can see the sadness in her eyes. Hindi ko alam na posible palang makaramdam ng ganito ang isang tao. Sa kabila ng katuparan ng nag-iisang pangarap niya ay hindi siya makaramdam ng saya. How is that even possible? "Kim?Oh God, sabi ko na nga ba't babagay talaga sa'yo ang gown na 'yan. Look at you, you look so beautiful in white!" Mula sa salamin ay nakita kong pumasok si Naomi. She's wearing a pink dress dahil iyon ang motif ng kasal ko. A huge smile is plastered on her face, siya kasi ang namili ng gown na ito para sa akin. "You look mature!" She exclaimed when she came near me. She looked at me happily. Tinignan ko siya. She's happy for me, lahat sila masaya para sa akin. Sana ganiyan din ang nararamdaman ko, sana masaya din ako ngayong araw ng kasal ko. Pero hindi. Nakita kong pumasok din sa kwarto si Sam at Sean. Si Sam ang bride's maid ko at si Sean naman ang best man. Sammy smiled at me bitterly. Sa kanilang lahat, siya ang mas nakakaalam sa totoong nararamdaman ko. She never left me, kahit na naiipit siya sa aming dalawa ni Armie, alam kong nanatili rin siyang matatag para sa aming dalawa. Afterall, she's the strongest girl in our circle. "I am so excited!" "You should be! This is the day! Finally, magiging Ekelund na si Kim!" Tinignan ko sila habang nagtatawanan at hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Nakakainggit kasi masaya sila. Bakit ganun? Ako ang dapat na maging masaya dahil araw ko ito but I can't help the confusion within me. Ano ba talaga? "Nagtext na si Dylan." That was our cue to start moving. Inalalayan ako nila Naomi at Cuttie sa paglabas ng hotel kung saan kami lahat nag-stay last night. Sumakay kami sa isang limousine na puno ng dekorasyong mga bulaklak at puting laces. Truly, this wedding can be the wedding of the year dahil sobrang garbo nito. Malaki ang inilaan na pera ng mga magulang namin dito, hindi nila nakalimutan na ito ang dream wedding ko, a church wedding. Dito na rin sumakay si Naomi at Cuttie dahil hindi ako pumayag na mag-isa lang ako sa sasakyan habang papunta sa simbahan. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Ganito ba talaga? Kakabahan ka ba talaga sa kasal mo? Oh dahil baka hindi ako sisiputin ni Xian kaya kinakabahan ako? Paano kung umatras siya? Paano kung maisipan niyang babayaran niya nalang ang utang nila sa pamilya namin kaysa magpakasal sa akin? Paano kung mahal niya talaga si Armie at hindi niya kayang magpakasal sa akin? Hindi ko mapigilang mapa-buntong hininga dahil alam kong hindi imposible ang mga iniisip ko. Xian doesn't like me from the very start at alam kong napilitan lang siyang pakasalan ako because of their debt to my family. Yun lang ang kayang ibigay ng parents niya bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga magulang ko. They say money can't repay us, money can't pay everything. Pero hindi ba pera din ang pinagmulan ng kasal na ito? Tinanggap nila mom at dad ang marriage proposal dahil alam nila kung gaano ko kagusto si Xian. It's not about the debt anymore, dahil kung iyon lang ay wala namang kaso sa kanilang tulungan ang pamilya nila Xian. But they know what I feel for him. We're childhood friends at alam nilang hindi malabong magustuhan rin niya ako. Ganun din naman ang akala ko nung una, nung hindi ko pa alam na girlfriend niya ang bestfriend ko at kababata rin naming si Armie. They broke up before our wedding at nagparaya na si Arm pero bakit ganito? Why do I feel so much guilt? Dahil ba alam kong ako ang nakasira sa kanila? Dahil alam kong ako ang may kasalanan kaya sila naghiwalay? Hindi pa umaandar ang sasakyan nang maisipan kong tawagan si Armie. Hindi ko alam kung bakit ko ito naisip pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakakausap. Hiniram ko ang cellphone ni Naomi at nakiusap ako sa kanilang bumaba muna sila sandali. Ang sabi ko ay gusto ko lang munang mag-isip, hindi ko sinabi sa kanilang tatawagan ko si Arm. Alam ko kasing pipigilan nila ako. They are good friends at ang gusto lang nila ay sumaya ako. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pa at agad ding bumaba. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko i-dial ang number niya. Memorize ko, minemorize ko. Alam ko kasing darating ang araw na kakailanganin kong tawagan siya at humingi ng sorry. Alam ko kasing hindi ako titigilan ng konsensya ko. Pero hindi ko ineexpect na hindi lang sorry ang sasabihin ko sa kaniya, hindi lang ako hihingi ng tawad, itatama ko rin ang malaking pagkakamaling ito. Wala pang tatlong ring ay may sumagot na, lalo akong kinabahan. Akala niya siguro ay kung sino lang kaya sinagot niya. Alam ko namang hindi niya ito sasagutin kung number ko ang ginamit ko. "Yeoboseyo?" [Hello?] Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya.Nanginginig ito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak dahil sa pamamaos niya. Hindi ako nakapag-salita. "Nuguseyo?" [Sino 'to?] I swallowed hard to prevent myself from crying. "Arm .." Biglang natahimik sa kabilang linya nang magsalita ako. Did she recognized me? "Arm ako 'to ..si Kim." "W-why" Napalunok ako, "Arm, ikakasal na ako. Today is our wedding." Hindi ko rin alam kung bakit sinasabi ko 'to gayong alam ko namang alam niya. How can't she know? It's the wedding of her bestfriend and her ex-boyfriend, it's the wedding that she would surely remember for the rest of our lives. "Chukhahaeyo." [Congrats] "But ..but I want to ask you something .." Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kabilang linya bago ko ulit narinig ang boses niya, "Mueoseulyo?" [What is it?] Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko. She's hurting, I know she's hurting, pain is evident on her voice. God, paano ko ito nagawa sa kaniya? Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko siya. Ngayon ko mas lalong naramdaman na walang mali sa iniisip ko, tama ito. Dapat kong gawin kung ano ang tama. God, help me please? I never wanted this. Opo, ginusto ko pong maikasal kay Xian pero kung ang kapalit nito ay dalawang taong nasasaktan, baka po hindi ko kayanin. Mabuti nang hindi matuloy kaysa magdusa kaming tatlo hindi po ba? Mas mabuti nang ako lang yung masaktan, less damage. "I-I'm sorry, I really am Armie. Sorry kung dahil sa akin nagkaganito kayo, sorry kung nasasaktan ka. I'm sorry.." Iyak ko. Naririnig ko rin ang paghikbi niya sa kabilang linya. "Please tell me, do you love him? Do you really love him?" Alam kong ang tanga ko lang para itanong sa kaniya 'to kahit na alam ko naman ang sagot. Pero hindi ko kasi kaya, hindi ko kayang pakasalan si Xian kung hindi din naman ako ang mahal niya. Ako ang sumira sa kanilang dalawa. Ayokong ipilit ang kasal na ito kung pareho pa rin pala ang nararamdaman nila sa isa't isa. I rather hurt myself alone than hurt them. "I love him, God knows how much I love him. But we can't be right? We can't be together, Xian is for you Kim, he's not for me." She's really crying, umiiyak din siya. Pinigilan kong humikbi kahit na alam kong naririnig na rin naman niya. Tama ako, mahal talaga nila ang isa't isa. At ako, ako ang dahilan kaya pareho silang nasasaktan ngayon. Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.Ngayon lang ako gagawa ng desisyong hindi para sa akin, ngayon lang ako gagawa ng desisyon para sa iba. Pero alam ko, alam kong kahit masaktan ako, tama naman ang gagawin ko. "You're wrong Armie, Xian's not for me, he's for you. I'm giving him back to you." I laughed in bitterness, "Hindi naman talaga siya naging akin. Please be happy Armie, please be happy." Pinindot ko ang end call at saka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Binuksan ko ang pintuan at tumakbo palayo hawak ang dulo ng gown ko. "Kim!" Rinig kong tawag nila sa akin pero hindi ako lumingon. I chose not to look back because I don't want them to drag me back. Sorry, sorry sa inyong lahat. Sorry but I can't marry a man who can't love me back, so it's better to runaway. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD