"Sorry talaga kung hindi na kami nakahabol," Panay ang paghingi ko ng sorry kina Sam dahil hindi na kami umabot sa lunchdate ng barkada. Tumagal kami dahil sa traffic kaya pinauna na namin silang umalis.Kaming dalawa nalang ang sabay na nag-lunch ni Ken. Pagkatapos ay namasyal na rin kami dahil ayaw ko pang umuwi.
| It's okay, basta ba okay na kayong dalawa. So kamusta? |
Tinignan ko si Ken na nagmamaneho na pauwi, ngumiti ako dito nang lingunin niya ako.
"Okay na, kami na.."
Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko. Hindi na niya iyon binitiwan pa.
| Oh my god, really?You better tell us how did that happen, nasaan kana ba? Magkasama pa kayo? |
Tumango ako, "Pauwi na kami."
| Alright, maybe we can talk about that tomorrow. Ingat kayo okay? |
"Thank you Sam, bye."
"Uwi na tayo? Wala ka na bang ibang gustong puntahan?" Tanong nito nang ibaba ko na ang phone ko.
Tumango naman ako, "Gabi na rin, tsaka di ba tutugtog kayo sa Fiasco?"
"Pwede naman akong i-sub kung ayaw mo pang umuwi," he smiled at me.
Umiling ako, "Uwi na tayo, kailangan mo rin magpahinga."
"Okay, if that's what you want."
Sa totoo lang ay ayaw ko pa talagang umuwi, wala naman kasi akong ibang kasama sa bahay kundi si Xian. My parents are out for a business trip again at umuwi naman ng Seoul si Armie. Kinailangan na ring umuwi nila Samantha sa kanila dahil ilang araw na sila sa bahay, they have their own lives at ayaw ko nang maistorbo pa sila.
Kailangan na rin magpahinga ni Ken dahil tutugtog ang banda nila sa Fiasco mamayang gabi. Ayokong makaistorbo sa kaniya kahit pa sabihing boyfriend ko na siya, I still know my limits.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay, pinisil pa muna nito ang kamay ko bago ako nabalik sa katinuan.
"You look tired, sorry kung saan-saan tayo nakarating, napagod ka tuloy."
Umiling ako, "It's okay, nag-enjoy naman ako e."
He smiled, "I'm glad nag-enjoy ka, sige na.." tinanggal nito ang seatbelt ko at marahan akong hinalikan sa noo.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya, mukha namang nabigla ito sa ginawa ko.
"Kim?"
"Thank you Ken, thank you so much."
Naramdaman kong gumanti rin ito ng yakap, "You're welcome Kim, you're always welcome."
Napangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na may ganitong taong nagmamahal sayo. Na alam mong hindi ka magsisisi kapag binigay mo lahat kasi alam mong mamahalin ka rin niya nang higit pa sa inaakala mo.
Sana ..sana noon palang dumating na agad siya sa buhay ko para hindi na sana ako sobrang nahulog kay Xian. Para hindi na sana ako umabot sa puntong masaktan ng husto.
"Sige na, gabi na.."
Ngumiti ako at humarap sa kaniya.
"Thank you Ken, wag mo akong bibitiwan ha?"
"I won't unless you tell me to." Ngumiti muna ito bago bumaba para pagbuksan ako.
"Ayaw mo ba munang pumasok?" Alok ko nang nasa may porch na kami.
Umiling naman ito, "Hindi na, today's enough. Wag mo ako sanayin na lagi kang kasama, sige ka hindi na talaga kita iiwan."
Sinimangutan ko lang ito, pinisil niya naman ang ilong ko. Napansin kong madalas niyang pisilin ang ilong ko.
"Sige na, kailangan ko na ding umuwi. Magpahinga kana, gabi na rin."
"Osige,"
"So.. goodnight?"
Ngumiti ako at humakbang palapit sa kaniya. I tiptoed and kissed him lightly on his cheek, "Goodnight and thank you for everything Ken, mag-iingat ka."
He smiled and kissed my forehead before leaving. Hinintay ko pa munang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makita kong nakasandal sa hamba ng pintuan si Xian at tila nag-aabang sa akin.
My heart automatically raced fast the moment his eyes met mine. Mabilis akong nagbawi ng tingin at nagmadaling pumasok, trying not to mind him. Buong akala ko ay pababayaan niya nalang ako pero gayon nalang ang gulat ko nang hilain nito ang braso ko kaya naman mabilis na tumama ang katawan ko sa kaniya.
"X-Xian.."
He stared at my face for a couple of seconds before he gave me a smirk that made feel so cold, pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
"You're not good with this Kim, quit playing games with me."
Kinabahan ako sa sinabi nito, alam na ba niya? Alam na niyang hindi totoo ang amnesia ko? Pinilit ko pa ring ipamukha sa kaniyang wala akong alam sa sinasabi niya, "What are you saying? Bitiwan mo nga ako!"
Pero sa halip na bitiwan ako ay inilapit pa nito ang mukha niya sa akin. I almost stopped breathing when he did that, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko.
"Acting like you don't know anything, like you don't know me.."
"A-ano ba..bitiwan mo ako!" I yelled at his face.
I tried to push him away pero nabigo ako, he's strong. No, mali ako, I'm weak. Nanghihina ako ngayon dahil sa kakaunting distansya sa pagitan naming dalawa. It's really amazing how can he make me weak when he's around.
"Selective amnesia huh? And yet you only forgot about me.."
Hindi ako nakasagot. Alam na niya, how can I argue more?
"How long can you pretend Kim? How long can you pretend that you don't remember me and how long can you pretend that you're inlove with that jerk--"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko nalang siyang nasampal.
"Wala kang karapatang tawaging jerk si Ken!"
Napahawak ito sa pisngi niya at biglang natawa, "And now you're even pretending that you are too much into him.."
"I'm not pretending!" I yelled.
How can he say those words? Hindi niya kilala si Ken, hindi niya alam kung anong ginagawa ni Ken para sakin. Hindi niya alam kung anong kayang gawin ni Ken para sa akin! I want to yell that at his face pero nakakainis dahil alam kong hindi ko kaya, I can never compare the both of them because I know Xian will always measure wider. Na kahit gaano pa kadami ang mabuting bagay na handang gawin ni Ken para sakin, alam kong isang Xian lang, just being him alone makes it better.
"How can you say that? Hindi ako nagpapanggap.." naiiyak kong sabi. Umatras ako palayo sa kaniya pero humakbang din siya palapit.
"Which one aren't you pretending?"
Kumunot ang noo ko. Naiinis na ako sa pinapakita niya. Ano bang gusto niyang mangyari?!
"You're not pretending that you don't remember me? Or you're not pretending that you're inlove with him? Which one Kim? Because I perfectly know that you are pretending, you are just pretending."
Natulala ako sa tanong niya, hindi ako makasagot. Parang bala ng baril na tumama sa akin, tagos hanggang buto.
Nang hindi ako makasagot ay inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at saka bumulong, "Or both?"
Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagbuhos ng mga luha ko. I feel so frustrated, hindi ko alam kung dahil ba nalaman na niya ang totoo o kung dahil alam niya ang totoo kong nararamdaman.
That I'm pretending to be inlove with someone else just to forget about him.
"You are so selfish.." I cried.
Napaka-selfish niya. Alam niya kung ano ang ginagawa ko, alam niya kung ano ang nararamdaman ko. He knew that I'm pretending pero bakit hindi niya nalang ako pabayaan? Bakit kailangan pa niyang guluhin ang utak ko ng ganito?
Hindi niya naman ako mahal diba? Hindi niya rin ako gusto. Sabi niya ayaw niya sa akin. So bakit hindi niya nalang ako pabayaan? Bakit ba gustong-gusto niya akong nasasaktan? Bakit ba hindi niya nalang ako pabayaang mag-move on?! Natutuwa ba siyang nakikita akong miserable? Hindi pa ba sapat lahat ng naranasan kong sakit? Bakit ba ang selfish niya?! Wala na ba akong karapatang sumaya at makamove on sa kaniya?!
"Yes I'm selfish, I am very selfish."
Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. See how selfish he is! See how rude he is! Bakit ko ba minahal ang lalaking 'to?! Bakit ba ako nagpakatanga sa lalaking katulad niya?!
Naiwan sa ere ang lahat ng hinanakit ko sa sunod niyang mga salita.
"I can be a selfish mad man if it's all about you."
**