Kim's POV
"Ano ba Naomi, nakakakilabot yang mga ngiti mo ha!" Reklamo ni Cuttie.
Natawa naman kami ng mag-make face si Naomi, "Edi wag mo akong tignan! Tsk!"
"Duh! Eh kahit hindi kita tignan damang-dama ko 'yang itim na aura mo!"
"What the hell are you saying?!"
"Sino nanaman bang nakita mong lalaki at kung makangiti ka diyan parang balak mong halayin! You are such a flirt b***h!"
"Oh well, kaklase ko lang naman ang headturner at super sikat na artistang si Gelo Ferrer. So now, what can you say?" Tumaas ang kilay nito at bigla nalang ngumiti ng malapad.
Mukhang kilala ko na nga ang sinasabi niya. The famous Gelo Ferrer, oo nga't sobrang gwapo daw 'non. Hindi na ako magtatakang ganiyan nga ang reaksyon niya. Naomi can easily get into boys she wanted, hindi iyon mahirap sa kaniya.
"Gelo Ferrer? The hot--let me rephrase it, the hottest guy in town?!"
Parang baliw na ngumiti nanaman si Naomi. Napukpok tuloy siya ng dyaryo sa ulo ni Sam.
"Ouch naman Sam!"
"Pwede bang umayos ka diyan? Nakakakilabot yang mga ngiti mo!"
Natawa nalang ako sa kanila. Na-miss ko rin kapag ganitong magkakasama kami dito sa school. Nandito kasi kami sa university dahil enrolment nanaman. It's been three days nang makalabas ako ng ospital at naging maayos naman na ang lahat maliban sa pagpapanggap kong mayroon akong selective amnesia kapag nandiyan si Xian.
Katulad ng sinabi nila Naomi at tinutulungan naman nila akong umarte. Hindi naman ako nahirapan dahil palagi silang nasa bahay at halos doon na rin sila natutulog kasama ko. Natatakot kasi akong mapag-isa dahil sigurado akong madudulas ako kapag kaming dalawa nalang ni Xian ang magkausap.
"Speaking of Gelo Ferrer, kasabay ko siyang nag-enroll kanina ah?" Sabi ko sa dalawa.
"Really?! Bakit naman hindi mo ako tinawag?"
"Hindi ba na-late kayo ni Cuttie? Nauna na kami ni Sam at Sean, kasunod ko siya sa pila kanina."
Na-late kasi silang dumating dahil parehong naglasing sa bar kagabi. Natawa nga ako dahil tinawagan pa talaga ng crew sa bar si Samantha dahil lasing na lasing ang dalawa at walang kasama. Nagkataon pang hindi tumugtog sila Ken doon kagabi kaya wala talagang pwedeng maghatid sa kanila. Sinundo pa tuloy sila ni Sean kagabi.
"Gaga kasi 'tong si Cuttie eh! Napaka-wrong timing magyaya mag-bar!"
"What?! At ako pa ang may kasalanan e hindi ba nga't iniistalk mo siya at sabi mo tumutugtog siya sa Fiasco? Oh anong napala mo kagabi? Ikaw itong gaga eh!"
"Argg! Pwede bang tigilan niyo na 'yan?! You are breaking my eardrums!" Reklamo ni Sam sa dalawa. Tumigil naman ang mga ito pero masama pa ring nakatitig sa isa't-isa.
"Matagal pa ba si Ken, Kim?"
"Hindi ko rin alam eh, galing daw kasi siya sa hotel nila kagabi kaya puyat at na-late din. Okay lang ba sa inyong maghintay? Okay lang naman kung mauuna na kayong umuwi eh."
Kinurot naman nito ang pisngi ko, "Nagtatanong lang ako, hindi ba nga sabay-sabay tayong maglalunch?"
Sumimangot ako, "Baka kasi naiinip na kayo e."
"Wait, tama ba 'tong nakikita ko?" Napatingin kami kay Cuttie nang magsalita ulit ito. Sinundan namin ang direksyon kung saan siya nakatingin at nabigla rin ako nang makita kong palapit sa amin si Xian, wait..anong ginagawa niya dito?
"Nag-enroll din ba siya?"
Hindi na ako nakasagot nang tuluyan na itong makalapit sa amin. Agad akong nag-iwas ng tingin nang mapansin kong sa akin kaagad siya nakatitig.
Seriously, I'm not prepared. Kailangan kong umarte na parang stranger lang siya sa oras na kausapin niya ako. And knowing him, I need to keep my emotions, alam kong mabilis lang niya akong mahuhuli kung hindi ko aayusin.
I tried my very best to hide my emotions.
"Hi Xian! What are you doing here? Hindi mo kasama si Armie?"
Umiling ito, napansin ko kaagad ang hawak niyang enrolment form. Nagkatinginan kami ni Naomi na mukhang napansin din iyon.
"Nag-enroll ka? So dito kana talaga titira?"
Tumango lang ito. Napaupo ako nang maayos nang lumipat sa akin ang mga mata niya. His serious and emotionless face suddenly brought out a smile na ikinagulat ko.
"Hi Kim,"
Bigla akong kinabahan, for one second I thought he just smirked.
"H-hello?" Bati ko pero nainis ako dahil kinakabahan talaga ako.
"Why are you stammering?" He asked again, dumoble ang kabang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay nakakahalata na siya.
Wala na akong ibang maisip sabihin, natahimik na rin ang mga kasama ko. I thought it was the end of the world when someone suddenly spoke from behind.
"She stammered because she doesn't know you, stop pestering my girlfriend." I really want to hug Ken dahil sa biglaan niyang pagdating. He saved me! Bigla ay parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang lumapit ito sa akin.
"Girlfriend?" Xian asked.
I felt Ken's arm wrapped around my waist. Hindi na ako nagcomplain dahil alam kong kaya na niya yan. I trust him when he said that he'll help me.
"Yeah, kasasagot niya lang sakin kaninang umaga, right Kim?"
Lumipat ang tingin niya sakin at hindi ko alam kung bakit parang nawalan ako ng boses nang magtama ang mga mata namin. Xian is asking if I'm his girlfriend, bakit hindi ako makasagot?
"Kim?" Marahan nitong tinapik ang pisngi ko na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"Seems like your girlfriend was mesmerized by me." Ngumiti siya na parang nanalo sa isang laban. Akmang magsasalita pa ako nang maunahan ako nito.
"So, see you later Kim." He even smirked before he left.
Natulala nalang ako sa likuran nito hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin ko. Bigla kong naalala si Ken kaya kaagad ko itong hinarap, "Ken--"
"It's okay," he smiled. "We better go." Marahan nitong hinaplos ang buhok ko bago naunang lumakad sa akin.
I felt guilty the moment I saw my friends looking at me. They sighed in sympathy, "Siguro dapat muna kayong mag-usap, we'll for you in the restaurant. Itetext nalang kita." Sam nodded, tumango nalang din ako sa kanila bago ko hinabol si Ken.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa naging reaksyon ko sa harap ni Xian. Tinitigan lang niya ako pero sapat na iyon para mawala ako sa sarili ko. Ganun ba talaga ang epekto niya sakin? Nakalimutan kong sakyan ang sinasabi ni Ken kaya't napahiya pa siya dahil sa akin. Ano nang gagawin ko?
Naabutan ko siyang naghihintay sa tapat ng kotse niya. Sinubukan kong tignan siya sa mga mata pero umiwas ito at mabilis akong pinagbuksan ng pinto. I felt something twinge in my chest.
Nang makasakay ako ay mabilis din siyang umikot sa driver's seat. Naging tahimik kami sa unang limang minuto sa loob ng sasakyan hanggang sa hindi ko na kayanin at hinawakan ko na ito sa braso. Bigla itong napatingin sa akin.
"Sorry.. I'm sorry Ken.." Napayuko ako.
I cannot accept to myself how much pain I can inflict to a person who only wants to help me, to make me happy. Hindi ko makakayang manahimik nalang at hayaang humupa ito nang hindi nagsosorry, I feel so guilty.
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko itong tumawa, "Ano ka ba? Bakit ka nag-sosorry? I understand, I know nabigla ka rin sa sinabi ko. I just can't think of any other excuses to make--"
"Ken.."
"H-hey why are you crying?" Naalarma ito nang makitang naiiyak ako. Bigla nitong itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Kim why are you crying? Did I say something wrong?"
Umiling ako, hindi ko mapigilan ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko.
"Kim, please magsalita ka naman.."
"I'm so lucky to have you, hindi ko alam kung bakit mo ako nagustuhan, I don't know why do you want to help me pero sobra akong natutuwa kasi nandiyan ka. Why are you so good to me Ken? Dahil sa mga ginagawa mo gustong-gusto kitang bigyan ng chance, pero dahil din sa mga ginagawa mo takot na takot ako na baka masaktan lang kita. Anong gagawin ko sa'yo? Tell me what should I do for all the things you've been doing?"
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko atsaka ako marahang hinalikan sa noo, "I am not asking for anything Kim, I'm just asking you to be happy. I'll do everything that it takes to make you happy, yun lang Kim, yun lang ang gusto kong kapalit para sa lahat ng ginagawa ko."
"Pero paano ka? Paano ka naman?"
He smiled, hindi ito sumagot at niyakap na lamang ako. Nang lumipas ang halos limang minuto at wala pa rin itong sinasabi ay nagdesisyon na ako.
"Sinasagot na kita."
Naramdaman kong natigilan ito. Bumitiw siya at tumingin sa akin, bakas ang gulat sa mukha niya.
"Kim I didn't mean it that way--"
"Pero sabi mo gagawin mo lahat para mapasaya ako,"
Umiling ito, "No, not this way, hindi yung mapipilitan kang sagutin ako--"
Umiling din ako, hinawakan ko ang dalawang kamay nitong nasa magkabilang pisngi ko. "Hindi ako napipilitan Ken. Sinasagot kita kasi alam ko na hindi mo ako hahayaang umiyak ulit, alam ko na gagawin mo lahat para mapasaya ako. And in order to do that, you need to have me as yours. Gusto kong sumaya Ken, pero hindi pwedeng ako lang, dapat kung masaya ako masaya ka rin. Dapat tayong dalawa, kaya sinasagot na kita.."
**