Chapter 15

1331 Words
Kim's POV "Nag-enjoy ka ba?" Tanong nito habang nasa biyahe na kami pabalik ng camp area. Ngumiti ako at tumango. He smiled back. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nakatitig sa kaniya. I can't believe there's someone like him who can offer me happiness. Noong una ay wala naman talaga akong tiwala na makakahanap pa ako ng ibang lalaking makakapagpasaya sa akin. But after what he did, pakiramdam ko ay nagising ako sa katotohanan na hindi lang si Xian ang lalaking magpapangiti sa akin. Mayroon ding Ken na hindi ako tatalikuran. "You don't know how happy I am to see you smile like that Kim," nilingon ako nito habang nagmamaneho. "I feel the same, ang saya ko. Hindi ko alam na seryoso ka Ken, akala ko gusto mo lang palakasin ang loob ko." He smiled, napailing ito. "Kim, ngayon ko lang ginawa 'to sa buong buhay ko. You are the first girl I ever wanted, and I will do everything to be with you." I stared at him. Kung bibigyan ko nga ba siya ng pagkakataon ay pareho ba kaming magbebenefit? Hindi ko alam kung anong kaya kong i-offer para sa taong katulad niya. Ngayong sinasabi niya na gagawin niya lahat para sa akin, naisip ko, mayroon ba akong kayang gawin para suklian iyon kung sakali? I sighed. This is a part of moving on, to take a risk. And I have to take every risk to be able to move on, hindi ito option, I have no other choices because moving on is always a must. Tinignan kong muli si Ken. I know he deserves a chance, hindi ipinagdadamot ang bagay na iyon sa katulad niya. I smiled and reached out for his hand. Mukha namang nagulat ito sa ginawa kong paghawak sa kamay niya. "Kim?" I smiled at him, "I believe you deserve a chance." Sumilay ang ngiti sa mga labi nito bago ko naramdaman ang paghigpit ng hawak nito sa kamay ko. Soon enough ay naramdaman ko ang marahan nitong paghalik sa likod ng pala ko. "Thank you Kim, thank you." Masaya kaming bumalik ng camp area. Halos matawa nga ako sa reaksyon ni Cuttie at Naomi nang makita nilang nakaakbay sa akin si Ken. "Wow, ano itong nakikita ko?" Tumayo pa talaga ito at tinitigan kaming dalawa. Sabay kaming natawa ni Ken sa ginawa niya. "I'm courting her, pinayagan na niya akong manligaw." Ken proudly announced to everyone. Agad na lumapit sa kaniya si Dylan para tapikin siya sa balikat, "Congrats man." Tinanguan niya naman ito. Nagsimula na silang magbiruan kung paano daw ba ako napapayag ni Ken pero ngumingiti nalang kami pareho sa mga tanong nila. Nang mapalingon ako sa gawing kaliwa ay natagpuan ko ang mga mata ni Xian na nakamasid sa amin, sa akin. Naglaho ang ngiti sa mga labi ko nang magtama ang mga mata namin. His eyes are emotionless, bigla ay parang naging blangko rin ang ekspresyon ng mukha nito. For one second ay parang biglang nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Agad akong nagbawi ng tingin. No Kim, hindi pwedeng sa isang tingin lang niya ay magdadalawang-isip ka nanaman. Hindi pwedeng kapag nakita mo ang mga niya ay manghihina ka nanaman. You have to move on. Tama, I have to move on. Hinawakan ko ang kamay ni Ken, nilingon ako nito at nginitian. I have to move on, and Ken is here to help me, hindi na ako nag-iisa. * "What's wrong?" Tanong nito nang makita ang reaksyon ko sa kulay na nabunot ko. Tumingin ako sa strip ng papel na hawak nito. Lalo akong napasimangot nang makita kong kulay pula iyon. Ibig sabihin, hindi kami partner sa unang activity namin. I sighed. Marahan naman nitong kinurot ang pisngi ko, "Cheer up, wag papaapekto sa kulay." He smiled. Tinitigan ko ang kulay berdeng papel na hawak ko. Nagpalinga-linga ako sa mga nabunot nila Cuttie at Naomi pero nakita kong parehong kulay dilaw ang sa kanila at mukhang nagsisimula na nga silang magtalo tungkol doon. I sighed, sino pa ba ang pwede kong maging partner? I can't go for the impossible persons, di ko kakayanin. "Kim, anong kulay ang sa'yo?" Tanong ni Dylan habang ipinapakita sa akin ang kulay orange nitong papel. Ipinakita ko rin ang sa akin, tumango naman ito. Lumapit siya kay Sam at sinabi ang kulay na nabunot ko. I stared at her, mukhang inutusan niya pa si Dylan para tanungin ako. She can't still talk to me, pagkatapos ng mga nangyari noong nakaraang linggo ay hindi pa rin kami nagkakausap ng maayos. "Team orange: Dylan and Larry, team yellow: Naomi and Cuttie, team red: Ken and..Armie," saglit itong tumigil at tumingin sa akin, "Team green: Kim and Xian." Ramdam ko kaagad ang tensyon sa paligid sa pagkakabanggit sa huling grupo. Para din akong iniwan ng lakas ng loob, talaga bang kailangan ko pang sumama? Wala ba itong excemption? "Just calm down, wala namang ibang gagawin eh. Hahanapin lang natin yung flags at kapag kumpleto na, we can go back here." Ken pats my head, giving me an assuring smile. Nakatulong iyon para kahit paano ay mawala ang kaba ko. Ken must be really having a magic to make me calm. "You only have an hour to complete the track, remember to use your whistle if something happens." Paalala ni Sam bagamat ramdam kong sa akin ito nakatingin. Hindi sila kasali ni Sean sa activity dahil kasama sila sa nagplano nito at ang mga facilitators ng Camp Verde. "Go to your lane now and at the count of three, we'll start." Nagpakawala ako muli ng isa pang buntong-hininga bago pumunta sa green lane. Halos sabay lang din kami ni Xian na tumapak doon. Iniwasan ko nalang magtama ulit ang mga mata namin. Matapos magbilang hanggang tatlo ay nagsimula na kami. Ken gave me one last nod, pinilit ko nalang din ngumiti para hindi ito mag-alala. Ngayon ay kailangan ko nalang mag-focus sa daan para mahanap namin kaagad at makumpleto ang sampung green flags. Kailangan lang namin sundan ang daan na may mga green na lace sa bawat sanga ng puno. Ang sabi kanina ay paikot lang naman daw ang daan na ito at hindi naman kami maliligaw basta sumunod kaming mabuti sa instructions. Inabisuhan din kaming mag-ingat dahil kadalasan ay may mga loop holes sa lupa. Todo ingat ang ginagawa ko sa bawat paghakbang dahil alam kong wala naman akong aasahan, I don't need to depend on Xian, this is a part of taking myself away from his shadows. Mahigit sampung minuto palang ang nakalilipas ay bigla nalang may tumili sa di kalayuan. Nahinto kami pareho ni Xian at napatingin sa pinagmulan ng boses, we can't be wrong, si Armie iyon. Agad dumapo ang tingin ko kay Xian nang magsimula nitong landasin ang kabilang daan. "Xian hindi tayo pwedeng umalis sa lane natin," paalala ko rito. "That's Armie," "Pero--" Subalit tila wala itong narinig at nagdiretso pa rin ito sa tinatahak niyang daan. Sinubukan ko siyang sundan pero masyadong mapuno sa dinaanan niya. "Xian saan ka pupunta?" Tawag ko rito. Pero wala nang sumagot. Nilamon ako ng takot nang hindi ko na siya matanaw. Kaagad akong sumunod sa kaniya pero napatid lang ako sa isang matambok na ugat ng puno. "O-ouch.." Napangiwi ako nang makita ko ang malaking sugat sa tuhod ko. Sinubukan ko pa ring tumayo, halos masugat ang labi ko sa pagkakakagat ko dito dahil sa sobrang hapdi ng sugat ko. I can't call for help, na kay Xian ang whistle na ibinigay ng facilitator. "Xian!" Nagpatuloy pa ako sa paglalakad pero hindi ko na talaga siya nakita. I felt tired, napaupo na lamang ako sa ilalim ng malaking puno. Wala akong ni isang gamit na dala, na kay Xian lahat. And he left me, gusto kong matawa. Bakit pa nga ba ako magtataka? He will always rush to her when this kind of things happen. Xian will always be Xian, and he will always choose Armie over everything, even me. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD