Chapter 14

1880 Words
Kim's POV Hindi malinaw sa akin kung panaginip ba ang lahat ng nangyari kagabi o kung totoo ba iyon. Ang alam ko lang ay masakit na masakit ang ulo ko kinabukasan. Hindi ko maalala kung ano pa bang ibang nangyari kagabi, matapos akong halikan ni Xian ay iniwan niya akong tulala. Napahawak ako sa ulo ko nang muli itong kumirot. Kahit na ayaw ko pang bumangon ay napilitan na akong lumabas para kumain ng almusal. I need to take medicine too. Nang makarating ako sa kusina ay naamoy ko kaagad ang mabangong pagkain na nakahain sa mesa. Natigilan ako nang makita ko si Xian na nagluluto. Nakatalikod ito at mukhang hindi pa ako napapansin. Napalunok ako nang maalala ko ang nangyari kagabi, he kissed me. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at naramdaman ko kaagad ang pamumula ng mukha ko. I was on the verge of stepping back dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya pero huli na ang lahat nang umikot siya at makita akong nakatayo sa pintuan. I frozed in air. Matagal muna itong tumitig sa akin bago ito ngumiti na nagpakabog nanaman sa dibdib ko. Argg, bakit ganon? Ang lakas naman yata ng tama ko sa lalaking 'to, isang ngiti niya lang may nagpupukpukan na agad sa dibdib ko. "Good morning," bati nito. Napatango nalang ako at napakagat sa labi ko. Nang mapansin niyang wala akong balak umupo ay siya na mismo ang naghila ng upuan para sa akin. "Sit down Kim." Umiling ako, "Ano..hindi pa kasi ako--" "Don't decline me, sit down and let's eat." Wala na akong nagawa kundi ang umupo. Bahala na kung anumang mangyari, I just have to relax so I can get by. Akmang kukuha ako ng kanin nang siya na mismo ang kumuha nito at maglagay sa pinggan ko. Natunganga ako sa ginagawa niya, pinagsisilbihan niya ako. Hindi ko nanaman maiwasang ma-concious, thinking that Armie might appear anytime from now. Ipinagtimpla niya rin ako ng gatas matapos niyang lagyan ng pagkain ang pinggan. Hindi ako makaangal kasi alam ko namang wala rin akong magagawa. "How's your wound?" tanong nito nang makaupo na siya sa harapan ko. "Medyo masakit pero iinom nalang ako ng gamot pagkatapos kumain." Tumango ito. Nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya habang kumukuha siya ng pagkain para sa sarili niya. I can never deny that Xian is good-looking, kahit saang anggulo tignan, kahit anong oras. Pero bakit pakiramdam ko ay mas gwapo siya ngayon lalo na't halata pa sa itsura niyang kagigising niya lang, magulo pa kasi ang buhok niya at naniningkit pa ang singkit niyang mga mata. Mabilis akong nagbawi ng tingin nang umangat ang mga mata niya para siguro tignan kung kumakain ako. I even caught a glimpse of smile on his lips. Hindi ko na ulit sinubukang tignan siya at nagfocus nalang ako sa pagkain para mabilis akong matapos at nang makainom na ako ng gamot. "Little red ridinghood," Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakangiti habang kumakain, "Ha?" He laughed as he look at me, "You're red." Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Gosh, namumula nanaman ba ako? Argg. "Uhm ano.." I bit my lip, "masama kasi ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko. Tumaas ang isang kilay nito. Akala ko naman ay nakaligtas na ako pero nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa akin. I tensed when I felt his hand on my neck and then to my forehead. Napaatras ako. "A-anong ginagawa mo?" "I'm checking your temperature," simpleng sagot nito bago siya yumuko para ipantay ang mukha sa mukha ko. "You have a fever." "O-okay lang--" kusa akong tumigil nang ilagay nito ang daliri niya sa labi ko. "Stop saying that you're okay if you're not. You can't lie Kim, not to me." Naglakad ito palapit sa medicine kit na naroon atsaka kumuha ng ilang gamot. Bumalik siya sa harap ko at inilagay iyon sa kamay ko. "Are you done?" Tanong nito nang makitang wala nang laman ang pinggan ko. Tumango naman ako. Ikinuha niya ako ng tubig atsaka ako pinainom ng gamot. "Go back to your room and sleep." "Pero halos kagigising ko lang," tutol ko. "Just rest Kim." Katulad ng inaasahan ay wala naman akong magagawa sa kaniya. Sumunod nalang din ako sa gusto niya at nagmartsa pabalik sa kwarto ko. Pero natigilan ako nang masalubong ko sa pintuan si Armie. Mukhang natigilan rin ito nang makita akong palabas ng kusina, her eyes even looked behind me at alam kong si Xian ang hinahanap niya. "Good morning Arm." I tried to smile at her at tumango naman siya bilang ganti. Mabilis itong naglakad papasok ng kusina at gustuhin ko mang bumalik para makita kung paano silang mag-uusap ni Xian ay pinili ko nalang bigyan sila ng panahon. I know they need time and space to make things right. At hindi ako naniniwalang walang pag-asang maibalik ko sila sa dati. I am certain I can do that, even Xian's making me stop. * Exactly three weeks had passed and were up for a good camp in Camp Verde. Matagal na naming pinagplanuhan ang camping na ito pero ngayon lang natuloy dahil busy kami sa school. Mabuti nalang at bakasyon na at wala pa kaming ojt, atleast we could still relax and have fun. Dahil mahilig kami sa adventures ay ito agad ang naisipan naming gawin this summer. Besides Camp Verde really offers safety and fun kaya naman wala kaming issues. Mabuti nalang din at nai-reserve namin ang site sa tulong nila mommy't daddy. "I wanna try the hot air balloon guys." Turo ni Naomi sa malawak na field kung saan naroon ang mga trip ang hot air ballon riding. Sumang-ayon naman sa kaniya si Cuttie at maging sila Larry. "We'll pass, drone hunting kami ni Xian." Tinapik ni Dylan ang balikat ni Xian. "I'll go with you," Armie murmured beside him. Nagkatinginan kami ni Xian pero agad din akong nagbawi ng tingin. Ayokong isipin niya na nagseselos ako. "Kayo Kim?" Sam asked me. Napatingin naman ako sa kanila, mukhang may kaniya-kaniya na silang activity na balak gawin. Nagtingin-tingin ako sa paligid pero wala akong maisip dahil hindi naman ako sporty at lalong hindi malakas ang loob ko na subukan yung mga gusto nila. "We'll go together." Nagulat ako nang sumulpot si Ken sa tabi ko. He smiled at me when he saw me looking, napatango nalang din ako. "Alright then, see you later guys! Have fun." Nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwa-hiwalay. Naiwan kami ni Ken na magkasama. "Ken? Saan tayo pupunta?" "Ikaw? Saan mo gusto?" Inilagay nito ang magkabilang kamay sa bulsa atsaka ngumiti sa akin. "Akala ko sasama ka kina Dylan eh." He shrugged, "I have a better idea." Atsaka nito hinila ang kamay ko papunta kung saan. "Teka, saan tayo pupunta?" "Somewhere you'll definitely like." Tila sigurado talaga itong magugustuhan ko ang lugar na iyon. Na-excite naman ako sa sinabi nito kaya hindi na ako nagtanong pa at sumama nalang ako sa kaniya. Ginamit namin ang sasakyan niya palabas ng Camp Verde. Ang akala ko ay sa loob lang kami pero balak niya pala akong ilabas. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung may iba pa bang pwedeng puntahan dito dahil medyo malayo-layo ito sa Manila. "How are you?" Tanong nito habang nagmamaneho. "I'm fine," Ngumiti ako. He peeked at me sideways, "Really? I'm glad to hear that." I laughed, "Still struggling to get out of my problems." "I know that. Kaya nga gusto kitang dalhin sa pupuntahin natin, I know you need a break." Napangiti ako sa sinabi nito. How thoughtful of him to think about that. Minsan naiisip kong hindi masama kung susubukang kong magustuhan ang taong katulad ni Ken. "I'm still up about what I told you before Kim, seryoso ako sa sinabi ko." Nilingon ko siya, "Ken.." "Siguro naman gumawa na siya ng paraan sa loob ng tatlong linggong ibinigay ko sa kaniya." "What do you mean?" "It's nothing Kim," Tumango nalang ako at nanahimik. Hindi matanggal sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya. Hindi ko namalayang huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building. Mula sa bintana ay tinitigan ko itong mabuti, at nang hindi ko mahulaan kung anong lugar ito ay saka ko siya nilingon. "Where are we?" He just shrugged. Nagtanggal ito ng seatbelt atsaka bumaba at umikot para pagbuksan ako. May lalaking lumapit sa amin at ibinigay naman sa kaniya ni Ken ang susi ng kotse. Pagkatapos ay inakay niya na ako papasok. Mula sa isang malaki at engrandeng pintuan ay bumungad sa akin ang isang maaliwalas na lobby ng isang hotel. Puno ng disenyong mga bulaklak ang bawat posteng makikita sa loob nito at nang huminto kami sa frontdesk ay binati kami kaagad ng receptionist. "Good morning maam/sir, welcome to Venus Greene's Hotel and Restaurant. May I ask if you have your reservation?" Umiling si Ken, kinuha niya ang wallet niya atsaka naglabas ng isang ID. Ipinakita niya iyon sa receptionist at agad naman itong tumango. "Mr. Kenneth Yu, this way sir." Tumango si Ken at nagpasalamat bago niya ako inalalayan sa paglalakad. Huminto kami sa tapat ng isang double glass doors at pinagbuksan naman kami ng dalawang lalaki. Ken also murmured his thanks to them. I was about to ask him about all the professionalism pero naagaw ang atensyon ko ng napakagandang tanawin sa loob. Napatakip ako sa bibig ko sa pagkamangha sa nakikita ko. Thousands of butterflies are flying just above me. Napakataas ng ceiling at mayroong salamin na nagsisilbing harang upang hindi makababa ang mga ito sa mga taong kumakain sa ibaba. Awtomatiko akong napatingin kay Ken na nakamasid lang din pala sa akin. "Is this a butterfly dome?" I asked. He smiled as he nods. My eyes grew wide at hindi ko namalayang nayakap ko na pala siya. "Oh my God, paano mo nalamang mahilig ako sa butterflies?" Hindi makapaniwala kong tanong. He laughed, "I told you I'm serious about coming into your life Kim. Lahat ng hindi kayang gawin ni Xian, gagawin ko para sayo." I couldn't help the happiness in my heart. How can he be so sweet like this? Hindi ko tuloy napigilang maiyak. Mukhang naalarma naman siya dahil agad niyang hinawakan ang pisngi ko. "Hey..what's wrong? Hindi mo ba nagustuhan?" Umiling ako at tumawa sa kabila ng pag-iyak ko, "No, it's not like that. I just can't believe you, bakit mo ginagawa 'to?" He sighed, "Because I like you, I like you Kim." "Ken.." Pinunasan nito ang ilang luhang naglandas sa pisngi ko, pagkatapos ay pinagdikit niya ang aming mga noo. "Hindi ba sinabi ko na rin sayo noon na unang kita ko palang sayo ay nagustuhan na agad kita?" Tumango ako. "Totoo 'yon Kim. Handa akong gawin lahat para makalimutan mo si Xian, just let me do this, payagan mo akong ligawan ka and I swear to you that I'll make you happy. I'll make you happy because I know that's what you deserve." God, how can I deserve happiness? How can I deserve this man? Kung bibigyan ko ba siya ng pagkakataon maipapangako ko rin bang sasaya siya? Because I don't want to be happy alone, kung gusto niya akong sumaya ay dapat mapasaya ko rin siya hindi ba? ** Vote. Comment. Follow :'>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD