May isang oras na siguro akong nakaupo at naghihintay kay Xian. Pero mukhang wala na itong balak bumalik. Maybe he chose to stay with Armie.
I sighed, kung hindi na siya babalik ay kailangan ko na rin sigurong bumalik sa camp. Walang pag-asang matapos ko ang trail dahil wala naman akong gamit.
Akmang tatayo ako nang maramdaman ko nanaman ang hapdi sa tuhod ko. Parang pinupunit ang balat ko. Saka ko lang napansing malaki pala ang sugat na natamo ko. Napangiwi ako, bakit ba kasi ngayon pa gumana ang pagiging clumsy ko?
Pinilit ko ulit tumayo pero bumagsak pa rin ako. Sa huli ay nagdesisyon nalang akong magpahinga muna, siguro naman ay hahanapin nila ako kapag hindi ako nakabalik kaagad.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bag pero napangiwi ako nang makitang walang signal sa lugar. Paano ako makakaalis dito?
Ilang sandali lang din ay bigla kong naramdaman ang malalaking patak ng ulan. Napatingala ako sa langit, mukhang uulan pa yata ng malakas. Gaano ba kamalas ang araw na ito para sa akin?
Dahil wala naman akong ibang choice ay pinilit kong tumayo para makahanap ng sisilungan. Pero sa bagal kong maglakad dala ng sugat ko ay inabutan pa rin ako ng malakas na ulan. Wala na akong nagawa kundi ang maupo na lamang at magpakabasa sa ulan.
Buong akala ko ay mabilis lang itong titila pero halos manginig na ako sa lamig ay hindi pa rin ito tumitigil. Yakap ko na ang sarili ko sa gitna ng ulan at basang-basa na ako. Masakit ang sugat sa tuhod ko at masakit na rin ang ulo ko.
Napasandal nalang ako sa puno habang yakap ang sarili ko. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.
Nang magmulat ako ng mga mata ay binalot ako ng takot. Sobrang dilim ng paligid at wala akong kahit anong makita. Tumila na ang ulan pero ramdam kong basang-basa pa rin ako, nandito pa rin ako sa lugar na ito.
"Guys! Can someone hear me? Naririnig niyo ba ako? Nandito pa ako!" Sinubukan kong tawagin sila pero wala akong kahit anong marinig maliban sa mga kuliglig.
Habang tumatagal ay lalo akong natatakot. Bawat kaluskos na maririnig ko ay napapakislot ako.
I hugged myself as I feel the cold breeze of air touching my skin. Wala akong ibang marinig kundi ang paggalaw ng ilang bagay sa paligid ko. Natatakot ako, sobrang natatakot ako.
"Keeen! Tulungan niyo ko!" Hindi ko na napigilang umiyak. Naghalo-halo na ang lahat ng pakiramdam sa akin, masakit ang tuhod ko maging ang ulo ko. Masama na rin ang pakiramdam ko at natatakot ako, I am so afraid of darkness.
"Keeen! Naomi! Cuttie!" I yelled, kahit na halos magkanda-paos na ako.
I feel helpless. Naaawa ako sa sarili ko dahil sa sitwasyon ko, naaawa ako sa sarili ko kasi hindi man lang ako binalikan ni Xian. Bakit ganun? Hindi man lang ba niya ako naisip? Nakalimutan niya ba talaga ako dahil kay Armie? Ganoon ka-importante si Arm sa kaniya?
Nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko, "Mom,dad.. I want to go home. Please, I want to go home." I cried.
Umiyak ako ng umiyak. I want to hear myself, hindi na baleng mapaos ako, hindi na baleng masakit na ang lalamunan ko, hindi na baleng masama na ang pakiramdam ko. Ayoko ng tahimik, natatakot ako.
Kapagkuwan ay bigla nanamang umulan, mas malakas na hindi ko na marinig ang sariling paghikbi ko. Napayakap akong muli sa sarili ko, bakit nangyayari 'to? Hindi ba kanina lang masaya naman kami ni Ken? Hindi ko lubos maisip na may dahilan pa para umiyak nanaman ako ngayong araw na'to? Bakit?
Naramdaman ko nalang ang pagbreakdown ng katawan ko sa lamig at sakit na nararamdaman ko. Bumagsak ako at sa panahong ito, ang gusto ko nalang ay matapos na'to. I want to rest, wala na akong lakas pa para tawagin ang pangalan ng kahit sino sa kanila, I just want this night to end.
"KIM! Kim nasan ka?!"
Bigla akong napadilat nang marinig ko ang mga tumatawag sa pangalan ko. My hopes were lifted up. Sinikap kong makabangon sa kabila ng panghihina ng katawan ko.
"KIM!"
Bigla ay parang lalong gusto kong maiyak nang makilala ko ang boses na iyon. It's Ken, as expected, hindi niya ako pababayaan. God, thank you for sending him to my life.
Isang liwanag mula sa flashlight ang naramdaman kong tumama sa mukha ko. Kasunod nang marahang pag-angat ng katawan ko sa lupa.
"Kim?!"
Pinilit kong idilat ang mga mata ko para makita siya.
"Kim, Kim si Ken 'to. Oh Jesus what happened to her." Nanginginig at puno ng pag-aalala ang boses nito. Hindi niya alintana ang malakas na ulan at ibinaba niya ang payong na dala para buhatin ako.
"Sam, Naomi! I found her!" Sigaw nito. Narinig ko ang ilang mga yabag na mabilis na patungo sa amin.
"Oh my God! What happened to her?!" Siguro nga ay wala na akong lakas dahil hindi ko na rin makilala ang mga boses na naririnig ko. I just badly want to pass out.
"Ken bilisan mo, inaapoy siya ng lagnat!"
Unti-unti ay nakakarinig ako ng mga sirena ng ambulansya habang palapit kami sa camp.
"You found her?!"
"Oh God Sean, I cant believe this is happening." I heard someone crying.
"Kim..dadalhin ka namin sa ospital okay? Just wait, mabilis lang ito, makakarating din tayo." I felt something soft behind me, nang akmang bibitiwan ako ni Ken ay hinabol ko kaagad ang kamay nito.
"Don't, wag kang umalis.." I hardly recognized my voice, paos na paos at halos wala na nga akong marinig sa sarili ko.
Hinawakan nito ang kamay ko, "I won't leave, dito lang ako sa tabi mo Kim." He kissed my forehead.
Naramdaman kong isinakay na ako sa sasakyan. Katulad ng sinabi ni Ken ay hindi siya umalis, sumakay din ito at hindi niya binitiwan ang kamay ko.
Sa kabila ng pagod at sakit na nararamdaman ko, I felt happy because I know someone promised me not to leave. Alam kong paggising ko, nariyan pa rin siya sa tabi ko. Unlike the guy I loved the most, hindi katulad ng lalaking nang-iwan sa akin, na hanggang sa muling pagsasara ng mga talukap ko ay hindi pa rin ako binalikan.
**