The day felt dull for me. Nakatanggap ako ng ilang pangungumusta mula kila Naomi at Sam.Tinawagan din ako ni Cuttie kani-kanina lang para i-check ako.
Hindi na masama ang pakiramdam ko, I just feel dead tired. Again, hindi ko alam kung anong klaseng pagod ba itong nararamdaman ko. I feel numb, yung tipong wala akong ginawa buong araw yet I feel so tired.
Lumipas ang mga oras at tanghali na. Hindi pa ako bumaba sa kusina para mag-almusal kanina. I don't feel hungry, pakiramdam ko rin wala akong gana. Tumawag si mommy para itanong kung kumain na ba ako but I just lied to them.
Gustuhin ko man lumabas sa kwartong ito, may parte pa rin sa akin na inaalalang baka magkasalubong kami ni Xian sa labas. I know he's just around the corner of the house, magkatapat lang ang kwarto namin at natatakot akong magkita kami. Not yet, not now, I don't know how to react if ever I'll get to see him today.
Sinubukan kong libangin ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalaro sa phone ko. Nagtagumpay naman akong palipasin ang oras. Alas-dos ng hapon nang makaramdam na ako ng gutom.
Kahit ayaw ko ay tumayo ako para lumabas. I need to eat, ayokong mag-alala nanaman sila mommy. I'll just make it fast para makaiwas.
Tahimik ang buong bahay, parang ako lang ang tao. I slowly feel relief at the thought na baka nagsialisan sila para maglibang. That would be better.
Pero nagulat ako nang biglang bumukas ang guest room sa kanan ko. Hindi ko naitago ang pagkabigla nang makita kong lumabas mula roon si Armie na halata ring nagulat nang makita ako.
Mabilis akong nagbawi ng tingin. Bakit ko nga ba nakalimutang nandito siya? And ofcourse ay dito siya sa bahay tutuloy. Iyon naman talaga ang purpose kung bakit malaki ang bahay namin. Pero kung tutuusin ay pwede namang doon nalang siya kina Sean makituloy.
I decided to ignore her. Pero natigil ako sa pagbaba sa hagdan nang maramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko. Kunot noo ko siyang nilingon.
I was surprised upon seeing her expression, nangingilid ang luha sa mga mata niya. Yung tipong isang tulak nalang ay tuluyan nang mahuhulog ang mga iyon.
"A-arm?" I called out her name.
"Can we talk?" Her voice is shaky, halata rito ang pagpipigil ng emosyon na ipinagtaka ko.
Wala sa sarili akong napatango. Binitiwan niya ako pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Sa halip ay yumuko siya, "I'm sorry.." she cried.
"I'm sorry, I'm really sorry."
"Armie.."
She lifts her head, making me see how her face gets wet as her tears slowly roll down her cheeks.
"I know I shouldn't have said that, I know I shouldn't have done what I did. I was just so hurt but I know I should have been thankful. I know you left the wedding because of me, because you care for our friendship, because you don't want us to break down. God, I'm so sorry it was too late for me to understand. I'm so sorry Kim.."
Ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Armie. She's a strong girl, she's from the Taylor clan and we all know how strong they are. Hindi ako makapaniwalang umiiyak siya ngayon dahil nagsisisi siya sa mga nagawa niya.
Hindi ko namalayang umiiyak na rin pala ako. This is so heartbreaking. Ngayon lang kami nagkaroon ng malaking gulo sa barkada namin, at inaamin kong baka hindi ko kayanin kung magpapatuloy pa. But I'm just so happy that I think it's getting patched.
Hinawakan ko ang kamay niya, "Arm sorry din.. sorry din."
And then she pulled me for a hug, umiyak lang ito sa balikat ko and I did the same. Sa pangyayaring ito para na rin akong nabunutan ng tinik. I never wanted our friendship to sink kaya lahat gagawin ko para magkaayos kami. Ako ang sumira sa amin eh, hindi ba dapat lang na ako pa nga ang nag-approach at humingi ng sorry?
"I am so inlove with him that I don't think right anymore." Bulong nito. Tahimik lang akong nakinig.
"But you know what? I woke up at the realization that Xian is not mine anymore, whatever we had is just a part of the past now.."
Nalukot ang noo ko, "Arm anong sinasabi mo? Ang akala ko ba nagkaayos na kayo?"
Marahan itong humiwalay sa akin, making me see how red her face is. Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya pero wala naman iyong silbi. Her tears are like flood, ayaw tumigil.
"Xian broke up with me before your wedding.." she trailed. "I thought it's just because he's getting married."
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Naomi at Cuttie noong isang araw, na hindi imposibleng may iba pang dahilan kaya naghiwalay sila. Totoo ba talaga 'to?
"We already had our closure the time you saw us coming out of his room."
"I-I'm sorry.." I don't know what to say.
She smiled bitterly, "It hurts, it really hurts Kim. But what should I do? He decided to let me go.."
Dahil wala akong ibang masabi ay niyakap ko nalang siya. It's like a bomb exploded inside my head. Hindi lang ako ang rason ng paghihiwalay nila. To be honest, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Should I be happy because I know I'm free from the blame or should I be sad for my bestfriend? I don't know how to feel.
"Everything has changed Kim. We're so happy before.. we're so inlove before. But the Xian now? He's.. he's someone else. A Xian who doesn't love me.. a Xian who doesn't love me anymore."
I caressed her back in sympathy. It's like I lost my vocal chords to utter any word. Hindi ako makapaniwalang nagbago nga si Xian. The Xian that I used to know loves Armie so much, yung Xian na kilala ko ay hinding-hindi bibitaw sa babaeng mahal niya. Anong dahilan ng breakup nila?
"Kim.. Kim help me please?"
"H-ha?"
Hinawakan nito ang dalawang kamay ko, "I love him Kim, I love him so much. I can't live without him, I want him back. I beg you Kim, please help me."
Awang-awa ako sa itsura nito. She looks so desperate that it makes my heart tear apart. I've never seen this side of Armie before. At hindi ko alam na masasaktan pala ako kung makikita ko siyang sobra ring nasasaktan. Bakit ganun?
"Paano kita tutulungan Armie?"
Hindi ko alam kung tama ba yung naging desisyon ko. Pero kasalanan ko naman kasi lahat ng ito e. Kung hindi kami na-enggage ni Xian edi sana maayos pa yung relasyon nila ngayon. Edi sana hindi nasira yung friendship namin. Naniniwala akong naging parte pa rin ng paghihiwalay nila ang engagement namin at nakokonsensya ako roon.
I just hope that I won't regret about this. I'm between friendship and love. Ano bang dapat kong piliin?
**