Lovely (POV) Pagkatapos ng klase namin ay sinamahan ako ni Sander na puntahan ang aking kaibigan, hindi pumasok si Dark kahit wala na siyang lagnat. Rest day niya ngaun at bukas na lang siya papasok. Pagpasok namin sa kwarto ni Tito Miguel ay nadatnan namin ulit ang Daddy ni Robi. Agad kaming bumati sa kanya at nag paalam na rin siya. "Kumusta?" Tanong ko sa aking kaibigan na nakaupo sa tabi ni Tito. "Ok na lahat friend, hindi naman pala totoo na walang nag ma match kay Daddy na donor dito sa Pilipinas. Alam mo friend yung Doctor kanina ay hinuli ng mga pulis. Ang pinag tataka ko ay naka schedule na si Daddy ng operation niya at wala daw kaming babayaran pati ang bills ni Mommy. Tapos ngaun ay hinahanap ng batas ang kinakapatid ni Mommy dahil nahuli ang sumira sa break ng sasakyan ni D