Lovely (POV) Pagsakay namin sa sasakyan ay nakaalalay sa akin si Sander kahit pag-upo namin ay naka akbay siya sa akin. Hindi tulad ng dati na sa cellphone siya nakatutok. Hindi ko maiwasan na itago ang aking ngiti habang nakaakbay siya. Hindi naman ako nabibigatan sa braso niya dahil hindi niya naman niya inilalagay ang bigat niya sa akin. Pagdating namin sa school ay hinintay niya akong makaka baba at umakbay siya ulit. Habang nag lalakad kami sa hallway ay napansin ko ang tingin ng mga studyante. Mas lalo akong nagtaka ng ihatid pa ako sa room namin. "Sabay tayong mag snack mamaya." Bulong niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking tenga. Kaya napakagat labi ako at tumango ng sunod-sunod. Sabay nag paalam na siya na pumunta sa room nila. "Hoy! anu yon?" Malakas na sa