"NAGTATAMPO ka ba sa akin?" Saglit akong napaisip sa naging tanong ni Castiel bago umiling. "Hindi naman. I understand. You were busy yesterday." Ngayong umaga, bigla na lang siyang dumaan dito sa bahay. Siguro ay dahil sa nangyari kahapon kung saan ay hindi siya nakasunod sa birthday ni Avah. Hindi siya umimik sa sinabi ko at napatitig lang sa akin. Hindi ko tuloy napigilang sabayan ang titig niya. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang likod ng ulo ko. Hinapit niya ito palapit sa kanya para dampian ng isang halik ang noo ko. "Babawi ako sa 'yo sa susunod," pagbibitiw niya ng pangako. Bahagya akong napangiti sa narinig. "Puwede bang ngayon na ang susunod na 'yon?" Natigilan siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Agad kong naintindihan ang naging reaksiyon niya. "Pero puwede