"OH my God, Val! Look outside the window! Hurry!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hershey na nasa unahan ng van. Puno ng pagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Sa halip na magpaliwanag ay sinenyasan niya lang akong sundin siya. Naguguluhan pa rin ako nang mapagpasyahang sumilip na sa labas ng bintana. Dahan-dahan akong napangiti nang malaman kung ano ba ang gusto niyang ipakita sa akin. "Hindi ako na-update na naikabit na pala riyan ang billboard mo." Dinig kong sabi ni Hershey pero wala na sa kanya ang atensiyon ko. Lumamlam ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang sariling mukha sa malaking billboard. Nakabalandra ito malapit sa isang mall at nadadaanan ng mga motorista. At ngayon, dahil naipit kami sa traffic ay nakahinto ang van namin kung saan tanaw ito. I felt someth