Chapter 16

1428 Words
Francis confirmed that Mercy, as what he called her, suffers from retrograde amnesia. Mercy couldn't able to remember her old memories. Sabi ng doctor, it was temporary though dahil maayos naman ang lahat ng tests na ginawa sa dalaga. Sabi pa nito ay marahil dahil may emotional trauma, isang masakit na alaala na hindi nito nais maalala mula sa nakaraan kaya hindi inaalala ng kaniyang utak. Eventually, she will regain and recall those memories at kung kailan ay hindi iyon masasagot ng mga doctor. It could take months or years depende sa dalaga at sa paligid nito. Kung alam lang sana niya at kung kilala sana niya ang pamilya nito ay baka mas madali iyon para sa dalaga but then wala siyang ni katiting na impormasiyon patungkol dito. Though he asked Calynn about it already and she was working on it. Medyo delay lang ang sagot nito dahil nasa misyon ito ngayon. Dinala niya si Mercy sa isang bahay-bakasyunan niya na kabibili pa lamang niya. May malawak na lupain ito. Doon niya pinatira ang dalaga habang nagpapagaling ito. Alam din ng kaniyang pamilya ang sitwasyon ng dalaga and they were glad that she was okay. Tumira rin kasi ng halos dalawang linggo ang dalaga bago niya ito inilipat sa farm house niya kasama ang dalawa sa mga katulong nila. Ayaw niyang masama ang dalaga sa panganib kaya naman mas masisiguro niya ang kaligtasan nito kung hindi ito maglalagi sa kanila. He provided everything for her at madalas niya itong kinukumusta. Noong una ay sa kaniya lamang ito nakadepende. She was so afraid when new people came to see her hanggang sa nasanay na rin siya sa mga ito lalo na sa kaniyang pamilya at mga baliw na kaibigan. "Uuwi ka ba ngayon?" tanong sa kaniya ni Mercy. Mercy na rin ang ibinigay niyang pangalan dito dahil na rin sa kwentas na suot nito. Hindi naman ito umangal at mukhang pamilyar nga raw ito sa pangalang iyon. "I'll be staying for tonight," sagot niya. Gusto kasi niyang kausapin nang masinsinan ang dalaga ngayon patungkol sa nangyari dito. Hindi pa kasi nito alam ang totoong nangyari. Ayaw rin niyang dumating ang araw na makaalala ito at kastiguhin siya nito. Isa pa ay kinakain siya ng kaniyang konsensiya. So kung magalit man ito ay tatanggapin niya. "Sakto nagluto kami ng adobong manok at sinigang na bangus," wika nito sa kaniya. "Marami ba?" "Bakit? May darating ka bang bisita?" "Nagpasabi sina Bryan at Loui na papasyal. Hindi ko rin alam kung sino pa ang kasama," sagot niya rito. Nasa porch sila ngayon ng dalaga. "Sakto lang naman iyon, kasya na sa atin iyon at tsaka paniguradong magdadala rin ng pagkain si Loui," nakangiting wika nito sa kaniya. "Mercy?" tawag niya rito. "How are you feeling these days?" Natahimik ang dalaga saglit at nag-iisip. Pinapakiramdaman ang sarili pagkatapos ay napabuntong-hininga ito. "Sa totoo lang ay natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa nakaraan ko para makalimutan ko siya. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko kung isang araw ay magising na lamang ako at nakaalala na," sagot nito sa kaniya. "I have something to confess," wika niya at napatingin si Mercy sa kaniya. "Tungkol sa dahilan kung bakit ako naospital?" Napatango siya sa dalaga. "That night I was drunk," panimula niya. "Galing ako sa bar and I was heading home when I accidentally bumped into you. You were rushing to cross the street and I was fast na hindi ko na makontrol ang pangyayari. I rushed you in the hospital. Ang isang ipinagtataka ko lang ay kung bakit marami kang galos at punit ang damit mo. So maybe you were running from someone. I'm sorry," hinging-paumanhin niya rito. Napangiti ang dalaga sa sinabi niya. "Alam mo, maswerte ako dahil nangyari ang bagay na ito sa akin. Tama ka maybe I was trying to run from someone and I was lucky that I bumped into you. Buhay pa naman ako at ipinagpapasalamat ko iyon sa iyo. Maybe God sent you on purpose. Maybe He wanted to change something and meeting you, bumping into you, baka iyon na ang sagot niya." "Hindi ka galit?" tanong niya rito. Natawa naman ito. "Paano ako magagalit sa iyo when you took care of me, kayo ng pamilya mo at mga kaibigan mo. Sobra-sobra pa nga kung tutuusin," sagot nito sa kaniya. "Pero wala ka pa rin bang maalala? Kahit flashes?" nagtatakang tanong niya rito. "Masyado sigurong masakit ang mga alaala sa nakaraan ko kaya nagdesisyon nang kalimutan ito ng utak ko," nakangiting wika nito ngunit batid niya ang lungkot sa mga mata nito. "Don't worry. Nandito lang kami para sa iyo and we will wait for that day to come na may maalala ka na. Just enjoy your new memories now," saad niya sa dalaga. "Oo naman. Masaya akong nakilala ko kayo pati na ang mga kaibigan mo. Sa totoo lang pakiramdam ko kapatid niyo ako, bunso ganoon kasi sobra niyo akong inaalagaan." "Don't mind that and yeah, bunso ka namin so we're protective over you," saad niya. "At thankful ako roon," turan ni Mercy sa kaniya. "What's your plan nga pala?" tanong niya. "Hindi ko rin alam eh. Sa totoo lang ay nagtataka rin ako kung ano ang gagawin ko. I am wondering if nakapag-aral ba ako? Ano ang buhay ko? Nagtatrabaho ba ako? Kaya hindi ko talaga alam kung ano ang susunod kong gagawin," tapat na sagot nito sa kaniya. Siya man ay napaisip din. Wala pa kasing sagot si Calynn sa kaniya ngayon kaya wala siyang masabi tungkol sa nakaraan ng dalaga. Iyon lang kasi ang susi roon. At kung sakaling malaman niya iyon ay masasabi niya kaya iyon sa dalaga? "I wonder. If ever I have a piece of info about you and your past, would you like to know it?" Nag-isip ang dalaga. "Sa totoo lang, ayoko muna. Hihintayin ko na lang sigurong kusang bumalik. Ayoko ring ipilit ang mga bagay na alam kong masasaktan ako sa huli. So if ever may malaman ka, just keep it. Hindi ako magagalit." "Are you sure about it?" paniniguro niya. "Oo naman. Kinalimutan ko nga 'di ba? Ibig sabihin masakit siya. Just let it be. At kung hindi man bumalik, life must go on." He smiled at her. Alam niyang nagtataka rin ito sa kung ano ang buhay mayroon ito bago mawala ang mga alaala nito ngunit hindi rin naman niya dapat ipilit na maalala nito iyon. Alam din niyang may takot din itong nararamdaman and he will be there. He will be there hanggang sa maalala na nito ang nakaraang nakalimutan nito. On the other hand, matapos ang pag-uusap nila ni Francis at nang dumating ang mga kaibigan nito ay naghanda na siya ng kanilang hapunan lalo na at may dala rin pagkain ang mga ito, maging ng maiinom. Tiyak na magpapalipas ng gabi ang mga ito and that was okay with her. In the first place ay pagmamay-ari ito ni Francis and she was grateful that he took her. Masaya silang nagsalo-salo sa mga pagkain naihanda sa hapag. At habang abala sa pagkain ay nalaman din niyang babalik na si Francis sa trabaho nito ngunit hindi siya nag-aalala dahil naroroon naman ang mga kaibigan nito. Isa pa ay may ibinigay itong makakasama niya. Dalawang katulong, isang sekyu at isang all-around na matandang lalaking makakasama nila. Asawa at anak daw ni Manang Lumin ang makakasama niya maliban sa sekyu. She was grateful and happy about it. Nabanggit din ni Loui kanina kung balak niyang ituloy ang resto na sinasabi niya ngunit hindi muna niya iyon inisip. She wanted to make a flower farm. Malawak ang lote ng rest house na iyon ni Francis and he said that he was giving it to her and she can do anything she wanted. Sobra-sobra na iyon kung tutuusin. Bayad man nito iyon sa pagkakabangga sa kaniya pero alam niyang maganda ang intensiyon nito. Pero ang mga tanong nito kanina, hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil maging siya ay hindi alam kung ano ang mararamdaman kung sakaling malaman niya, bumalik sa kaniya ang naging buhay bago siya nawalan ng mga alaala. Pero gaya rin ng sabi niya, hindi niya pipiliting bumalik iyon because in the first place, utak na niya mismo ang gumawa ng paraan para makalimutan niya iyon because it was painful. She will just enjoy making new memories with these people in front of her. At kapag dumating ang araw na maalala niya ang nakaraan, she will be prepared of it. Masakit man iyon ay tatanggapin niya. Hopefully, she will.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD