Chapter 17

1311 Words
Matuling lumipas ang mga araw halos limang taon na pala ang nakakalipas simula nang maaksidente siya at mapadpad sa poder ni Francis and she was lucky having him, having people like his family and friends. Ang nakaraan niya? Wala pa ring bumabalik ni isa. Siguro ay hindi na talaga iyon babalik pa. Maayos naman ang lahat ng test niya every six months kaya wala siyang pag-aalala. Siguro ay hindi na iyon babalik pa ang she was okay with it. Kung hinahanap man siya, kung hinanap man siya ng pamilya niya? Maybe hindi talaga siya hinanap nang maigi o baka nga nakalimutan na siya ng mga ito o baka wala lang talaga siyang pamilyang naiwan. Anyways, she was okay now living her life. Sa ngayon ay may restaurant siya na katabi ng bahay na ibinigay ni Francis sa kaniya. Ang rest house nito na nakapangalan na ngayon sa kaniya ay sinimulan niyang i-develop bilang flower farm at suportado siya ni Francis. It was him who actually finance all of it so technically it was his pero ayaw nito. Magkasosyo lang daw sila. And she did it para matigil na ito sa kakapilit sa kaniya at matigil na rin siya sa kakapilit sa binata tungkol sa bahay na iyon. Hindi naging mahirap sa kaniya ang pagsisimula ng flower farm dahil naroroon ang mga kaibigan nitong bilyonaryong negosyante na umalalay sa kaniya. Nang maging okay na ang farm ay kumuha na rin siya ng mga tao para may katuwang sa pagpapatakbo nito. Then after years of having a succesful flower farm ay nagpasya siyang magtayo ng restaurant at magbubukas na iyon sa susunod na buwan. Loui was there to help her with it. "Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Loui sa kaniya. Naririto rin ang iba pang kaibigan nila maliban kay Brandon at Francis. Nakakasama na rin niya ang mga kasintahan at asawa ng mga ito. "Oo nga naman, Mercy. Just let us know if you need anything at ipapa-deliver ko," Rohan said. "Everything's okay. Pagbubukas na lang ang kulang. Kung pwede lang bukas na ay gagawin ko," sagot niyang nakangiti sa mga ito. Ang kulang lang naman ay ang pag-aayos ng karatola sa bukana ng farm at ang ilang lubak-lubak na daan ngunit pinapaayos na iyon ni Bryan na siyang nagboluntaryo para doon. "Hindi ka rin excited ano?" natatawang tanong ni Bryan sa kaniya. "Oo naman. Ang dami ko ng utang sa inyo para naman makabayad na ako." Napailing ang mga ito sa tinuran niya. "Baka ipakulong niyo na ako sa dami ng utang ko sa inyo." "Ibang klase ka rin. Pero hindi iyon mangyayari dahil baka kapag nabalitaan ni Francis ay kami ang ipakulong niyon. Alagang-alaga ka pa naman niyon," wika ni Stanley. "Kailan nga pala ang balik ng lokong iyon?" tanong ni Bryan. "Ang alam ko ay sa makalawa. Pero alam niyo naman kapag nandiyan na iyon ay nandiyan na." And speaking of him, isang ugong ng paparating na sasakyan ang narinig nila at nang matanaw iyon ay si Francis nga! Speaking of the devil! Masayang sinalubong nila ang bagong dating at hindi na uuwi ang mga ito. Mabuti na lamang at kasa-kasama ng mga ito ang mga asawa at kasintahan. Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Francis sa kaniya na ginatihan naman niya. "How's my sister?" tanong nito sa kaniya. Yes, sister. Wala naman kasi silang romantic na nararamdaman para sa isa't isa. It was purely sister-brother's love and she was okay with that. "Siyempre, maganda pa rin. Gwapo ka pa rin kasi," natatawang sagot niya rito dahilan para guluhin nito ang buhok niya. "No memories yet?" "So far wala pa. Ayos lang naman sa akin iyon." "Yeah! Don't force yourself. Just enjoy everything. So kailan ang bukas ng resto?" "Next month," sagot niya at marami pa silang pinagkwentuhan. Natural lamang iyon dahil halos dalawang taon din naman silang hindi nagkita dahil sa mismon nito. Ngayon nga raw ay medyo matagal-tagal ang bakasyon nito na ikinatuwa niya. At least makaka-bonding niya ito at nang makahanap naman ito ng asawa. Matanda na kasi ito at hanggang ngayon ay single pa rin. Siya? She was wondering if may asawa na siya kaya naman nagpakonsulta siya sa isang doctor upang malaman kung nagkaanak ba siya but she doesn't though she wasn't a virgin anymore. Ayos lang naman iyon sa kaniya dahil parte na iyon ng kaniyang nakaraan. Ang buong maghapon nila ay iginigol nila sa pagsasaya samantalang si Francis naman ay nagyaya na ilibot niya sa farm. Sabi pa nito ay magandang ideya ang pagtatayo niya ng restaurant dahil sa flower farm niya. Hopefully ay maging successful iyon para kahit papaano ay masuklian naman niya ang kabutihang ginawa ni Francis sa kaniya. "Ganitong ayos na ba ang gusto mo?" tanong ni Francis. He was looking at the interior of the resto. "Bakit hindi ba pasado?" tanong niya rito. "Honest answer, medyo may out of place na bagay. Would you like to consult an interior designer? Iyong kinuha ni Loui sa resto niya magaling iyon." "Actually he was telling me about it pero nahihiya kasi ako dahil paniguradong ililibre na naman niya iyon," sagot niya. "Never mind him. Mayaman naman iyon. Barya lang ang ibabayad niya roon." Naglakad-lakad pa ito at sinipat ang ilang bahagi ng resto. "Ano sasabihin ko ba kay Loui?" "Anong sasabihin?" Loui answered. Hindi nila namalayan ang pagpasok nito. "About the interior. I was asking Mercy if she wanted to consult one." "I'm offering it to her but she kept on declining." "Nakakahiya na kasi. Andami niyo ng naitulong sa akin. Sobra-sobra pa nga." "Those are small things. I'll call her and ask for her to come," sagot ni Loui sa kaniya. "Ako na ang tatawag. Ibigay mo na lang ang pangalan at contact number." "Bahala ka na nga. Ayaw mo talaga ng libre. Here. Her name is Kaithlyn Saavedra. Magaling na interior designer iyan at madaling kausap. Mura lang din ang services niya. Hindi ka malulugi riyan." Kinuha niya ang cellphone number ng interior designer at kaagad itong tinawagan. She also informed that she got her number from Loui. Nag-usap sila and she told her thay she'll come tomorrow. Ang bilis 'di ba? Wala raw kasi itong sched masyado. So she gave the address and magkikita na lamang sila. "That fast?" tanong ni Loui. "Oo. Bukas daw." "That's good. At least andito si Francis na makakasama mo to check the details. May ipapatrabaho kasi ako riyan," Loui said. "Mahal ang singil ko, Salvatore," sagot naman ni Francis. "Hindi naman ako nagrereklamo kung mahal," sagot nito. "Mabuti niyang bigyan mo ng trabaho, Loui. Para naman makahanap na ng mapapangasawa iyan. Tumatanda na, ni girlfriend wala. Palibhasa babaero," turan niya. "Sinabi mo pa," sang-ayon naman ni Loui. "Kayong dalawa---" "Wala kaming sinasabing masama," putol niya sa sasabihin nito. "Ikaw nga hindi nagkaka-boyfriend. Lumabas ka rin kasi. Huwag mong ikulong ang sarili mo rito sa farm," sagot ni Francis sa kaniya. "Magkakaresto na ako. Malay natin isa sa mga customer ko pala ang destiny ko," sagot niya na ikinailing ng dalawang lalaki bago siya inaya ng mga ito na bumalik na sa bahay para sa merienda. Habang naglalakad pabalik sa rest house ay sumagi sa isip niya ang sinabi. Malay nga naman niya na isang customer niya ang magiging katadhana niya. Simula kasi noong dumating siya sa rest house na ito ay madalang na siyang lumabas. Kung may bibilhin man ay si Manang Lumin at ang anak nito ang inuutusan niya. It felt like she wasn't prepared to face the outside world. Isa pa ay naging busy siya sa kaniyang flower farm kaya halos hindi na talaga siya lumalabas. Umikot na ang mundo niya rito sa loob ng limang taon at hindi naman niya ito pinagsisisihan. What awaits in the outside world? Wala siyang balak suungin. She loved the peace in here and she planned to be here all her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD