Chapter 15

1232 Words
"Whoa!" sigaw ni Loui sa kaniyang kaibigan. Nasa bar siya ngayon na pagmamay-ari ni Loui at nagkakasiyahan kasama ng mga kaibigan dahil sa pagkakompleto nilang magkakaibigan. Brandon Monteverde and himself were present at matagal na panahon na rin simula nang mangyari iyon. Sa uri kasi ng trabaho nila ay madalang na lamang silang makompleto dahil panay out of the country silang dalawa. Pero kahit ganoon ay solid pa rin sila. Stanley Monteverde, who happened to be Brandon's cousin, ang siyang tanggero nila ngayon habang si Loui Salvatore na siyang may-ari ng bar ang singer nila habang si Bryan Santos ang dancer nila maging si Rohan de Villa. Kompleto silang anim ngayon at nasa isang kwarto habang nagiging baliw. "Kakanta na iyan! Kakanta na iyan!" kantiyaw sa kaniya ng mga ito. Favorite niya ang pagkanta ngunit hindi siya gusto nito. Hindi naman siya sintunado ngunit hindi lang talaga masabay masyado ang mga kantang trip ng mga baliw niyang kaibigan. "Ilang milyon ang ibabayad niyo para kumanta ako?" hamon niya sa mga ito. "Aba! Mayaman ka na! Anong klaseng tanong iyan? Kakanta ka ba o kami na ang kakanta?" turan ni Loui sa kaniya. "I want to sing! C'mon how many millions?" "Gago! Isaksak ko kaya itong micropono sa lalamunan mo?" Stanley said. "Ang dami mong satsat! Hindi naman kagandahan iyang boses mo!" "Nagsalita ang maganda ang boses? Nag-lip sync ka nga noong hinarana mo syota mo!" sagot niya. "Alangan namang kumanta ako? Basag na lahat ng salamin sa bahay nila kapag nangyari iyon!" sagot ni Stanley. "Francis, Darling, halika na at mega sing na tayo!" malambot ang boses ni Bryan na wika sa kaniya. Pakendeng-kendeng pa itong lumapit sa kaniya. Wala sa sariling binatukan niya ito. Umandar na naman ang kalokohan nito at siya na naman ang napagdiskitahan. "Gago ka talaga! Ano ang nakita ni Lyka sa iyo at nagustuhan ka samantalang sira-ulo ka naman?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I'm handsome, rich and adorable," wika nito at tinapik pa ang dibdib ala-Tarzan. Malala na talaga ito sa sobrang bilib sa sarili. "C'mon! Just give him the mic at nang makakanta na siya," Rohan said at iniabot naman ni Loui ang micropono rito. Pumuwesto na ang tatlo para sa magiging sayaw ng mga ito sa kanta niya. At nang nagsimula na siya, parang nakawala sa mental ang mga ito na sinabayan na rin ni Stanley at Brandon. May nag-pole dancing na rin sa mga ito na maging ang mga upuan ay hindi nila pinalampas. Sa mga oras na iyon, kinain na ng ispiritu ng alak ang buong utak nila. Trying to make themselves sober after being wasted ay kaniya-kaniya sila ng pwestong hinigaan sa loob ng kwartong iyon. Bryan and Loui were on the floor already. Ang magpinsan naman ay pinagkasya ang mga sarili sa isang maliit na sofa while Rohan was on the chair at nakayukyok ang ulo nito sa lamesa. Dahil sa kanilang anim ay siya ang hindi masyadong tinamaan ay nagpa-deliver siya ng malamig na tubig at nag-order na rin ng mainit na noodles para sa hang-over nila. Uuwi pa siya kaya kailangang mabawasan ang hang-over niya. Pagdating ng mga order niya ay ginising na niya ang mga ito ngunit walang gustong gumising dahilan para mag-isa siyang kumain ng mga ito. Nahimasmasan din naman siya ng kaunti kaya naman iniwan na niya ang mga ito. A little sober, he tried to drive safety ngunit hindi pa rin iyon nangyari. Dahil sa pag-aakalang malinis na ang kalsada dahil dis-oras na ng gabi ay matulin ang pagpapatakbo niya dahilan para may mabangga siya. A woman, he was sure of it, ran across the road at dahil mabilis ang pagpapatakbo niya ay hindi na niya naiwasan ito. Sumalpok ang sasakyan niya sa katawan nito dahilan para tumilapon ito sa kung saan. Biglang nawala ang pagkalasing niya dahil sa nangyari, dahil sa pagkabigla, sa bilis ng pangyayari. Lumabas siya sa kaniyang sasakyan at hinanap ang babaeng iyon and she was lying on the street unconcious. She was still alive and without thinking, mabilis niyang binuhat ito at dinala sa backseat at mabilis na itinakbo sa pinakamalapit na ospital. Tinawagan niya ang mga kaibigan upang ipaalam ang nangyari sa kaniya. Tinawagan din niya ang kaniyang ama at agad naman itong pumunta sa ospital kung saan niya dinala ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babaeng nabangga niya ngunit may indikasyon na tumatakas ito dahil na rin sa mga galos at punit sa kasuotan nito maliban pa sa mga sugat na natamo nito mula sa pagkakabangga niya. Wala rin siyang nakitang gamit nito upang may pagkakakilanlan man lamang sana. Ang tanging bagay na nagbibigay ng pagkakakilanlan nito ay ang suot nitong kwentas na may pangalang Mercy. The woman, because of the impact caused by the car, was now in coma. Ini-report na nila ito sa pulis sakaling may maghanap dito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring dumadalaw rito and it was already a month since the accident happened. "What will you do now?" tanong ng kaniyang ina habang nakatunghay sila sa natutulog na dalaga. "Until she wasn't fully recovered, she's my responsibility," sagot niya rito. "I agree to that, son. Nakakaawa siya kung pababayaan na lamang natin siya. I will visit her from time to time," saad ng ina. "Thank you, Mom." Lumipas pa ang ilang buwan ay hindi pa rin nagigising ang dalawa. Dinadalaw rin ito ng kaniyang mga kaibigan na ever supportive sa kaniya. They were even saying na baka ang dalaga na raw ang destiny niya ngunit wala siyang makapang kahit anong damdamin dito aside from naaawa siya sa kalagayan nito and he being protective towards her. Iyon lang. And he hoped na magising na ito. Halos tatlong buwan na itong nakaratay ngunit wala pa rin itong response. Maayos naman daw ang kalagayan nito for all her vitals are normal iyon nga lang ay ayaw nitong magising. According to the doctors, may mga pasyente talagang ganoon lalo na at nakaranas sila ng matinding trauma. It's there way to cope up with. Madalas rin niyang kausapin ito ang reminding her to wake up dahil baka nag-aalala na ang pamilya nito pero gaya pa rin ng dati ay wala itong response man lamang. Na-postponed na rin ang pagbalik niya dahil sa dalaga. Ayaw kasi niyang iwan ito na ganoon ang kalagayan. Hanggang isang araw, papunta siya sa ospital upang i-check ito ay tumawag sa kaniya ang doctor na tumitingin dito at ibinalita na gising na ang dalaga. He was beyond happy with it. "How is she, Doc?" tanong niya nang makarating doon. Napatingin siya sa direksiyon ng dalagang nakaupo sa kama and she looked lost dahilan para puntahan niya ito. Nang makita siya nito ay halata ang takot sa mga mata nito. "It's okay. I'm here. You're safe," wika niya at umupo sa gilid ng kama. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mga matang nakatingin dito. "How are you feeling? May masakit ba sa iyo?" Umiling ito. "Do you remember anything? What happened to you?" Blankong nakatingin lamang sa kaniya ang dalaga and with that may sapantaha na siya kung ano ang nangyayari rito. He looked at the doctor and he nodded. "Do you know who am I?" Umiling ito. "Do you know your name?" Nangunot ang noo nito. Pilit nitong inaalala ang sagot sa tanong niya. Then he saw fear in her eyes. She was lost, so lost. "W-what's my n-name?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD