Chapter 18

1428 Words
"No news yet?" It was Marc. Nagkita sila ngayon upang magpalitan ng balita patungkol kay Mercy. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nila alam kung nasaan na ito. That night when they had a fight and he confronted her about his out of love issue towards her, ay umalis na ito. Pagbalik niya ay hindi na niya ito nadatnan pa. Wala rin ang isang maleta niya kasama na ang ilang piraso ng damit ng kasintahan. He was a jerk because of that. Ang kaalamang wala na ito sa apartment niya, it made him crazy. Nag-panic siya. Natakot siya. He realized kung gaano kaimportante ang dalaga sa kaniya. Life without her, it was incomplete. Nasanay na siyang kasa-kasama ito. She was his life at sinayang niya ito. He was deceived by his emotions. Akala niya, buong akala niya Mercy was just a burden for him, na wala na talaga siyang nararamdaman para dito, that she was just a responsibilty he took. Pero hindi pala. Si Mercy ang kumukompleto sa buhay niya but he was too late. Wala na ito. He tried looking for her at her parent's house ngunit nalaman niyang hindi pa bumabalik doon ang kasintahan. Then he went to her bestfriend hoping she was there pero masasakit na salita ang natanggap niya mula kay January. He, being a playboy, ay isiningil nito. Doon din niya nalaman na alam pala ni Mercy ang mga kalokohang ginawa niya ngunit she chose to stay by his side. Pero napuno na rin ito at iniwan siya. He looked for her sa kompanya ni Marc at doon nalaman niyang hindi na pumapasok ang dalaga. Sa unang araw lang daw ito pumasok. He tried looking for her in any possible places ngunit bigo siyang mahanap ito. At magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nahahanap. "Wala pa rin. Nawawalan na ako ng pag-asang makita siya. I don't know what happened to her, kung ano na ngayon ang buhay niya, kung maayos ba siya. I'm going crazy," saad niya. "Well, that's your fault," sagot ni January sa kaniya. "Sana lang ay nasa maayos siyang kalagayan, Shawn dahil kung hindi ay hindi talaga kita mapapatawad. At ipapanalangin kong hindi ka magiging masaya habang buhay." "Hon, don't be like that," Marc said to January. "Naghihirap na nga iyong tao---" "Don't try to defend him dahil alam mong dahil sa maling akala niya sa iyo at kay Mercy kaya nagloko iyan at nawala si Mercy," asik ni January. "She's right. It's my fault. Kaya nga puspusan ang paghahanap ko sa kaniya," saad niya. "Mas pag-igihan mo pa, Shawn. Limang taon na pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong balita. Paano kung wala na pala siya?" Nagsimula nang mangilid ng luha ang mga mata nito. He was praying na hindi iyon ang nangyari sa kasintahan baka kasi hindi niya kayanin. Pero sa isang banda ay possible rin iyon. Hindi nito matiis ang pamilya nito ngunit ni isang text o tawag mula rito ay wala silang natanggap. And that made all of them worried about her. "Balitaan mo kami kapag may impormasiyon ka nang nakalap," wika ni January at sabay umalis kasama ang asawa. Dahil wala siyang balak pumasok ngayon ay napagpasyahan niyang dalawin naman lamang ang mga magulang. Pagdating doon ay nakibalita na rin ang mga ito tungkol sa paghahanap niya kay Mercy. Above all, ang ina niya ang pinaka-concern sa dalaga dahil na rin sa mga ginawa nito noon. Seeing him going mad because of Mercy's disappearance, doon naantig ang puso nito at natotoong tanggapin ang kasintahan. Hindi raw nito makayang makita siya sa ganoong estado. He was always drunk. Naging takbuhan niya ang alcohol to the point na hindi na siya nabubuhay ng wala ito. Halos hindi na rin siya makilala dahil sa kapayatan niya. Animo'y isa na siyang ermitanyo dahil hindi na rin niya maalagaan ang sarili. Also, his body would tremble without alcohol reason why his mother took him to rehabilitate. Ang motivation niya, si Mercy. Mercy wouldn't like seeing him like that at sa awa ng Diyos ay unti-unti bumalik ang katawan niya sa dati. Pero limang taon na ngunit hindi pa rin niya nakikita ang dalaga. "Hijo?" tawag ng kaniyang ina. "Can you pick up the food I ordered from this newly-opened resto?" "Why not asked them to deliver it?" "Wala silang delivery services. C'mon naitawag ko na iyon. Wala si Totong kaya ikaw na lang ang kumuha." May magagawa pa ba siya. Paano na naman na-discover ng mommy nito ang restaurant na iyon. He was curious ngunit hindi na niya inabala pa ang pagtatanong. Kinuha niya ang address at may kalayuan pa iyon. Nakakatamad ngunit wala siyang magagawa. "Take the warmer box, hijo," bilin pa ng ina. "What if we'll just dine there?" suhestiyon niya. "Subukan ko muna ang pagkain nila," sagot ng ina. It's just the same ngunit hindi na lamang niya kinontra pa at humayo na lamang patungo sa restaurant na sinasabi nito. He had hard time looking for it. Liblib na lugar pa naman iyon and he wondered kung may customer pa bang dadayo roon. To answer his question, bumungad sa kaniya ang ekta-ektaryang taniman ng samu't saring mga bulaklak. It was a flower farm and in the middle of it was the restaurant and a modern house. Kaya pala. Too bad his mother won't see it. He park his car in front of the resto. Malaki rin ang parking lot nito kaya very convenient. Isa rin kasi sa hinahanap ng customer ay ang parking space. The restaurant was homey. Very relaxing lalo na sa open area kung saan makikita ang tanawin at malanghap ang sariwang hangin. May closed area rin para sa mga gusto ng privacy. It was made of glass and blinds. All in all, maganda ang lugar na ito. Kudos to the owner. He went inside to check his mother's order at niluluto pa lamang iyon na ayon sa receptionist s***h cashier ay ipinaluto ng ginang after one hour pagkatapos ng tawag nito. Sakto lang naman iyon dahil gusto ng kaniyang ina na mainit pa pagdating nito sa bahay. He was waiting outside and was looking at the farm. Naalala niya si Mercy. She dreamt of having a flower farm someday. Mahilig kasi ito sa bulaklak. Sa totoo lang ay nakabili na siya ng lupa para sa planong iyon ng kasintahan para pagbalik nito ay pwede na nitong simulan ang pangarap na iyon. If she was present, ganito na rin siguro ang kinalabasan niyon. Pwede rin niyang ipasyal dito ang kasintahan and she would surely loved it. "Miss, matagal pa ba?" tanong niya. "Malapit na po, Sir. Tinatapos lang ni Miss Mercy ang pagluluto ng isa pang putahe. In fifteen minutes okay na po," sagot nito sa kaniya. Napatango na lamang siya roon but then curiosity came towards him after hearing the name of the chef. Sa tuwing naririnig kasi niya ang pangalang Mercy ay hindi niya maiwasang umasa na ito ang Mercy na hinahanap niya. Alam niyang madidismaya siya kapag nalamang ibang tao ito ngunit walang problema sa kaniya iyon. Kahit isang porsiyento ay isusugal niya. After fifteen minutes ay dumating na ang kaniyang order. Kinuha niya ito at binayaran pagkatapos ay binitbit pabalik ng sasakyan. He was puting the food inside the food warmer box when a woman caught his attention. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso dahil doon dahilan para mabilis niyang tinapos ang paglalagay nito at sinundan ang babaeng dumaan patungo sa isang pathway papunta sa greenhouse. Tanaw niya ang likuran ng babae. She has the same height as Mercy ngunit mas malaman nga lang ito kumpara sa kasintahan. Mahaba ang paalon-alon nitong buhok. Mercy has a straight hair pero possible ring magkakulot ito ng buhok. "Manong, tapos na ba?" Narinig niyang tawag nito and that gave him chills. Kaboses nito ang kasintahan. Then the woman stopped in front of the old man who was now looking at him. Marahil ay nagtaka ito kaya naman ay lumingon ito sa gawi niya. Tumigil ang pagtibok ng puso niya nang masilayan ang maamo nitong mukha. Biglang nagkaroon ng bikig ang kaniyang lalamunan at nanubig ang kaniyang mga mata. "Yes? May I help you?" tanong nito sa kaniya. Hindi na niya namalayan ang paglapit nito. He closed his eyes trying to stop the tears from falling. He wished na hindi ito panaginip. Na sana pagdilat niya ng mga mata ay naroroon pa rin ito. Kahit may takot na nararamdaman ay idinilat niya ang mga mata. She was still there looking at him. Nagtataka. "May problema ba?" "Mercy, I found you at last."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD