"You know me?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. Puno ng pagtataka ang mga tinging ipinupukol nito.
Siya naman ay nabigla sa tanong nito. Limot na ba siya ng dalaga? O nagpapanggap lamang ito na hindi siya kilala?
"Don't you know me? It's me Shawn!" sagot niya rito at tinangkang lumapit sa dalaga ngunut umatras lamang ito.
"Shawn?" nagtatakang tanong nito. "Sorry but I don't know you. Baka nagkamali ka lang ng taong nilapitan. Excuse me. May gagawin pa kasi ako." Tumalikod na ito at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap nito sa matanda.
He was just standing there unable to move and was looking at Mercy. At last, nahanap na niya ito at kung tama ang sapantaha niya ay pagmamay-ari nito ang farm na ito at ang restaurant. Natupad din nito ang pangarap nito. But then he was wondering what happened to her. May asawa na kaya ito? Hindi biro ang magkaroon ng ganitong ari-arian. Maybe someone helped her and he hoped it wasn't a man. Hindi yata kakayanin ng puso at isip niya kapag nalamang kasal na ito. Mamamatay yata siya kapag nangyari iyon.
Linisan niya ang lugar na iyon ngunit ipinangakong babalik doon. Ngayon pang nahanap na niya ito, he will be here to get her back. Habang nasa daan ay tinawagan na rin niya si January at ipinaalam ang location ng dalaga. Tuwang-tuwa ito at naiyak pa habang ibinabalita niya ang pagkikita nila ng dalaga.
Bibigyan din niya ng maraming pasasalamat ang ina dahil kung hindi rito ay hindi niya makikita ang kasintahan. Everyone was happy with his news. Sino ba naman ang hindi? Pagkatapos ng limang taon ay nahanap na rin niya ito at nasa paligid at malapit lang pala ito. Pero bakit hindi siya nito nakilala? Bakit hindi nito kinontak ang pamilya? Malalaman niya ang sagot sa kaniyang pagbabalik sa lugar na iyon.
Sa kabilang dako ay hindi maintindihan ni Mercy ang sarili simula nang makita niya ang lalaking iyon. Her head started aching kasabay nito ang pag-flash ng mga eksena sa isipan niya.
She called Francis at nagsabing uuwi ito sa farm and now she was waiting for him.
"Are you okay? Maghapon daw masama ang pakiramdam mo? Do I need to call a doctor?" sunod-sunod na tanong ni Francis nang puntahan siya nito sa kaniyang kwarto.
"Okay lang naman ako. Sumasakit lang itong ulo ko. Hindi ko alam kung bakit."
"What happened? When did it started? Mukhang kailangan mo nang magpatingin," wika nito sa kaniya.
"Bukas na siguro." Pumikit siya upang alalahanin ang dahilan sa biglang pananakit ng kaniyang ulo. Then it came to her mind. "Someone came and he knows my name."
Natigilan si Francis sa sinabi niya at napabuntong-hininga.
"What happened next?" tanong nito sa kaniya. There was something on his voice ba hindi niya mawari.
"He talked to me. He said his name was Shawn. Wala naman siyang ibang sinabi aside from his name. Then later this afternoon I have these flashes. Do you know who he is?"
Napabuntong-hininga siya sa tanong ni Mercy sa kaniya. He can still remember what she said before. Of course alam niya kung sino ang lalaking iyon at kung pwede nga lang niyang itago ang dalaga dahil sa mga nalaman niya tungkol sa nakaraan nito ay gagawin niya lalong-lalo na sa lalaking iyon. Pero hindi siya ang dapat magdesisyon kundi si Mercy.
He looked at her who was waiting for his answer.
"Just let your memory flow. Kung ito na ang tamang panahon para makaalala ka then so be it. Just don't force it," sagot niya rito. "We'll see your doctor tomorrow."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Francis," saad nito sa kaniya.
"Are you prepared to hear my answer, Mercy?" tanong niya rito.
"I can feel upon seeing him, he was in my past memories. Nararamdaman ko pero hindi ko siya nakita sa mga alaalang iyon."
Lumapit siya sa dalaga na alam niyang naguguluhan sa mga oras na iyon. She was lost once again and all he could do was protect her. Ibibilin niya sa mga katiwala na bantayan si Mercy lalo na kapag may bagong dating na magpakilala rito. Alam niya, batid niyang ito na ang simula. Magsusulputan na ang mga tao sa nakaraan nito. Baka nga bukas ay nasa paligid na ang mga ito.
"Just rest. Maaga tayo bukas."
Tumango lamang ito bago inayos ang higaan.
Nang makalabas si Francis sa kwarto ng dalaga ay agad niyang tinawagan ang kasamahan nagbabantay sa dalaga upang ipaalam sa ibang kasamahan nito na kailangan niyang makausap ang lahat.
Sa greenhouse siya nagtungo at naabutang naroroon na ang mga isa.
"Someone came," he started na ikinatango naman ng mga ito.
"The ex-boyfriend," sagot ng isa. It was Kian who has a crush on Maureen. Ito ang sekyung kinuha niya sa farm house.
"Selos ka?"patutsada ng isa.
"Keep an eye on her especially to that one. Don't meddle unless it is necessary. Paniguradong dadagsa rito ng mga nakakakilala kay Mercy."
"Iyon lang ba?"
Francis gave some instructions to them bago sila kaniya-kaniya ng alis. Matapos masigurong maayos ang dalaga nang silipin niya ito sa kwarto nito ay tinawagan niya ang doctor na tumitingin dito. He gave him a head-up. Nasabi rin nito na baka unti-unti nang bumabalik ang mga alaala nito. Masaya siya roon ngunit mayroon ding pangamba. But nevertheless, he knew Mercy was strong enough to handle her past.
Mercy, on the other hand, kept on tossing on her bed. She can see four consistent faces in her dreams, or it wasn't a dream. Maybe they were her memories who were resurfacing. She can see how happy they were.
Nang dumilat ang kaniyang mga mata ay maliwanag na. She gazed up at the wall clock and it was five in the morning. Napangiti siya. Though she can't remember her dreams, masaya ang pakiramdam niya.
Naglinis siya ng katawan at nagmadaling lumabas at tinungo ang kitchen kung saan naabutan niya roon si Francis na nagkakape.
"Maaga ka?" tanong nitonsa kaniya.
"Yeah!" Lumapit siya rito at nagtimpla rin ng kaniyang kape. "Anong oras ang lakad natin?"
"Seven ang appointment natin sa doctor. Para maaga rin tayong makabalik. Loui asked something kaya hindi muna ako makakapasyal dito."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Alam mo, okay lang na hindi ka magpapasyal dito basta sa susunod na pagbalik mo ay may kasama ka na. You're getting old, Francis."
"Huwag mong pagdiskitahan ang lovelife ko," sagot nito sa kaniya.
Natawa siya. "Wala ba talaga?"
Tiningnan siya nito nang masama ngunit hindi naman ito nagsalita. She wanted Francis to be happy. Kaya naman naman hinihiling niya na magka-lovelife na ito at nang mawala naman ang pansin nito sa kaniya. Kung ganito kasing nandito ito ay paniguradong babantayan lang siya nito lalo pa at ganitong bumabalik na yata ang mga alaala niya. Bantay-sarado siya and she was glad na may pinapagawa si Loui rito.
It was six-thirty in the morning when both of them headed out the house. Nagpaalam siya saglit dito upang makapagpaalam kay Manang Lumin at maibilin ang mga dapat gawin. Nang lumabas siya sa restaurant ay nangunot ang noo niya seeing Francis talking with someone. Madilim ang mukha ni Francis. Hindi niya nakikita ang kausap nito dahil nakatalikod ito sa gawi niya.
She started walking towards them and saw Francis with his stoic face looking at her. And because of that, lumingon ang kausap nito.
It was Shawn from yesterday!