Chapter 14

1209 Words
Simula nang araw na iyon ay halos pikit-mata na lamang ang ginawa ni Mercy sa nalalamang pambababae ni Shawn. Ang aksidenteng pagkakita niya kay Shawn sa mall kasama ang isang babae ay ang una at huli na niyang pagkakita nang pambababae nito. Halos lahat na ay nagmumula kay January o sa iba pang nakakakilala sa kaniya na nagpapakita ng mga larawan ni Shawn at ng bagong chick nito. At dahil wala siyang konkretong ebidensiya ay pikit-mata siya pero hindi naman ibig sabihin niyon ay mananahimik siya dahil sa tuwing mayroong ibinibigay sa kaniya si January ay agad niyang kinakastigo ang kasintahan na todo deny naman. They were just friends, officemates, business partners and so on and so forth. Walang aminang nangyayari at iyon ang lagi nilang pinag-aawayan. Madalas ding hindi na ito umuwi sa apartment o kung umuwi man ay lasing, amoy-usok at amoy babae. It pained her but she endured all of it because she loved Shawn. Naging sunod-sunuran siya rito sa lahat ng sinasabi nito kahit na para na siyang tanga. She has a choice to leave him but she didn't choose it. Dahil sa lintik na pagmamahal niya kay Shawn. Bulag nga talaga ang mga nagmamahal, hindi ang pagmamahal! "Hindi pa rin umaamin?" tanong ni January sa kaniya habang nasa library sila at naghihintay kay Marc. Umiling siya. "Hay naku, Mercy! Ga-graduate na tayo pero hanggang ngayon ay pinagtitiisan mo pa rin iyang si Shawn na wala nang ginawa kundi ang gawin kang tanga. At ikaw nagpapakatanga ka!" inis na wika ni January sa kaniya. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga pagkatapos ay pinakawalan ito. Ano pa nga ba ang masasabi niya roon? Wala. Wala dahil tama naman ito. But she kept on denying it to herself. Ayaw tanggapin ng sarili niya na ganoon na nga ang Shawn na nakilala niya. "Chismis lang naman kasi ang mga iyon! Kay Shawn pa rin ako maniniwala." Napailing na lamang si January sa kawalang-pag-asa niya. Hopeless na talaga siya. Anong magagawa niya? Mahal na mahal niya ang kasintahan at doon na umikot ang buhay niya. Ito na ang buhay niya at hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nawala ito, kapag naghiwalay sila. So she continued staying with him, loving him hanggang sa maka-graduate sila ni January. "Congratulations, Mercy! So anong balak mo?" tanong ni Marc sa kaniya na katabi ang kasintahan nitong si January. "Mag-a-apply na ng trabaho baka hindi na mahirapan si Shawn sa pagbuhay sa akin," nakangiting wika niya rito. "Si Shawn na naman! Eh kung umuwi ka na kaya sa bahay niyo? Graduate ka na kaya paniguradong proud sa iyo ang mga magulang mo," wika ni January. "Sayang nga eh wala sila." "Okay lang iyan! Nandito naman ako, Ate. Nag-video ako para makita nila," sagot ni Ness sa kaniya. "Tara mag-celebrate na lang tayo! My treat! Bukas pa naman ang blow-out ni Jan," wika ni Marc sa kanila na inayunan naman niya. Sumama na siya sa mga ito dahil wala na rin naman si Shawn. Umalis na ito pagkatapos niyang umakyat ng stage para kunin ang kaniyang diploma. May importanteng meeting daw kasi ito at sumaglit lang para sa graduation niya. Ni hindi pa ito nagtagal ng isang oras. "Baka gusto mong mag-apply sa kompanya namin, Mercy?" tanong ni Marc sa kaniya. "Hiring kami ngayon." "Talaga? Sige magpapasa ako ng resume," sagot niya rito. "Papayagan ka kaya ni Shawn, eh alam mo namang hindi sila in good terms ni Marc," singit ni January sa kanila. "Itatanong ko muna sa kaniya dahil baka pwede rin niya akong bigyan ng trabaho sa kanila," sagot niya. Posible rin naman kasi iyon dahil sa mgayon ay ito na ang namamahala ng negosyo ng pamilya niya aside from the company he built himself. Para daw iyon sa kanilang dalawa and she was touched by that. Malay niya kung doon siya i-hire ng kasintahan. At iyon nga, nang matiyempuhan niya si Shawn ay sinabi niya ang plano kay Shawn. Buong akala niya ay kokontrahin nito ang sinabi niya ngunit inayunan naman niya ito. Ni hindi rin ito nag-offer na sa opisina siya nito magtrabaho. "Mas mabuting sa ibang kompanya ka muna mag-umpisa at kumuha ng experience para hindi nila sabihing may favoritism. Siyempre alam nila na magkasintahan tayo at hindi malabong mangyari iyon. And it's for you to grow," wika ni Shawn sa kaniya habang nag-aalmusal sila. "Iyon nga rin ang nasa isip ko," sagot niya rito. Matapos mag-agahan ay umalis na kaagad si Shawn at nagmamadali pa ito. Samantalang siya naman ay gumayak na para sa interview niya ngayon sa kompanya ni Marc. Dala ang sasakyang bugay sa kaniya ni Shawn ay tinungo niya ang kompanya ni Marc. "Congrats! Is it okay if you start today? Orientation mo na rin," wika ni Mrs. Vidal. "Sure, Ma'am. It's my pleasure," sagot niya rito. And her first day of work started and she enjoyed it. Mababait din ang mga kasamahan niya kaya walang problema. Masaya niyang nilisan ang gusali nang sumapit ang uwian. Hindi niya ipinaalam kay Shawn ang pagtanggap sa kaniya sa trabaho dahil gusto niyang sorpresahin ito. Nagtungo siya sa isang grocery store upang bumili ng sangkap para sa dinner nila ng binata. Sasadya na rin siya sa isang bookstore dahil lumabas na ang inaabangan niyang libro ng paborito niyang manunulat. She was waiting in line of that said bookstore when a familiar car, passed by. Bumaba sa sasakyang iyon si Shawn. Natuwa siya dahil nabanggit niya iyon sa kasintahan at malamang ay bibilhan siya nito upang isorpresa sa kaniya. Bahagya siyang nagkubli upang hindi siya makita nito. Ngunit nang lumabas ito ay hindi niya inaasahan ang makikita. He was a woman who just came out from the same bookstore. At ang mas masakit ay ang paghahalikan ng mga ito sa harap ng maraming tao na parang silang dalawa lang ang naroroon pagkatapos ay hawak-kamay na sumakay sa sasakyan ni Shawn. Bumagsak ang mundo niya dahil sa nasaksihan. Ito na nga ang sinasabi ni January sa kaniya. Ito na ang patunay nang pambababae ni Shawn. Kitang-kita na niya at napakasakit niyon. Kinagabihan, pag-uwi ni Shawn ay kinompronta niya ito at nagimbal siya sa mga sinabi nito. Hindi na siya mahal ng binata at kung pwede nga lang siyang umalis ay dapat na siyang umalis. Pabigat na ang turing nito sa kaniya. Sana ay sinabi nito iyon noon pa man. Panay ang pagpatak ng kaniyang mga luha dahil sa kaalamang iyon. Umalis si Shawn habang nagsasagutan sila. Napuno na ito sa kaniya at siya? Mukhang napuno na rin dito. Matapos ang ilang oras na pag-iisip ng kung ano ang gagawin ay tumayo siya at kinuha ang isang maliit na maleta, nagtungo sa closet ang kumuha ng mga damit na kakailangan niya. Kailangan na niyang palayain si Shawn upang magawa na nito ang lahat ng gusto nito at nang hindi na siya inaalala pa. At siya naman, kailangan na niyang tanggapin na hanggang doon na lamang sila ni Shawn. Matagal na itong walang nararamdaman sa kaniya at ikinukulong na lamang niya ito sa responsibilidad sa kaniya. She needed to go. It's for the better. It's for both of them. "Goodbye, Shawn! Sana maging masaya ka na wala na ako sa buhay mo!" wika niya habang ipinipinid ang pinto ng apartment nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD