Pasado alas singko na nang hapon ngunit wala pa rin si Shawn. Sinabi naman nito kaninang umaga na susunduin siya. Kanina pa niya ito tinatawagan at tine-text ngunit hindi ito sumasagot sa kaniya. Halos paubos na ang mga estudaynte sa campus ngunit wala pa rin ito. Nadaanan na rin siya ni Marc at nagpresentang samahan siya at ihatid kung sakali ngunit hindi siya pumayag dahil baka may masabi si Shawn kapag nakita silang dalawa na magkasama. Ayaw niyang mayroong masabi ang kasintahan at baka pag-awayan pa nila iyon.
Matiyaga niyang hinintay si Shawn sa labas ng campus ngunit madilim na ay hindi pa rin ito dumarating kaya naman ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa paradahan ng jeep sakaling mayroon pang nakaparada roon. Kung wala ay wala siyang choice kundi ang mag-taxi upang makauwi. May inis din siyang nararamdaman kay Shawn dahil hindi man lang ito nagpasabi kung masusundo ba siya o hindi. Ni hindi rin kasi nito sinasagot ang tawag at text niya para sana alam niya ang gagawin.
Pagdating niya sa paradahan ng jeep ay wala ng jeep doon. Napabuntong-hininga siya habang nakaupo. Napaisip din siya kung bakit hindi siya naalala ni Shawn. Dahil kaya sa baby nito? Sino ba iyon? Kailangan ba niyang itanong iyon sa binata para mapanatag ang loob niya? Siguro pag-uwi niya mamaya kung mayroon siyang lakas ng loob. Kapag nakauwi na siya.
On the other hand, Shawn was still busy doing paper works. Nang tingnan niya ang kaniyang relo kung anong oras na ay labis ang gulat niya nang makitang halos pasado alas sais na ng hapon. Mabilis na tumayo siya at sumilip sa labas at doon niya napatunayan na gabi na talaga. Dali-dali niyang inabot ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kasintahan na maraming missed calls at text sa kaniya.
"Where are you?" bungad niya nang sagutin nito ang kaniyang tawag.
"Ah. Naghihintay ng jeep pauwi," anito na may bahid ng lungkot ang boses.
"Okay, wait for me. Just stay there," aniya niya at nagmamadaling inayos ang mga gamit at lumabas ng opisina. "Damn! Bakit ba hindi ko man lang napansin ang oras?" sita niya sa sarili habang nagmamaneho. Mabilis ang ginawa niyang pagmamaneho dahil naghihintay si Mercy sa kaniya. And this is the first time na nakalimutan niyang sunduin ito simula nang magsama na sila.
Nasa daan na siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para mapamura pa siya lalo dahil sa pag-aalala niya sa dalaga. Ano na lang kung hindi maayos ang kinaroroonan nito? Paano kung mabasa ito at magkasakit? He'll blame himself if that happened. Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho dahil doon kahit na malakas ang buhos ng ulan. Hindi niya alintana ang peligrong hatid niyon. Ang importante sa kaniya ay makarating sa kinaroroonan ng dalaga.
Nasa kalayuan ay natanaw na niya ang kasintahan na yakap-yakap ang sarili habang nakatayo sa ilalim ng waiting shed. Hindi pa naman maayos iyon kaya paniguradong basa na ang dalaga. Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan sa harap nito at lumabas bitbit ang payong. Inalalayan niya ang kasintahang pumasok sa sasakyan bago siya sumunod dito.
Nang makapasok ay kinuha niya ang spare na damit sa likurang bahagi ng sasakyan ay ibinigay ito kay Mercy. Basang-basa na ito.
"Change, Love bago ka pa magkasakit. I'm sorry at late na late kitang nasundo." Gusto niyang sabihing marami kasi siyang ginawa sa opisina kaya nakalimutan niya ito but it will useless. Late pa rin siya at basa na ang dalaga.
"Okay lang," anito sa kaniya. "Sorry basa na itong sasakyan mo," dagdag pa nito.
"Don't mind the car. C'mon change dahil baka magkasakit ka pa niyan."
Tumalima naman ang dalaga at hinubad ang pang-itaas na damit nito at nagpalit. Inabot niya ang basang damit nito at basta na lamang inihagis sa likurang bahagi ng sasakyan bago ito pinaandar pauwi ng apartment nila.
Habang nasa daan ay panay ang bahing ng dalaga hanggang sa makarating sila ng apartment. Agad niya itong inutusang maligo at nang makapagpalit ng tuyong damit habang inihahanda ang gamot nito.
Nang makalabas ang dalaga sa banyo at agad niyang iniabot ang gamot at tubig.
"Take this para hindi ka magkasakit and take a rest. Mukhang masama na ang pakiramdam mo. Maliligo lang ako para makapagluto," bilin niya rito bago pumasok sa banyo.
Habang nasa loob ng banyo at rinig na rinig pa rin niya ang malakas na pagbahing ng kasintahan sa labas. Kinain tuloy siya ng guilt dahil doon. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niya ang dalaga. Kung bakit sa dami ng pwede niyang kalimutan ay ang dalaga pa. Panay ang mura niya sa sarili sa tuwing naririnig ang malalakas na pagbahing nito. Kaya naman mabilis niyang tinapos ang paliligo upang maipaghanda na ng hapunan ang dalaga.
Pagkalabas niya ay nakita niya ang dalagang nakahiga sa kanilang kama at balot ng kumot. Namumula na ang ilong nito maging ang mga mata nito. Nilapitan niya ito at sinalat ang noo kung mayroon na itong lagnat. Mahina pa naman ang resistensiya ng kasintahan at madaling kapitan ng sakit sa tuwing nauulanan. Again, he cursed himself dahil bahagyang mainit ang dalaga.
"Magpahinga ka na muna at magluluto pa ako. C'mon sleep if you want to," saad niya sa dalaga na ikinatango naman nito. He kissed her forehead before going out of their bedroom.
Nagluto siya ng tinolang manok na paborito ng dalaga para makahigop ito ng mainit na sabaw kasabay niyon ay nagsaing na rin siya. Makalipas ang halos isang oras ay naghain na siya. Inilagay niya ang pagkain sa tray at binibit ito patungo sa kanilang kwarto. Nadatnan niya ang dalagang tulog na tulog.
"Love? Love?" tawag niya sa dalaga habang marahan niyang niyuyogyog ang balikat nito. Nagmulat ito ng mga mata. Halata sa itsura nito ang sama ng pakiramdam. "Kailangan mo nang kumain. C'mon habang mainit pa ang sabaw. I cooked your favorite tinola." Napangiti ang dalaga at umayos nang pagkakaupo.
Inayos ang maliit na lamesa sa ibabaw ng kama at doon niya inalaga ang tray at sabay na silang kumain ng dalaga. Matapos ay muli niyang ibinilin ang pagtulog nito bago siya limabas ng kwarto upang iligpit ang kanilang pinagkainan. When he came back ay tulog na muli ang dalaga. Inayos niya ang kumot nito dahil halatang nilalamig na ito. He checked her body temperature at may sinat pa rin ito.
Hindi siya makatulog dahil sa pag-aalala sa dalagang mahimbing na natutulog sa tabi niya. The guilt he was feeling was killing him. Kung nasundo niya ito nang maaga ay hindi sana ito naulanan at nagkasakit. But what was done was done. Wala na siyang magagawa. But he promised not to repeat this thing again. Ever.
But what he promised was compromised again the following day. Hindi niya na naman niya nasundo ang dalaga sa tamang oras hindi dahil sa busy siya sa trabaho kundi dahil dumalaw ang kaniyang ina kasama si Meah. Hindi rin siya nagtagal sa opisina dahil nagpasama ang mga ito na mag-shopping at kumain sa labas dahilan para hindi agad niya nasundo ang dalaga. And she was still sick. She was not feeling well. Muli ay gabi na naman niya itong nasundo sa paradahan ng jeep.
Pero kahit ganoon ang nagyari ay wala siyang narinig sa dalaga. She said it was okay at hindi naman sa lahat ng oras ay masusundo siya nito. She even said na okay na lang daw na hindi siya nito sunduin sa hapon at mag-ta-taxi na lamang ito pauwi na kaniyang tinutulan. Again, he promised her to fetch her every afternoon. Pero mukhang nananadya talaga ang tadhana dahil sa dami ng mga kumokomprimiso sa pangako niyang iyon. The following day, he couldn't fetch her again.
"Love, may problema rito sa opisina. Peedeng mag-taxi ka na lang?" saad niya nang sagutin ni Mercy ang tawag niya.
"Okay, sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi. I love you," sagot nito sa kaniya.
"I love you, too. I-text mo ako kapag nakauwi ka na, okay?"
"Opo!" wika nito sa kaniya.
Napabuntomg-hininga siya nang ibaba ang cellphone at matamang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Meah. She was silent and was just listening to his alibi.
"Are you sure it's okay? Kung sinabi mo na lang sana ang totoo," wika nito sa kaniya.
"And what'll she thinks kapag sinabi ko?" balik-tanong niya sa dalagang nasa harapan.
"She will understand keysa naman sa magsinungaling ka. Pwede rin namang ako ang kumausap sa kaniya. I am telling you, Shawn iyang pagsisinungaling mo ang sisira sa inyong dalawa. And don't drag me into your mess," babala nito sa kaniya.
Buntong-hininga lamang ang naging sagot niya sa dalaga. Totoo naman iyon pero ayaw kasi niyang mag-isip ng kung ano-ano ang dalaga. Pero hindi pa nga ba?