Panay ang buntong-hininga ni Shawn habang hinahalo ang niluluto niyang fried rice para sa agahan nila ni Mercy. HIndi pa rin kasi maalis sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ng kasintahan simula kahapon noong ihatid niya ito sa eskwelahan nito. Bigla siyang kinain ng hindi niya mapangalanang selos at panibugho nang kausapin ito ng isang estudyanteng nagngangalang Marc.
He knew Marc. Kaibigan ng kaniyang daddy ang daddy nito kaya naman nakaramdam siya ng takot na hindi niya maipaliwanag. Marc was better than him in all aspects. Sa tingin niya. O marahil nakikita niya ang sarili sa binata and those looks in his eyes while looking at Mercy, there was something. He felt threathened with his presence in Mercy's life kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na ganoon ang iakto sa harap ng dalaga at mas lalong nadagdagan iyon nang muli niyang makila ang binata kasama ang kasintahan. They were in different world, laughing of whatever they were talking about. Nang makita niya si Mercy na tumatawa dahil sa ibang lalaki ay natakot siya. Natakot siya na baka isang araw ay magising na lamang si Mercy at hindi na siya ang taong nagpapasaya rito.
Mercy was still young. Marami pa itong makikilala along the way lalo na at matalino ito, maganda ito at mabuti itong tao inside and out. She was a rare gem na kung pakakawalan niya ay magiging tanga siya. Pero hindi naman niya hawak ang tadhana, ang panahon, ang kapalaran nilang dalawa ng dalaga. But he was hoping that Mercy will stay at his side forever. Hindi yata kakayanin kung mawawala ito.
But then another thing happened that very same day. Meah came back. Yes, kilala ni Mercy ang dalaga but she didn't know that Meah was once his ex-girlfriend and his mother liked her for him. Muli na namang nagpahangin ang kaniyang ina patungkol sa kanilang dalawa ni Meah and uttered her dislike towards Mercy na ikinasama ng kaniyang kalooban.
He felt guilty also with shouting Mercy last night. Hindi maalis sa isipan niya ang reaksiyon nito pagkatapos niya itong masigawan. She looked scared and was holding her tears hanggang sa umalis na ito sa kanilang kwarto. Ilang mura ang ibinigay niya sa kaniyang sarili dahil doon hanggang sa napagpasyahan niyang sunan ito sa kusina pero hindi rin niya natuloy roon dahil sa nakitang itsura ni Mercy. She was crying while forcing herself to eat. Nilamon siya ng konsensiya sa ginawa niya. At halos hindi na siya nakatulog hanggang sa pumasok ang dalaga sa kanilang kwarto almost twelve midnight.
He sighed remembering those while placing the food in the table and waited for Mercy to come out of their bedroom. Batid niyang nais nitong magtanong sa kaniya ngunit pinigilan nito ang sarili kaya naman nang magising sila ay siya na ang unang nagtanong dito but she denied what happened to her last night.
Minutes passed by yet no Mercy came out so he went to fetched her. Saktong bubuksan niya ang pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa si Mercy bitbit ang mga gamit nito na hindi naman nito dating ginagawa. Kumunot ang noo niyang napatingin sa dalaga ngunit nakangiti lamang ito sa kaniya.
"Let's eat. Kailangan kasing maaga ako sa school," wika nito sa kaniya at nagsimulang maglakad patungo sa kusina bitbit ang mga gamit nito.
Sumunod na lamang siya rito at habang nasa hapagkainan ay kapansin-pansin ang pananahimik ng dalaga. Nakatuon lamang ang pansin nito sa pagkain na halos nilulunok na lamang nito sa bilis.
"I'll wait for you at the living room," wika nito sa kaniya at muling binitbit ang bag.
Hindi na niya tinapos pa ang pagkain at inilagay ang mga natira sa refrigerator at mabilis hinugasan ang kanilang pinagkainan at tinungo ang kwarto upang kunin ang gamit at sinundan ang kasintahan na hanggang sa byahe patungo sa paaralan nito ay wala itong imik.
"See you later," wika ng dalaga at dumukwang ito upang halikan siya sa labi. At least hindi naman nito nakalimutan ang bagay na iyon. "I love you," dagdag pa nito bago ito lumabas ng sasakyan. Kumaway pa ang dalaga sa kaniya nang makababa na ito at nagsimulang pumasok sa gate ng paaralan.
Sakabilang dako ay wala sa sariling nakatingin na lamang si Mercy sa kawalan. Hindi pa rin kasi maayos ang nararamdaman niya dahil sa nakita kaninang umaga idagdag pa ang narinig niya kagabi. Lutang ang diwa niya habang nagkaklase kanina. Mabuti na lamang at wala ang iba nilang professor dahil may meeting ang mga ito para sa nalalapit na foundation day. Sila namang mga student council member ay busy rin sa paghahanda.
"Malulunod ka na sa kakabuntong-hininga mo, Mercy," wika ng isang tinig sa kaniyang lkuran.
Nilingon iya ito at nakita ang papalapit na si Marc at tumabi ito sa kaniya. May kung ano sa mga mata nitong hindi niya mabasa.
"Tapos na kayo?" tanong niya rito.
Nagkibit-balikat ito pagkatapos ay mataman siyang tiningnan. Nailang sya sa ginawa nnitong pagtitig sa kaniya kaya naman nag-iwas siya ng tingin at umayos ng upo.
"May problema ka ano?" tanong nito sa kaniya. Parang hindi nga tanong iyon kundi ipinupunto talaga nitong may problema siya. "Si Shawn? Nag-away kayo?"
Dahil sa pagbanggit nito ng pangalan ng kasintahan ay nag-angat ang kaniyang tingin dito. Paano nito nalaman na si Shawn? Pero nakikita nga naman nito ang binata but she never introduce the two of them. HIndi nga rin bumababa si Shawn sa tuwing hinahatid at sinusundo siya nito sa paaralan.
"Tama ako, right?" hinging-kumpirmasyong wika nito sa kaniya.
HIndi niya ito sinagot. Wala namang dahilan para sabihin niya rito kung ano ang nararamdaman. Kung sana kasama siya si January ay baka kanina pa gumaan ang nararamdaman niya. Pero sa ibang paaralan kasi nag-aaral ang bestfriend niya kaya solo flight siya. Hindi rin naman siya palakaibigan dahil na rin sa nangyari sa kaniya, living with Shawn. Ayaw niya ng chismis kaya umiiwas siya.
"Kilala ko si Shawn. Magkaibigan ang daddy naming dalawa though hindi kami close."
Napatingin lamang siya kay Marc dahil sa sinabi nito. Kaya pala ganoon ang reaction ni Shawn dahil kilala pala nito si Marc pero wala naman itong sinasabi sa kaniya. Ngayon nga lang niya nalaman ito mula pa kay Marc.
"I know you two are living together. I just heard if from his mother and alam mo naman, hindi ka niya gusto so she was badmouthing about you. Sorry about that. Nag-away ba kayo? Okay lang iyon. Part iyon ng relationship. Was he treating you bad?"
Napbuntong-hininga siya at napailing. Maybe Marc was the answer. Pwede naman siguro siyang mag-share sa binata. Marami na rin naman itong alam sa kaniya.
"Sobrang hindi ba maganda ang naririnig mo? Kaya mo siguro ako kinaibigan 'no?" tanong niya sa binata.
Natawa naman ito sa kaniya. "Hindi naman masyado. Kilala namin ang mommy ni Shawn and hindi naman sa sinisiraan ko siya sa iyo but she has a bad attitude especially that nanggaling siya sa pamilya ng mayayaman," anito sa kaniya.
"Bakit kayo hindi ba kayo nanggaling sa mayayaman?"
"Nah! My mother came from an average family kaya naman naiintindihan niya ang sitwasiyon mo dahil ganoon din daw ang napagdaanan niya noon sa family ni Dad. But then love conquers all. Kaya ikaw stay put ka lang. Magiging okay rin ang lahat sa inyo," turan nito.
"Sana nga," aniya.
"I also heard, itinakwil ka na raw ng family mo? Are you okay?"
Bigla siyang nalungkot pagbanggit sa pamilya niya pero ayos naman siya ngayon. She missed her family. Iba pa rin kasi kapag kasama mo ang pamilya mo pero hindi naman niya magawang bumalik dahil galit sa kaniya ang mga magulang at hindi na siya matanggap pa.
"Namimis ko sila pero galit pa rin kasi sa akin sina Nanay at Tatay, lalo na si Nanay. Mabuti nga at tinanggap ako ni Shawn kung hindi ay wala na akong mapntahan," aniya kay Marc.
"Lilipas din iyon. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Basta ba alam mo na nagkamali ka. Time will come na mapapatawad ka nila. Walang magulang na gustong mapahamak ang anak. Intindihin mo na lang na ngayon ay masama pa rin ang loob nila sa iyon lalo na at may pangarap sila para sa iyo."
Napangiti siya sa sinabi nito. Ayos din kung makapag-advice ang loko. Parang andami nitong alam sa mundo. He was mature.
"Wala ka bang girlfriend?" tanong niya rito.
"Bakit mag-a-apply ka ba?" balik-tanong naman nito sa kaniya.
"Sira! Nagtatanong lang dahil baka mamaya ay may sumugod sa akin dito," sagot niya.
"I never had one. Studies muna ako. Isa pa hindi ko pa nakilala ang the one ko," sagot nito sa kaniya. "Ah! Nakilala ko na pala but sad to say may nagmamay-ari na sa kaniya."
"How sad naman pala."
"Habang may buhay, may pag-asa. Hindi pa naman sila kasal kaya may pag-asa pa ako," nakangiting wika nito sa kaniya na ikinangiti pa niya. "If you have a problem, you can share it to me to lighten the burden. Promise hindi ko ikakalat." Natawa pa ito sa huling sinabi.
"Okay naman ako! Sabi mo nga part ng relationship lang iyon," sagot niya rito.
"Sure ka?" paniniguro nito sa kaniya.
"Oo naman!" bulalas niya.
Dumukwang si Marc sa kaniya at bumulong, "Kapag nambabae si Shawn sabihin mo lang at reresbakan ko." Ginulo nito ang kaniyang buhok pagkatapos ay lumayo na ito sa kaniya.
Tiningnan niya ang binatang umalis na sa tabi niya. May mga tanong na umusbong sa kaniyang isipan. May alam ba ito? Ano ang alam nito?