Chapter 23

1237 Words
"May amnesia ka?" pag-uulit nitong tanong sa kaniya. "Kaya hindi mo maalala si Shawn dahil wala ka talagang maalala?" "Hello! Hindi mo ba maintindihan ang amnesia? Talagang wala siyang maalala!" It was Bryan again. "Pero kung kagaya niyo rin lang naman ang kakilala niya, it's better na hindi nga siya makaalala!" dagdag pa nito. "Hindi naman siya bitter na kagaya mo," sikmat naman ni Stanley. Napailing na lamang si Bryan bago tumayo. "Mauna na ako. Mukhang maraming drama ang magaganap dito ngayon," wika nito bago nagpaalam sa kanila. Sa pag-aakalang maiiwan pa ang iba ay nagkakamali siya dahil sunod-sunod na nagpaalam ang mga ito sa kanila ni Francis maging sa dalawang bagong dating. Back to January ay hindi pa rin ito makapaniwala sa nalamang hindi talaga siya makaalala. ''As in wala kang maalala kahit ano?" Umiling siya rito. "Ang parents mo? Si Ness?" Umiling siyang muli rito. "Why?" "May amnesia nga siya," sagot ni Marc na asawa nito. Sinamaan ni January ang tingin sa lalaki. She discovered that Marc was there friend bago ito naging asawa ni January. "She met an accident," Francis said. "I accidentally bumped into her. It was my fault---" "Hey! Hindi mo lang naman kasalanan iyon. Kung hindi ako humahangos na tumawi, hindi mo ako masasagasaan." "Still it's my fault," sagot nito sa kaniya. "Let's not talk about it. Tapos na iyon. Buhay ako and you gave me too much. Hindi mo ako pinabayaan at utang na loob ko sa iyo iyon." "But you know us? Bakit hindi mo ipinaalam sa amin?" Marc asked. "It's my order. Ako ang nagsabi sa kaniya, sa kanila. Gusto kong natural na bumalik ang mga alaala ko and it took five years for that to remember." "What is because of Shawn? Kaya ka nakaalala?" January asked her. "Yeah! When I saw him flashes came. Who was he in my life, January?" seryosong tanong niya. Tumikhim si Francis kaya napadako ang tingin nila rito. Nanungot ang noo niyang nakatingin sa binata. "I'll excuse myself from here. This is already a personal matter and I don't want to meddle. Just be sure that whatever you will tell to her won't hurt. I maybe at fault kung bakit nawala ang alaala niya but I won't allow her being hurt, kahit kay Mendez pa iyon." Pagkasabi niyon ay umalis na ito at hindi niya alam kung babalik pa ba dahil nagsialisan na rin ang mga kaibigan nito. "Was he like that to you? Ano mo siya?" January asked. "Elijah?" she said. "He's my protector, my guardian angel." "No romantic feeling?" Natawa siya sa tanong nito sa kaniya. Hindi naman malabo iyon. Francis was lovable in all aspect. "Well, hindi naman malabo iyon. He is... hmmm... alam mo naman iyon siguro," wika niya kay January. Nakangiti pa siyang nakatanaw sa papalayong si Francis. "How about Shawn?" January asked dahilan para bumalik ang tingin niya rito. "Shawn?" pag-uulit niya sa pangalan ng binata. It gave her butterflies hearing and uttering his name pero, yes may pero, hindi niya maalala kung sino ito sa buhay niya. "Wala ka pa ring maalala sa kaniya? How about ako? Kami ni Marc? Ng pamilya ko? Wala pa rin?" Napailing siya. Hindi pa kasi buo ang mga alaalang mayroon siya although almost every night ay may mga nakikita siya sa kaniyang panaginip and she knew it was her memory working its magic. "Tell me about my family," pakiusap niya kay January na malugod naman nitong ikinukwento sa kaniya. She even showed pictures of her family and all that Francis' said were true. Talagang pinaimbestigahan nga siya ni Francis. Hearing all those wonderful stories from January and Marc made her happy and delighted. Maswerte pala siya na may ganoon siyang pamilya. But then January mentioned a conflict between her and her parents that has something to do with Shawn. "So it's really true that we lived together," mahinang wika niya sa mga ito matapos ang kwento nito sa kaniya. "Yeah! You were living together kaya nagtaka ako kung bakit bigla ka na lang nawala. Gusto kong tanungin kung ano ang nangyari sa inyong dalawa but it would be useless dahil wala kang maalala. Mabuti na lang talaga at mabait si Mr. Calderon at ang mga kaibigan niya at hindi ka pinabayaan." "Yeah! They're all nice and sweet kahit ang pamilya ni Elijah. They treated me like their own daughter. Did you know that Elijah gave this property to me? Hindi ko sana tatanggapin but he kept on insisting. Kahit ito man lang daw ang pambawi niya sa nagawa niya sa akin. But I didn't take it that way. This was not a compensation but a gift. I am very lucky having them," nakangiting wika niya rito. "Yeah, you are. Sorry for what I did. It was very rude. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko. I'm sorry," hinging-paumanhin ni January sa kaniya. "It's okay. Naiintindihan ko naman but Elijah was sensitive about that matter." Napatahimik silang tatlo sa sinabi niya. "So how come the two of you ended together?" Nagkatinginan ang dalawa at ikinukwento ang pinagdaanan nilang dalawa which ended up being together. Isa sa nagpatibay ng pagsasama ng dalawa ay ang pagkawala niya. Masaya siya para sa mga ito at she can't wait to see their daughter. She was three years old and was so cute. "Pwede mo bang dalhin dito ang pamilya ko? I don't know how to face them," turan niya kay January. "I was planning to bring them here but Ness insisted na siya muna ang haharap sa iyo tsaka niya sabihin sa mga magulang mo." "So kailan niya balak pumunta rito? I can't go dahil marami ang inaasikaso rito sa farm at sa resto." "Don't worry we will come and visit you often here. Pwede rin kaming mag-stay overnight if you want or if Mr. Calderon permitted," Marc said and it was a good idea to be exact. Hindi naman siya nag-wo-worry dahil maraming tao sa farm na nakabantay sa kaniya. Lahat ng mga iyon ay loyal kay Francis. Matapos ang kwentuhan ay nagpaalam na ang mga ito at nagsabing bibisita na lamang. Pero ang pagbisita ng mga ito ay hindi na muling naulit sa hindi niya malamang dahilan. Maging si Shawn ay wala rin na labis niyang ipinagtataka. Siya naman, nang tumigil ang mga ito sa pagdalaw sa kaniya ay tumigil na rin ang pananakit ng ulo niya ay madalang na lamang ang pagbabalik ng kaniyang alaala na akala pa naman niya ay magtutuloy-tuloy na. One day, Francis came with a woman. First time and she knew just seeing Francis, he was smitten. The woman? Medyo nag-aalangan pa but she was praying and hoping thst the two would end up being together. Francis deserves to be happy. At siya? In God's time maybe. Hindi naman siya nag-aapura dahil bata pa naman siya. Si Francis? Lampas kalendaryo na kaya kailangan ng humabol pa. Sana lang ay maging okay ito. Sa pagdaan ng mga araw na hindi siya dinadalaw ng mga kamag-anak ay unti-unting bumabalik sa kaniya ang memorya niya ngunit hindi pa rin doon nasasama si Shawn sa hindi niya maintindihang dahilan. She was curious too of why Shawn wasn't in her memories. Hanggang sa isang araw ay nagpakita ito sa kaniya. "I am wanted you back but I have learned that you lost your memory so I am here to make new memories with you. Let's start again, Mercy. Please let me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD