Hindi sinagot ni Mercy ang kahilingan ni Shawn nang araw na iyon. Her thought, kailangan muna niyang makilala ang pamilya, maka-bonding ang mga ito lalo na at naghirap ang mga ito noong nawala siya. Plus may atraso siya sa mga magulang bago nag-disappear. Gusto muna niyang bumawi sa mga ito. At iyon nga ang ginawa niya.
Sa ngayon ay nandirito ang kaniyang pamilya sa rest house at masaya silang nagba-bonding. Naaalala na niya ang mga ito at nakakasabay na rin sa mga kwento ng mga ito. Siyempre kasama na roon si January, ang asawa nito at ang cute na cute na baby.
Nang malaman ng mga magulang ang tungkol sa pagkawala ng mga alaala niya ay panay ang hingi ng tawad ng mga ito dahil sa mga pagkukulang daw noong pinalayas siya sa pamamahay nila. That was already in the past kaya naman nagpasya silang magkapatawaran at gumawa ng mga masasayang alaala. Pero kahit ganoon pa man ay kapansin-pansin ang hindi pagbanggit ng mga ito kay Shawn. When she asked her sister ay masama pa raw ang loob ng mga ito sa lalaki.
Ness was also glad about her return kahit pa hindi kompleto ang alaala niya. Marami siyang pagkukulang sa kapatid at nais niyang bigyan naman ito ng reward and guess what she asked, to work on Rohan de Villa's company. Hindi naman niya pinaasa ang kapatid dahil hindi pa niya nakakausap ang kaibigan patungkol sa request ng kapatid. But neverthess, masaya silang dalawa. She remembered how close she was to her.
"Alam mo, Ate sobra talaga kaming nag-alala sa iyo. Akala nga namin patay ka na pero thank God, heto ka at buhay na buhay, magandang maganda pa. Mayaman na rin. Dito na lang kaya kami tumira, pwede ba?" tanong ni Ness sa kaniya.
"Mahiya ka naman sa kapatid mo, Ness. Hindi pa nga tayo naaalala nang lubusan," wika ng nanay nila. "Nakakahiya sa may-ari."
"Nay, si Ate ang may-ari nito," saad ni Ness.
"Hindi ba si Mr. Calderon? Aba'y kaano-ano mo ba siya, Anak? Asawa mo ba?" tanong pa rin ng kaniyang ina na sobrang curious. Sobrang close na close rin ito kay Francis.
"Naku! Hindi po, Nay. Siya po ang kumupkop sa akin noong maaksidente ako."
"Hindi mo nobyo o asawa?" muli nitong tanong sa kaniya.
"Hindi nga, Nay."
"Ay sayang naman! Mas gusto ko iyong manugangin keysa kay Shawn," saad ng kaniyang ina.
"Nay!" tawag ni Ness sa pansin ng nanay nila. Halata talaga ang pagkadisgusto ng nanay nila kay Shawn.
"Wala na akong sinabi."
"Pero gusto niyo ho bang tumira dito? Malaki po itong bahay at pwede ring mag-extension. Mas mainam na ring dito kayo tumira dahil sariwa ang hangin," suhestiyon niya sa mga magulang.
"Wala bang magagalit, Anak?" tanong naman ng kaniyang tatay.
"Wala ho. Isa pa pwede kayong tumulong sa farm o kaya sa restaurant kung naiinip kayo rito."
"Oo nga, Nay, Tay. Dito na lang kayo kay Ate. Maka-bonding man lang kayo," turan ni Ness.
"Ay, alam ko iyang binabalak mo! Para makapag-solo ka na ganoon?" bulalas ng nanay niya.
"Nay, hayaan niyo na ho si Ness para makapag-enjoy naman siya. Dito na lang ho kayo. Kung gusto niyo huwag na kayong umuwi. Kami na lang ni Ness ang kukuha ng mga gamit niyo sa bahay at nang makapasyal naman ako roon."
"Hay naku, Ate. Huwag ka nang pumunta dahil maraming chismosa sa kapitbahay. Ako na lang ang kukuha," presenta ng kaniyang kapatid.
"We'll help her," sabay na wika ng mag-asawa.
Napangiti siya. "It's settled then. Wala na hong bawian iyan."
Her parents lived with her since that day at kagaya nga ng sabi niya, they weren't bored becuase her mother helped in the restaurant while her father in the flower farm. She was beyond happy especially that her memories were coming back to her. Unti-unti habang lumilipas ang mga araw. But Shawn? He was not included in any of them and she was wondering why. Kahit itanong niya sa mga magulang, kapatid maging kay January at Marc ay walang masabi ang mga ito sa kaniya.
Pero kahit ganoon man ay hindi pa rin matigil ang binata sa kakadalaw sa kaniya kagaya na lamang ngayon may dala itong cake, her favorite black forest cake.
"How are you?" bungad nito sa kaniya sabay abot sa cake na dala nito. Hindi niya ito tinanggap kaya si Ness ang kumuha.
"I'm okay," sagot niya rito. Okay naman talaga siya ngunit kapag nasa paligid talaga ang binata ay nagiging abnormal ang t***k ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan.
May ideya naman siya ngunit ayaw niyang tanggapin iyon. Matagal na panahon niyang hindi ito nakita, naalala kaya naman ay nakapagtataka talaga. O baka nama kasi naroroon pa rin ang nararamdaman niya para dito. Iyong nagtago lamang dahil sa pagkawala ng kaniyang mga alaala.
"Wala ka pa rin bang naaalala sa akin?" tanong nito sa kaniya nang maupo sila sa porch.
Umiling siya. "Wala. Wala akong alaala simula nang makita o makilala kita. My memories just stop there although there were instances that I can remember after meeeting you but you weren't included in all of those and I don't know why."
"Baka kasi ayaw talaga akong alalahanin ng isip mo," sagot nito sa kaniya.
May magagawa ba siya kung wala nga siyang maalala?
"Baka naman kasi may ginawa kang hindi kaaya-aya kaya hindi kita maalala?" saad niya sa binata na natigilan sa sinambit niya. "May na-bullseye ba ako?"
"Alam kung marami akong pagkukulang sa iyo, atraso pero mahal na mahal kita and that keeps our relationship strong. Kahit ayaw ni Mommy ipinaglaban kita dahil sobrang mahal kita. I did everything for you, for us pero basta ka na lamang umalis and you never came back."
"Bakit ako umalis?" tanong niya rito.
He sighed, looked into her eyes and took her hands." We argued that night. Nagseselos ka kaya para hindi na lumalala ang pagtatalo natin ay umalis ako, nagpalamig, pero nang bumalik ako after few hours ay wala ka na."
"Bakit naman ako aalis kung hindi mabigat ang pag-aaway natin?"
"I don't know. You were out of place that night. Sobra ang pagseselos mo and not the usual jealousy. I thought... I thought you were pregnant kaya ganoon ka na lang magselos, kaya umalis ako. Alam kong hindi ka naniniwala pero, Mercy marami akong isinakripisyo para sa pagmamahalan nating dalawa, para makasama ka lang," pagsusumamo nito sa kaniya.
She looked at him. Inaanalisa niya kung may katotohanan ang sinasabi nito sa kaniya. Hindi kasi niya maintindihan ang nararamdaman. She was happy hearing those words from him yet she was doubting it. May kung anong kulang sa sinasabi nito. Or was it because of her memory playing tricks on her very own mind.
"Let's start again. Wala ka man lang bang nararamdaman sa akin? Hindi ba ako nakikilala ng puso mo?"
Hindi nga ba ito nakikilala ng puso niya? Sa totoo lang, sa nararamdaman niya ngayon, looking at him, seeing him hurt, masakit sa puso. So maybe her heart new him.
"Hindi na ba ako kilala ng puso mo, Mercy?"
Napabuntong-hininga siya sa tanong nito. Ano ba ang isasagot niya rito? Hindi? Pero ano ang ibig sabihin ng mga abnormal na t***k ng puso niya ngayon? Ang hirap nang paghinga niya tuwing nasa malapit ito o kapag ganitong tinititigan siya nito na animo'y binabasa pati kaluluwa niya? Pero dapat ba niyang sabihin iyon sa harap nito ngayon gayong wala pa siyang naaalala tungkol dito? Paano kung hindi naman pala totoo ang mga sinasabi nito sa kaniya lalo na sa reaksiyong nakukuha niya mula sa pamilya?
"Kung hindi ka nga maalala ng isip ko, paano ka maaalala ng puso ko? Maybe there's something wrong with my brain or maybe there is something wrong with you. Which one is deceiving me? My brain or you?"