"You can do that?" hindi makapaniwalang tanong ni Mercy kay Francis.
She wanted to know who they are pero natatakot siya. Hindi niya alam kung anong buhay ang meron siya noon o kung anong pagkatao ang meron siya. Was she a good person or bad? Galit ba sa kaniya ang pamilya niya? Marami siyang tanong na gusto niyang malaman ngunit natatakot siya. Paano kung masamang tao pala siya?
"Just tell me if you're ready, Mercy. Hindi naman kita kinukulong dito. It's your choice and I will respect that just like what we did for the past five years. Pero isa lang ang masisiguro ko sa iyo, now that they knew where you are ay paniguradong pupuntahan ka nila rito. And you could ask them who are you, what are you in their lives. Do not be afraid. Like what Rohan said we are here behind your back."
"Could you at least give me a heads up? I mean para hindi naman ako mabigla kapag hinarap ko sila?" tanong niya kay Francis.
"Hindi kami kasali?" singit ni Bryan sa kanila.
"Makapal talaga ang mukha mo, Santos. Si Calderon ang tinatanong, hindi ikaw." It was Loui.
"Eh, kung may nakaligtaan at least andito tayo to supplement the info. Kasama naman kayo bakit ba nagrereklamo pa kayo?" sagot nito na sinang-ayunan naman ng lahat.
"You can join," saad niya para hindi na magbangayan ang mga ito.
Francis started relaying to her the information he gathered about her, the basic only like kung nakapagtapos ba siya, nagtatrabaho pa siya, sino ang mga kaibigan niya, pamilya niya and the likes. Panay lang din ang tango niya sa lahat ng sinabi nito sa kaniya maging ng mga kaibigan nito. She found out that Shawn was a businessman at nasa circle ng mga ito, ang rason kung bakit nag-usap ang mga ito kanina. Other than that ay wala nang sinabi ang mga ito.
"So okay ka na?" Francis asked.
Sa totoo lang ay masaya siyang nalaman ang mga bagay na iyon tungkol sa kaniya. She was beyond happy. Hindi naman pala masama ang naging buhay niya. Tama rin ang sinabi ni Shawn that they were living together. Pinatutuhanan iyon ni Francis maging ng mga kaibigan nito but aside from that, kung paano ang set up nilang dalawa ni Shawn, ay hindi na alam ng mga ito. Masyadong personal na raw iyon kaya hindi na nila inalam.
"It's up to you if you wanted to give it a try," Stanley said.
"Try what?" tanong niya.
"Try Shawn," tipid na sagot nito sa kaniya.
"We heard everything he said to you a while ago," Loui said. "And it's true na matagal ka na niyang hinahanap. My cousin kept on bubbling about it but I warned her not to mention anything."
"Really?"
"Natuwa ka naman," Bryan said. "Tugudog my heart pa rin ba?"
Napatigil siya. Well, malakas nga ang t***k ng puso niya kapag nasa paligid ito.
"Don't force her about Shawn. Let her assess her feelings. Limang taon ang lumipas malay niyo naman kung nag-iba na ang ihip ng hangin. You may like someone or he may have someone in his life now."
"Hayaan niyo na siya sa bagay na iyan. She's old enough. Iyan mga lovelife ninyo hindi niyo nga maasikaso," turan ni Rohan na ikinangiwi ng mga ito.
Dahil busy na ang mga ito ay nagpaalam na lamang siyang pupunta sa resto upang maging busy rin ang kaniyang isipan. Sa dami kasi ng mga nalaman niya ngayon ay parang sasabog na ang kaniyang utak.
She was busy in the kitchen when someone was asking for her. Tinanong niya ang waiter kung si Shawn ba iyon ngunit hindi ang sagot nito. Curious of who it was ay lumabas siya upang tingnan ito.
Paglabas na paglabas pa lamang niya ay sinugod na siya ng yakap ng babaeng sapantaha niya ay kasing-edad lamang niya.
"You're really alive!" Mahigpit ang yakap na ibinigay nito sa kaniya.
The woman who hugged her wasn't alone. May kasama itong lalaki na maluha-luha ring nakatingin sa kanila, sa kaniya. She wondered who they were at ganoon na lamang ang reaksiyon ng mga ito. They maybe from her forgotten memories.
Kumalas ng yakap ang babae sa kaniya pagkatapos ay ininspeksiyon ang kayawan niya, ang mukha niya.
"I'm okay. Pwede mo na ba akong bitawan?" magalang na wika niya rito na nagtataka namang tumalima.
She motioned them to sit at pinili niya ang may kalayuan sa mga customer na kumakain. Titig na titig ang mga ito sa kaniya. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ng mga mata.
"Tama nga si Shawn. You don't remember us or you're just pretending not to know us," the woman said.
She sighed and was about to say something when she spoke again.
"Alam mo ba na sobrang nag-alala kami sa iyo? Naisip mo ba kung gaano kami kaalala sa iyo dahil sa pag-alis mo at hindi ka man lang nagsabi kung nasaan ka? Halos mamamatay kami sa kakahanap sa iyo, sa pag-aalala sa iyo. Bakit bigla ka na lang umalis? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? And you are just here. You seemed okay. Hindi naman yata makatarungan iyon. Ang tatay mo, halos ilang beses nang inatake sa puso dahil sa pag-aalala sa iyo ganoon din ang nanay mo. Ang kapatid mo muntik nang bumagsak at hindi nakapagtapos dahil sa walang tigil na paghahanap sa iyo. Mercy, ano ba ang problema mo? Pwede ka namang umalis pero sana nagpasabi ka naman. Hoy! Buhay pa ako, 'wag na kayong mag-alala sa akin. Kahit ganoon man lang!" naiiyak na litaniya nito sa kaniya.
Ang lalaking kasama nito ay nakahawak lang sa kamay nito at hinahagod ang likod nito habang umiiyak ang babaeng kausap niya.
Siya naman ay nangingilid ang mga luha ngunit pinilit niyang huwag umiyak sa harapan nito. She was wondering if this is January, her bestfriend.
"Ano? Wala ka man lang bang masabi?" pagalit na wika nito.
Ano ba ang dapat niyang sabihin? Hindi kasi niya talaga alam.kung ano ang sasabihin dito.
Then out of the blue, Francis came to rescue her at nakilala ito ng dalawa.
"Ikaw ang nagtatago sa kaniya?" Mataas na ang boses ni January at napapatingin na ang ibang customers sa kanila.
"Don't make a scene here," babala ni Francis. "Pwede ko kayong ipakaladkad sa mga tauhan ko. I may ban all of you here."
The woman named January tsked. "Kaya pala hindi namin siya mahanap-hanap ay dahil ikinukulong mo siya rito. Hindi ka ba naaawa sa pamilya niyang hindi na matigil sa kakahanap sa kaniya? You're a selfish bastard!"
"January, stop!" saad ng lalaking kasama nito. "We can talk peacefully. You don't need to shout. Pinagtitunginan na tayo ng mga customer nila."
"No! No one is stopping me! Eh ano kung pinagtitinginan nila tayo? Mas mabuti nga iyon para mawalan sila ng customer!"
"Hindi naman maayos iyon!" wika niya. "I respected you and entertained you here but don't give me that crap! Kung hindi kayo maayos na kausap, you better go! I don't need you here. And I may ban you from coming here."
Nanlaki ang mga mata ng babae nang tumingin sa kaniya. Marahil ay hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Well, gagawin naman niya talaga iyon kung kinakailangan. Hindi nila kilala si Francis kaya hindi dapat ganoon ang pagtrato nila sa lalaki.
"Huwag nating hayaang umabot sa ganoon," wika ng isang tinig and that was Rohan. "You should talk inside the house. Kahit magsigawan kayo roon ay walang makakarinig." Tumingin ito sa lalaking kasama ng babae. "Tame your wife. Nasa teritoryo namin kayo!" Tumango naman ito bilang sagot sa babala nito.
Inakay siya ni Francis patungo sa rest house at nakasunod naman doon ang mag-asawa at si Rohan. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay nagitla ang dalawa nang makita ang mga kaibigan ni Francis na kilala ng mga ito.
Palipat-lipat ang tinging ipinukol ng mga ito sa kaniya at sa mga kalalakihan.
"What's the meaning of this? Kilala niyo si Mercy? Alam niyo kung nasaan ito ngunit wala kayong sinasabi? You all know that we are looking for her but you choose to have a deaf ear and blind eyes? Anong klaseng mga tao kayo? Mga wala kayong kwenta? Pinaglalaruan niyo ba kami?" Bakas ang galit rito. Tumingin ito sa kaniya. "You? Wala ka na bang konsensiya? Ganoon na lang ba ang galit mo sa amin para gawin mo ito? Sa pamilya mo? Sana pala ay hindi ka nalang namin hinanap. We just wasted our time looking for you, worrying for you but you're selfish. Makasari---"
"Isang masakit na salita mo pa sa kaniya ay kakalimutan kong babae ka!" banta ni Francis rito. "You don't know what happened to her para sabihin mo ang mga iyan." He hugged Mercy dahil napahagulhol na ito. "Kung pamilya niya kayo, kayo dapat ang unang-unang nakakaintindi sa kaniya. You, as her bestfriend, should ask first what happened to her o why she couldn't recognize you. Pero imbes na gawin mo iyon, you kept on blaming her without even asking for her side! Anong klaseng kaibigan ka?"
Hindi nagsalita si January sa tinuran ni Francis dahil alam nitong tama ang sinabi nito. Hindi nga naman kasi niya hinigyan ng pagkakataon ang kaibigan na sagutin ang mga tanong niya bagkus ay pinaratangan pa niya ito ng kung ano-ano.
"Enough!" singit ni Bryan. "Masyado kayong hot! Bakit hindi niyo na lang kasi sabihing nagka-amnesia si Mercy kaya wala siyang maalala. Tapos!"
Eyes flew on Bryan na parang balewala ang sinabi at patuloy ang paglantak sa chicharong baboy.
"May amnesia ka?" hindi makapaniwalang tanong ni January kay Mercy.