"Mercy?" tawag nito sa kaniya.
Lumapit si Shawn sa kaniya at tinangkang hahawakan siya ngunit dali-dali siyang lumayo rito at pumunta sa gawi ni Francis. Hinawakan niya ang braso nito at naintindihan naman nito ang nais niyang ipahiwatig.
"Do you need anything?" tanong niya rito. "May pupuntahan kasi kami."
Shawn was hesitating. May gusto itong sabihin ngunit hindi nito iyon maibigkas. Hanggang sa niyaya na siya ni Francis na sumakay sa sasakyan at umandar na ito. That man named Shawn, he was still standing there looking at them.
"Are you okay?"tanong sa kaniya ni Francis.
Okay lang ba siya? Malakas kasi ang t***k ng kaniyang puso dahil sa presensiya ng lalaki. Sino ba ito sa buhay niya?
"Okay lang naman. Hindi ko lang inaakalang babalik siya. He knows me," sagot niya rito.
"Of course, he knew you. Hindi naman babalik iyon kung hindi ka niya kilala. So brace yourself, Mercy. Expect the unexpected."
"Geez! Kinakabahan tuloy ako sa sinasabi mo," sagot niya.
"I am just warning you."
Napabuntong-hininga siya. Gusto man niyang alalahanin ang lalaking iyon ngunit wala talagang pumapasok sa isip niya. Now she was wondering who is he in her life.
She had her check-up and everything was normal. Gaya nang sapantaha nila ay nag-uumpisa na nga ang pagbabalik ng kaniyang mga alaala. Nagreseta ito ng gamot para sa sakit ng kaniyang ulo and some vitamins na rin. Matapos niyon ay inihatid siya ni Francis pabalik.
And they saw him again. Mukhang hindi na ito umalis at hinintay na lamang siya nito. She looked at Francis.
"Just ride on, okay?" bilin nito sa kaniya bago sila bumaba ng sasakyan.
Nakaalalay si Francis sa kaniya nang pumasok sila sa resto. He was extra sweet towards her. Anong drama kaya ang gusto nitong palabasin?
"Take a rest. Huwag kang masyadong magpapagod, okay? I will call you. And wait for me at dinner," saad ni Francis sa kaniya pagkatapos ay niyakap pa siya nito nang mahigpit bago nito hinawakan ang mukha niya at hinagkan. Hinagkan ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya. Kumindat pa sa kaniya ang binata at napailing na lamang siya. Such a gentleman!
Nagpaalam na ito sa kaniya at tinanaw niya itong pasakay sa kotse nito. She waved her hands and he waved back with flying kiss pa. She stayed there hanggang sa makaalis na ito kaya naman naglakad siya papasok sa loob ngunit tinawag siya ng lalaking iyon.
"Mercy?" Lumingon siya rito. She even walked towards him. Her face was blank. Hindi naman niya kasi kilala ito.
"Yes? Do you need anything, Sir?" magalang na tanong niya rito.
Shawn stood up and just hug her. Itinulak niya ito palayo sa kaniya and gave enough distance between them.
"I don't know what's your problem or why you know me but I think you are crossing the line here, Sir." Binigyang diin niya ang huling salita. "If you do this again, ipapakaladkad kita sa mga tauhan ko."
Pikit ang mga matang tumingala ang binata bago siya hinarap. Mukhang hirap na hirap ang kalooban nito.
"I'm sorry. I just missed you."
"I'm sorry too but I don't know you so don't ever do that again. You're lucky that my man was gone."
"Hindi mo ba ako naaalala?" tanong nito sa kaniya.
It's her time to smile. "I don't know you. Kung wala ka ng kailangan, maiwan na kita dahil marami pa akong gagawin," saad niya rito bago nagsimulang maglakad papasok.
"I'm your fiancé," saad ng lalaki sa kaniya. "We've been living together for years before you disappeared."
Biglang kumirot ang kaniyang ulo dahil sa sinabi nito. Flashes came but he wasn't there. Pinilit niyang gawing blanko ang mukha bago hinarap ang binata na may ngiti sa mga labi.
"If you're my fiancé, how come I don't know you or remember anything about you. Baka nagkakamali ka lang. Magpatingin ka baka may tama na iyang utak at mga mata mo," wika niya rito bago ito nilayasan.
Shawn was stunned with Mercy's remark. Nagtataka talaga siya kung bakit hindi siya nito kilala. Masyado bang masakit anh ginawa niya rito para hindi siya nito makilala? O baka nagpapanggap lamang ito. And damn! Who was that man? Asawa ba nito iyon? Pero wala siyang singsing na nakita sa mga daliri ng mga ito.
Dahil sa nakikitang reaksiyon ni Mercy ay nagpasya siyang umalis na lamang at babalik kinabukasan. January and Marc will be here soon kaya makikibalita na lamang siya sa mga ito. Hindi niya gustong magalit sa kaniya nang tuluyan si Mercy.
He promised to himself na babawiin niya ang dalaga at babawi siya sa mga pagkukulang niya rito. Pero bago iyon ay kailangan muna niyang alamin kung sino ba ang lalaking kasama nito. Kung bakit nito itinago si Mercy.
With that, tinawagan niya ang kilalang imbestigador at pinaimbestigahan ang lalaking iyon but sad to say ay wala siyang nakuhanh impormasyon tungkol dito. If that's the case meaning ay may mataas itong koneksiyon sa gobyerno.
"Hindi ba kayo dadalaw sa kaniya?" tanong niya kay January. Kausap niya ito ngayon sa telepono.
"On the way na kami at kasama ko si Ness. Ikaw? How's your meeting with her?"
He sighed. "Mag-usap na lang tayo kapag nagkita na kayo. Balitaan niyo ako."
"Huwag mo akong uutusan, Shawn. Alalahanin mo na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagtago," sikmat ni January sa kaniya.
"Aminado ako roon. And I can't do anything about it. I'll just make it up to her," sagot niya rito bago pinatay ang tawag.
Ano nga ba ang dapat niyang gawin sa dalaga ngayong natagpuan na niya ito? Her act of not knowing him was making him wonder. Sabagay na iintindihan naman niya ito dahil nga naman sa katarantaduhang ginawa niya rito. It was given and it was his fault kaya walang dapat sisihin kundi ang sarili. Hopefully, Mercy could forgive them and that they could start a new.
Ngunit may problema pang isa, iyon ay ang lalaking iyon na hindi niya malaman ang pagkatao. Sino ito? At ano ito sa buhay ni Mercy? He remembered her saying 'my man' so was he her husband? No. No rings on their fingers. Fiancé? No. He was her fiance. Lover? God! He wanted to murder that man instantly.
Sa kabwisitang naramdaman ay nagtungo na lamang siya sa opisina. At nadatnan niya roon ang kaniyang adviser, malanding adviser, Amira Salvatore.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito?" walang buhay na tanong niya rito.
He meet Amira when she was looking for Mercy. She was broken hearted at that time and so he was so they clicked but it wasn't a romantic one. She was mending her broken heart because his ex was just like him, womanizer and insensitive, and he was looking for Mercy because of the same reason and Amira reminded him of her.
"I heard you found her? At last!" nakangising wika nito sa kaniya. "So nagkabalikan na kayo o hindi na dahil may asawa na siya?"
Tiningnan niya ito nang masama dahil sa sinabi nito and that made her laugh so damn hard.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong niya rito.
"You! It's bullseye! May iba na siya."
"Shut up!" sigaw niya na ikinatawa pa rin nito.
"I know a secret! About her. Ah!" Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Tinapik-tapik ang kaniyang balikat bago muling bumalik sa kinauupuan nito. "About the man she was with."
Mabilis na tumayo siya at nilapitan ito eager to know about them, about him to be exact.
"Spill it out!" excited na wika nito sa kaniya.
"It's not for free, Shawn."
"What?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Napatayo siya at naglakad patungo sa de-salaming bintana, nameywang na napatingin sa dalagang prenteng nakaupo sa coach. "How much do you need?"
Natawa na naman ito. "I don't need your money. I have lots of those. I need you to do something for me. Illegally."
"What?" muli na namang siyang napasigaw dahil sa huling salitang sinabi nito.
"Take it or leave it?" Amira was humming now.
"Why not ask you cousin?" sagot niya rito.
Napailing ito sa kaniya. "Ikaw ang may kailangan. I can easily do that knowing him but no! It would be fun if it's you. And aside from that he won't allow me to meddle into something that is related to his friend. So?"
Tiningnan niyang maigi ang dalagang naghihintay ng sagot niya. She looked so sure about this thing so may alam talaga ito o baka nga matagal na nitong alam ang bagay na ito.
"What do you want me to do?" pinal sagot niya rito na ikinangisi nito.
She gave what she wanted in exchange to her tip and he scratched his head because of what he wanted. Matapos sohang sumang-ayon sa sinabi nito, no, after he ordered his men to do what she wanted ay tumayo na ito.
"Where's my deal?" nataranta siya dahil ni wala itong sinasabi sa kaniya.
"Francis Elijah Calderon."