Ang pangyayaring iyon kung saan nahuhuli niya si Shawn na may kasamang babae ay naulit pa nang naulit. But because she loved Shawn ay binabalewala niya ito dahil umuuwi pa naman sa kaniya ang binata and their relationship was quite okay. Balik sa dati to be exact.
"Susunduin ba kita mamaya?" tanong ni Shawn sa kaniya.
Napatingin siya sa kasintahan. Seryoso? Kailangan pa bang tanungin iyon? Pero sabagay ay sanay na siya rito.
"Kung busy ka okay lang naman na huwag na," sagot niya rito.
"May dinner meeting kasi ako mamaya so baka hindi kita masundo," sagot nito sa kaniya.
Dinner meeting? O dinner mating? Ngunit hindi niya iyon maisatinig.
"Sige."
Hindi siya mapakali habang nasa eskwelahan hanggang sa makauwi na siya ay balisa pa rin siya. She tried calling Shawn but his phone was out of reach. At hindi na rin umuwi ang kasintahan nang gabing iyon.
Morning came, wala pa rin si Shawn at nang tawagan niya ito ay nakapatay pa rin ang cellphone nito sa hindi niya malamang dahilan.
Nang makarating siya sa paaralan ay humahangos na sinalubong siya ni January.
"What's the rush?" tanong niya rito.
Huminga muna nang malalim si January bago inilabas ang kaniyang cellphone.
"Have you seen this?" Iniabot nito sa kaniya ang cellphone at ipinakita ang larawang nais nitong makita niya.
It was Shawn with another woman in a fancy restaurant. Maybe this was the dinner meeting he was saying but then they were to sweet to have a meeting. Dahil hindi naman kasi business meeting iyon. She sighed.
"Ah! Yan? Nasabi na niya sa akin iyan kahapon," wika niya kay January.
Tumaas ang kilay nito sa sagot niya.
"So alam mong niloloko ka lang ni Shawn? Na nambababae siya?" tanong nito sa kaniya.
"It's a business meeting," sagot pa rin niya rito.
"Business meeting? Bulag ka ba? Hindi iyan business meeting!" halos pasigaw na nitong wika sa kaniya.
Nagsimula siyang maglakad at lampasan ito. Hindi niya maaaring sabihin sa kaibigan na totoo nga iyon, na parehas sila ng hinala dahil alam niyang susugurin nito si Shawn at ayaw niyang malaman ni Shawn na may ideya siya tungkol sa ginagawa nito. Because in the first place, wala na siyang mapuntahan kundi ito na lamang.
"Mercy? Mercy, ano ba?!" tawag ni January sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa klase.
Masakit man sa dibdib ay pilit niyang kinakaya dahil mas nananaig pa rin ang pagmamahal niya kay Shawn kahit na niloloko na siya nito.
At ang komprontasyong iyon mula kay January ay hindi natapos doon. She would always show pictures of Shawn with different women in various places. Pero lahat ng iyon ay binalewala niya. Naging pipi at bingi siya sa ginagawang pambababae ni Shawn dahil mahal niya uto, dahil ito na lamang ang matatakbuhan niya.
"Mercy, may out of town kami for three days gusto mo bang sumama?" tanong ni Shawn sa kaniya isang araw.
"Ha? Kailan ba?" balik-tanong niya rito. She wanted to come dahil matagal na rin simula nang huli silang namasyal o magbakasyon ni Shawn. Isang taon na siguro iyon.
"Sa makalawa. Gusto mo bang sumama?"
Sa makalawa? That's their final exam and she can't miss it. Bigla tuloy napalitan ng kalungkutan ang nararamdaman niya dahil doon.
"Hindi ba pwedeng sa ibang araw?"
"Oh, that? Naka-schedule na kasi iyan months ago. You'll come?"
Napailing siya. "Finals namin eh," nanghihinayang sa turan niya rito.
"Ganoon ba?" Napabuntong-hininga si Shawn. "After exam mo then magbakasyon na lang tayo, okay ba iyon?"
Napatango siya rito. Then Shawn bid his goodbye papasok ng opisina. Siya naman ay naiwan sa apartment dahil walang pasok kaya naman nagbalak siyang maglinis at maglaba na lamang buong maghapon. At iyon nga ang ginawa niya.
She took all their dirty clothes and went to the washing area. Inisa-isa niyang pinaghiwalay ang puti sa de-kolor maging ang pambahay at panlabas na damit nila ni Shawn. Inisa-isa rin niyang kapkapan ang mga bulsa ng pantalon nila ng kasintahan.
In one of Shawn's pants, nakapa niya roon ang susi ng isang sasakyan nito na ilang araw na nitong hinahanap dahil kailangan daw madala sa car washing shop. Nagpasya siyang siya na lamang ang gagawa noon lalo na at alam naman niyng magmaneho dahil tinuruan na siya nito.
Inilabas niya ang kasama pa ng susi. There was cash and crumpled receipt. Nagtaka siya kung anong resibo iyon kaya naman binuksan niya ito only to find out it was a hotel's receipt. She closed her eyes pagkatapos ay huminga nang malalim. Ilang beses niyang ginawa iyon dahil hindi na siya makahinga. Pinilit niyang huwag maiyak dahil doon.
Ilang beses na ba siyang nakakakita ng resibo ng iba't ibang hotel kung saan dinadala ni Shawn ang mga babae niya? Not just once but many times at lahat ng iyon ay itinatago niya kay Shawn. Pero hanggang kailan ba niya maitatago ang sakit na dulot niyon? Hanggang kailan niya makakaya iyon?
Oo nga at ibinibigay sa kaniya ni Shawn ang lahat ng pangangailangan niya, umuuwi ito sa kaniya pero sapat na ba iyon para ipagpatuloy niya ang pagtitiis sa ginagawa nito?
She took a deep breathe bago ipinagpatuloy ang ginagawa. She needed diversion. Kaya pa niya! Kakayanin pa niya.
Malapit na siyang matapos sa paglilinis nang biglang tumunog ang door bell. Agad niyang tunungo ang pinto at tiningnan kung sino iyon.
Pagbukas niya ay lumantad sa kaniya ang isang sopistikadang babae na animo'y isang modelo. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Nandiyan ba si Shawn?" mataray na tanong nito sa kaniya.
"Wala, bakit?"
"Pakisabi sa amo mo na puntahan niya ako sa condo ko. Malaki na ang atraso niya sa akin," wika nito sa kaniya bago tumalikod.
"Sino ka ba?" Hindi na niya maiwasan ang inis na nararamdaman.
Hinarap siya ng babae. "Ikaw? Sino ka ba?"
"Tinatanong kita kung sino ka?"
The woman smirked. "Ako? Girlfriend lang naman ako ng amo mo. Pakisabi sa kaniya. Oh baka hindi niya maalala dahil sa dami namin, pakisabi Mildred ang pangalan ko," wika nito bago siya nilayasan.
Again, she closed her eyes. Ibayong sakit kasi ang marinig sa ibang babae na girlfriend ito ng boyfriend niya, ng kinakasama niya. Okay na iyong napagkamalan siyang katulong dahil sa itsura nga naman niya ngunit ang mga salitang girlfriend ni Shawn, sa dami nila, iyon ang masakit. At halos ng iyon ay tinitiis niya dahil sa lintik na pagmamahal niya sa binata.
"May pumunta rito kanina. Hinahanap ka. Mildred ang pangalan," imporma niya kay Shawn habang nasa hapag sila at kumakain ng dinner.
Biglang natigilan ang binata sa sinabi niya pagkatapos ay napabuntong-hininga.
"Sinabi niyang girlfriend ko siya?" tanong nito.
Hindi siya umimik sa tanong nito dahil ito dapat ang nakakaalam sa sagot na iyon.
"She was my ex... before you. We broke up at hindi niya iyon matanggap dahil mas pinili kita. Don't mind her okay? Gusto lang tayong sirain ng babaeng iyon," wika nito sa kaniya.
Alanganing ngumiti siya rito at mukhang nakuha naman nito iyon dahilan para tumayo ito at niyakap siya, hinalikan sa mga labi.
"No matter what happens, may marinig ka mang chismis, believe in me. Only in me. Hindi ko hahayaang masira tayong dalawa. Alam mo naman ang estado ko noon at hindi na iyon mawawala. Sana mas paniwalaan mo ako keysa roon," masuyong wika nito sa kaniya. "Will you? Ikaw lang ang babae sa buhay ko."
Tumango siya rito at muli siya nitong hinalikan sa mga labi bago bumalik sa upuan nito at ipinagpatuloy ang pagkain na parang wala lang. She wanted to ask him about all the stories she had been hearing pero kagaya ng sabi nito, hindi niya dapat kailangang pakinggan ang mga iyon. How about iyong mga nakita niya? Wala pa rin ba iyon? Magpapakabulag na lamang siya sa mga iyon? Kokomprontahin ba niya si Shawn?
Pero aalis na naman ito bukas at magkakaroon ng out of town trip kasama ang mga empleyado ng kompanya. God knows what will happen again.
"Hindi ka ba talaga sasama bukas?" pukaw ni Shawn sa pag-iisip niya.
Umiling siya. "Finals namin eh. Gusto ko sana kaso hindi pwede," sagot niya rito.
"Mag-uuwi na lang ako ng maraming pasalubong," sagot nito.
"Shawn?" tawag niya rito.
"Yes?"
Pansin niya wala na rin ang endearment nitong 'Love' sa kaniya. Matagal ng wala ngunit parang hindi napapansin ng binata iyon.
"Huwag kang mambababae ha?"
Biglang kumunot ang noo ni Shawn sa kaniya kasabay nang pagsama ng tingin nito. "And what are you implying? My God! Business trip ang pupuntahan ko, hindi mambabae! Ano naman ang tingin mo sa akin? Ganiyan na ba kasama ang tingin mo? I can't believe you!" mataas ang boses na wika nito sa kaniya. Galit na ito sa kaniya.
"Why are you so defensive?"
"Defensive? You've been acting like that! Akala ko ba hindi ko napapansin? Panay hinala ka na sa akin!" Mataas pa rin ang boses nito at tinigil na nito ang pagkain.
"Pinapaala ko lang naman. Masama ba iyon?"
"I can't believe you. Ipinapakita mo.lang na wala kang tiwala sa akin dahil diyan sa sinabi mo. I'm out of here."
Tumayo na ito at nagtungo sa kwarto nila. Naiwan siya sa hapag na hindi malaman ang gagawin dahil bigla na lamang itong nagalit sa kaniya. Then few minutes after Shawn entered the room ay lumabas na rin ito bitbit ang isang 'di-kalakihang maleta. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya at malakas pa nitong ibinalibag ang pinto. Tinakbo niya ito ngunit hindi na niya naabutan pa.
Inayos niya ang pinagkainan nila dahil nawalan na rin siya ng ganang kumain pa. Matapos niyon ay tinungo niya ang kwarto at doon tahimik na umiyak.
The next morning, she woke up because of the ringing of her phone. Nang sagutin niya ito ay si January iyon.
"What? Bakit ang aga mong napatawag?"
"Open your email. May nai-send ako sa iyo," wika nito bago siya pinatayan ng tawag.
She opened her email para lamang masira ang buong araw niya for Shawn was with a woman in a bar. Their lips were locked with one another.
What a nice way to wake up and start a new day! It hurts!