"Hoy! Tingnan mo iyon oh," wika ni January kay Mercy sabay nguso sa paparating na binata.
Tumingin si Mercy sa direksiyon kung saan itinuro ng nguso ng kanyang best friend na si January. Nasa isang café silang dalawa ngayon at nagmemeryenda matapos ang madugong defense nila sa isang subject nila, Research one-zero-one. Graduating na silang dalawa sa senior high school kaya naman marami-rami na ang requirements na kailangan nilang tapusin ngayon. Kaya naman napapadalas sila sa cafe na ito upang makapag-relax naman kahit papaano.
Maganda kasi ang ambiance ng lugar na iyon. Cozy yet simple. At home na at home ka kapag naroroon ka. Iyon nga lang kung wala kang pera ay huwag ka nang pumasok doon dahil makokonsumisyon ka lang sa mahal ng presyo ng mga bilihin. At isa na siya sa mga nakokonsumisyon doon kung hindi lamang siya inililibre ni January, ang kanyang mayamang bestfriend.
Wala namang problema iyon sa kaibigan maging sa mga magulang nito dahil close na close sila. Aba! Good influence ba naman siya sa kaibigan kaya bet na bet siya ng parents nito. Madalas pa nga silang tumambay sa bahay ng kaibigan at open siya roon. Hindi rin matapobre ang mga magulang ng kaibigan at madalas pa nga ang pagbisita ng mga ito sa bahay nila. Minsan nga ay nakakahiya na.
Nakakatuwa iyon lalo na sa kagaya niyang hindi naman mayaman buhay. Simple lamang ang pamumuhay nila. Ang tatay niya isang ordinaryong empleyado ng municipyo samantalang ang nanay niya ay isang simpleng maybahay at nagbabantay ng kanilang maliit na tindahan. Mayroon siyang isang nakakabatang kapatid na babae na nagngangalang Ness.
Balik sa kasalukuyan, nangningnging ang kanyang mga mata sa nakita. Sino ba naman ang hindi? Nakita lang naman niya ang kanyang ultimate crush na si Shawan Lauriaga. Gwapo ito. Matangkad. Maputi. Medyo may kapayatan ang katawan nito ngunit ayos lamang iyon sa kanya dahil sa paningin niya ay macho naman ito. Matangos rin ang ilong nito at may mapupungay na kayumangging mata. May kahabaan ang buhok nito paalon-alon. At heto pa. Suot na naman nito ang signature outfit nito. Hapit na itim na tattered na pantalon, puting t-shirt, leather jacket at relo. Bagay na bagay ang suot nito sa binata. Kaya nga maraming nahuhumaling doon at kasama na siya roon.
Sinundan niya ng tingin ang bagong dating at umupo ito sa dating pwestong inuokupa kasama ang tatlong barkada nito. Suki rin kasi ang mga ito sa cafe na iyon kagaya nila ni January. Pasimple niyang pinagmasdan niya ang mga ito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama ba ang pagkaka-crush siya sa binata. Ito kasi ang tipo ng lalaking babaero, maloko, walang patutunguhan ang buhay, 'ika nga. She was not judging him pero iyon kasi talaga ang reputasyon nito, ng mga ito. But nevertheless ay crush na crush pa rin niya ito.
Napabuntong-hininga siya nang bumalik ang tingin sa kanyang kaibigan. Nanulis ang nguso niya sabay napailing bago sumipsip sa iced tea na order niya.
"Kailan kaya ako papansinin ni crush? Sana bago man lang tayo maka-graduate ay mabigyan man lang ako ng isang hi o hello," malungkot na wika niya.
"Alam mo ikaw, hindi lang naman ikaw ang may pantasya riyan. Kaya siyempre hindi lang ikaw ang umaasa. Hindi ko kasi alam kung bakit niyo gusto si Shawn. Wala naman kayong mahita sa kanya maliban sa kagwapuhan," turan ni January sa kanya.
"Grabe ka naman kung manlait sa 'boyfriend' ko!" anggil niya rito.
"Totoo naman ah," giit pa rin nito sa kanya habang panaka-naka ang pagsulyap sa kinaroroon ng magbabarkada.
"Hindi naman porke't ganoon ang pinapakita noong tao ay ganoon na siya. Malay mo front lang pala niya iyon. Eh 'di ba nga sabi nila wala raw paki ang parents niya sa kanya kaya maybe mechanism na niya ang ganoon," pagtatangol niya kay Shawn. Bahagya pa niyang hininaan ang boses upang hindi sila marinig.
"Ikaw," wika ng kanyang kaibigan, "Malala ka na talaga. Marami namang lalaki riyan, mas matino, mas gwapo pero bakit si Shawn pa?"
Sinamaan niya ang tingin rito. "Bakit ba ang nega mo? Crush ko lang naman iyong tao."
"Crush? Patay na patay ka kaya roon. Tingnan mo iyang notebooks mo puno ng pangalan ni Shawn at may pa-flames-flames ka pang nalalaman. And look how you wrote his name to yours. Kung hindi lang kita kaibigan ay baka sabihin kong obssessed na obssessed ka na sa kanya."
"Bess, naman. Hayaan mo na ako. Inspiration lang naman. Tsaka for sure hindi ko na rin naman makikita iyan kapag nag-graduate na tayo dahil mag-aaral ako sa Baguio. 'Di ba?" nakangiting wika niya za kaibigan.
"Hay ewan ko talaga sa iyo." Ipinagpatuloy ni January ang pag-ubos sa kinakain nito at ganoon din ang ginawa niya.
Matapos ay sabay na silang tumayo at umalis ng cafe. Ngunit bago lumabas ay sinulyapan pa niya si Shawn sabay ngiti nang palihim. Kompleto na naman ang araw niya.
Kinabukasan nang magkita sila ni January ay pinaalala niya ang ipapasa nilang research. Ngayon na kasi ang deadline nito.
"Hala! Wala kaya sa akin," wika ni January sa kanya nanh sabihin niyang dapat nitong ipasa ang research nila.
"Anong wala? Eh ikaw ang may hawak kahapon?" wika niya sa kaibigan. Naku! Pina-prank na naman ata siya nito.
"Akala ko iniuwi mo," nagugulohang wika ng kaibigan sa kanya.
"Akala ko iniuwi ko rin," mahinang sagot niya. Umiling ang kanyang kaibigan.
OMG! Nasaan na ang research paper nila kung hindi pala iniuwi ng kaibigan? Biglang sumakit ang ulo niya sa nangyayari. Ngayon pa naman ang deadline na ibinigay sa kanila. Kung bakit kasi hindi pa nila ipinasa iyon kahapon gayong tapos na iyon. Panay ang buntong-hininga niya habang iniisip kung saan nila naiwan iyon. Panay ang diskusyon nilang magkaibigan kung saan sila pumunta kahapon. Marami pa naman silang pinuntahan.
"Sa café," panabay na wika nilang dalawa at sinimulang ligpitin nag mga gamit at tumakbo patungo sa café.
Malamang ay roon nga niya naiwan ang research paper nila dahil halos bitbit naman nila iyon kahapon. Doon lamang silang dalawa sumimplang dahil sa presensiya ni Shawn.
Mabilis ang takbo nilang dalawa patungo roon upang makahabol sila sa nakatakdang oras. Hinihingal na inabot niya ang pinto ng cafe at mabilis na pumasok roon. Kasunod niya si January na kagaya niya ay hapong-hapo na rin.
"Ate, may nakita ba kayong orange na folder kahapon doon?" tanong niya sa waitress ng café sabay turo sa pwesto nila kahapon.
Bahagyang natigilan ang babae na parang nag-iisip kung meron nga ba o wala.
"Ah may kumuha na kahapon," sagot nito sa kanya na ikinadismaya niya.
"Sino?" panabay na wika nilang dalawa ni January.
Sino nga ba ang kumuha niyon? 'Langya naman! Pati ba naman iyon ay pagdidiskitahan nila? Paano na sila aabot ngayon niyan? Naku wala na ang garado nilang dalawa.
Nanlulumong lumabas sila ni January sa cafe. Hindi kasi nila alam kung paano maihahabol ang research paper nila.
"Isinusumpa kong hindi na ako papasok sa cafe na ito. Hindi ko lubos akalain na ito ang magiging dahilan para hindi ako maka-graduate ng senior high school," madamdaming wika ni January sa kanya at masama pa ang tingin nito sa cafe.
Ayaw niyang maging nega dahil pwede pa naman nilang i-print iyon at ipasa. Iyon nga lang bawas points na dahil hindi sila umabot sa nakatakdang oras. Terror pa naman teacher nilang iyon.
"Tara na. Makiusap na lang tayo kay Teacher Joy," wika niya sabay hila sa kaibigan pabalik ng paaralan.
Hindi pa sila tuluyang nakakaalis sa lugar na iyon nang may biglang humarang sa kanila. Si Shawn at dala-dala nito ang orange folder na naglalaman ng research paper nila.
Hulog talaga ito ng langit!