Chapter 2

1746 Words
Simula nang araw na iyon noong ibinalik ni Shawn ang research paper nila ni January ay halos araw-araw na silang magkita. Hindi naman iyong sinasadyang pagkikita ngunit nagkataon lang naman lalo na at nasa parehong tambayan lang naman sila. Kung noon ay dedma ito tuwing nagkakakita sila sa cafe, ngayon ay binabati na sila ng lalaki. Minsan nga ay nakiki-table pa ito sa kanila ni January. Maayos din ang turing sa kanila ng barkada ng binata at minsan ay niyayaya pa nga sila ng mga ito kahit na wala si Shawn. Hanggang sa ang pabati-bati ni Shawn sa kanya ay nauwi na sa panliligaw isang araw na nagpresenta itong ihatid siya sa bahay nila. "If that's okay with you, Mercy. Sa totoo lang kasi ay crush na kita noon pa man. Hindi ko lang masabi sa iyo dahil mas bata ka sa akin at mukha kang mataray noon. And then that day came and that was my chance," medyo nahihiyang wika ni Shawn sa kanya. Hindi rin ito makatingin sa kanyang mga mata. Nasa harap sila ngayon ng bahay nila. Hawak ni Shawn ang kanyang bag at mga libro. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan ang paghingi nito ng permiso na ligawan siya. Parang hindi kasi tipo ng lalaki ang manliligaw sa isang babae dahil sa itsura nito. Ang labas ay ang mga babae ang nanliligaw sa binata kaya naman sobrang namamangha at natutuwa siya na nagsabi ito sa kanya. Siyempre kilig na kilig siya ngunit hindi naman pwedeng ipahalata niya iyon dahil magmumukha siyang atat na atat at desperada. Inabot niya ang bag at mga libro na hawak-hawak ng binata. "Pwede bang pag-isipan ko muna, Shawn? Nakakabigla kasi," wika niya rito. Nakangiting tango naman ni Shawn sa kanya. "Hindi na kasi kaya nito," wika nito sabay tapik sa tapat ng dibdib niya. OMG! Kilig na kilig talaga siya at kung wala lang ang lalaki sa harapan niya ay kanina pa siya nagtatalon at nagtitili. Kaya naman para ilabas ang kilig na nararamdaman ay lihim na lang siyang napangiti matapos niyang tinalikuran ang binata. Pagdating sa kanyang kwarto ay agad niyang inabot ang kanyang unan, naupo at itinapik iyon sa kanyang mukha at basta na lamang tumili. Ipinagpag niya ang kanyang mga paa na animo'y nangingisay at may epilepsy. Abot langit ang pagkakangiti niya at hindi iyon mapuknat sa kanyang labi. Matapos ang eksenang iyon ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang best friend na si January. Kasasagot pa lamang nito ay impit na siyang napatili dahilan para sigawan siya ni January sa kabilang linya. "Anong nangyari sa iyo?" tanong sa kanya ng kaibigan matapos soyang kumalma. "Si Shawn," sagot niya. "Anong meron kay Shawn?" nagtatakang tanong naman ni January sa kanya. Nabi-visualize na niya ang mukha ng kaibigan habang tinatanong kung ano ang meron kay Shawn. "Bess, manliligaw raw siya," kinikilig na wika niya at nahiga sa kama yakap-yakap ang unan niya. "Ah! Kaya pala abot-langit iyang tili mo na para kang nasunugan. Akala ko pa naman kung ano na," turan sa kanya ni January. "Sinagot mo na?" Doon na siya natawa. "Grabe ka naman. Hindi naman ako ganoon kadesperada," sagot niya rito. "Hooo! Kunwari ka pa! Matagal mo nang hinihintay na mapansin ka ni Shawn at ngayon manliligaw na. Ano pa ba ang inaarte mo?" "Grabe ka naman, Bess," sagot niya sa kaibigan. Kahit naman crush na crush niya ang binata ay kailangan din naman niyang himigin ang kanyang sarili. Paano kung hindi naman pala niya ito mahal? Gusto rin naman niya na sure siya lalo na at kung papalarin ay first boyfriend niya si Shawn. "Basta, Bess. Kung gusto mo talaga siyang jowa ay sagutin mo na. Baka mamaya ay maumay sa iyo, sa kakahintay sa iyo at maghanap ng iba. Ikaw rin." "Kung seryoso talaga siya sa akin hindi mauumay agad iyon," sagot lamang niya at nagbakasali rin na hindi nga ganoon. Na sana ay seryoso sa kanya si Shawn. Hindi natapos doon ang pagkikita nila ni Shawn at ang panliligaw nito sa kanya na madalas ay kinakantiyawan at tinutudyo siya ng kaibigan. At labis niyang ikinatuwa iyon. Madalas din siyang hinihintay ni Shawn sa labas ng kanilang paaralan at ihatid sa kanilang bahay pagkatapos nilang magmeryenda kasama si January. Nasa harap sila ngayon ng kanilang bahay sakay ang kotse ng binata. "So see you tomorrow?" tanong nito sa kanya. "Sige. Magkita na lang tayo bukas. Salamat sa paghatid," sagot niya sa binata bago inabot ang pinto ng sasakyan nito. "Mercy?" tawag nito sa kanya nang akma niya isara ang pinto. "Pwede ba tayong lumabas mamayang gabi? Birthday ko kasi." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Birthday mo? Totoo?" Tumango naman ito sa kanya. "Pero bakit mo ako niyayaya? Hindi ba kayo magse-celebrate ng family mo?" "Busy sila sa trabaho," tipid na sagot nito sa kanya. "Ah ganoon ba? Magpapaalam pa ako kina Mama kung papayagan ako. Alam mo na gabi kasi," wika niya sa binata. Pilit na ngumiti ito sa kanya. "Sure. Tatawagan na lang kita mamaya," saad nito sa kanya bago magpaalam. "Uy, Ate. Sino iyong palaging naghahatid sa iyo?" tanong ng nakakabatang kapatid niyang si Ness nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay. "Si Shawn," tipid niya wika. "Talaga? Si iyon? Iyong crush mong matanda?" hindi nakapaniwalang tanong sa kanya ng kapatid. Hinila niya ang ilang hibla ng buhok nito dahil sa sinabi nitong matanda na si Shawn. Apat na taon lang naman ang tanda nilang dalaga. Hindi naman masyadong matanda iyon. Exaggerated naman itong kapatid niya. "Hindi naman matanda iyon. Tsaka ang gwapo-gwapo niya and take note nanliligaw siya sa akin!" impit na hiyaw niya sa kapatid. "Sigurado ka bang hindi naliligaw at nanliligaw talaga? Sa totoo lang, Ate parang hindi trustworthy eh." "Ness, naman! Mabait naman iyong tao. At tsaka sabi nga 'di ba 'Don't judge the book by its cover'. Hindi porke't ganoon ang tingin natin sa kanya ay ganoon na talaga siya. Alam mo birthday niya ngayon pero hindi raw sila magse-celebrate ng family niya dahil busy sila," pagkukwento niya sa kapatid. "At naniwala ka naman?" tanong ni Ness sa kanya. "Oo. Nag-check ako sa social media accounts niya at birthday talaga niya ngayon. Kawawa siya ano?" "So anong plano mo? Huwag mong sabihing kayo ang magse-celebrate? Naku, Ate hinay-hinay lang. Hindi ka pa nakaka-graduate ng high school," paalala sa kanya ng kapatid Ito talagang kapatid niya madalas mas matanda pa kung mag-isip keysa sa kanya. Madalas nga rin itong mapagkamalang ate niya dahil mas matangkad ito sa kanya at isang taon lang naman ang pagitan nila. Nasa grade eleven na ito samantalang grade twelve na siya. "Actually nag-invite siya na kung pwede kaming lumabas mamaya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kila Mama at Papa," kwento niya sa kapatid. "Sabihin mo ang totoo. Alangan namang magsinungaling ka? Alam mo namang ayaw na ayaw nila ng sinungaling," saad ni Ness sa kanya. Ngayon ay pinoproblema niya kung papaano sasabihin sa mga magulang ang bagay na iyon dahil talagang magagalit ang mga ito. Ayaw rin niyang magsinungaling sa mga ito. Pero gusto talaga niyang makasama si Shawn sa kaarawan nito. Kaya naman ay tinawagan niya ang kaibigang si January upang sunduin siya mamaya. Kinutsaba niya ito na mayroon silang group project na gagawin. Pumayag naman ang kaibigan kaya naghanda na siya sa tawag ni Shawn. Binilin din niyang maigi ang kanyang kapatid na tumango lamang at nagbilin na mag-iingat siya na huwag mabuking ng kanilang mga magulang. The best talaga ang kapatid niyang iyon kaya love na love niya ito. Sinundo siya ni January at sandamakmak na bilin ang sinabi nila sa isa't isa. Mahirap nang mahuli at mapagalitan. Inihatid siya ng kaibigan sa kinaroroonan ni Shawn na naghihintay sa kanya. "Shawn? Iuwi mo iyan sa oras na sinabi ko ha? Huwag kayong male-late dahil pangalanm ko ang nakasalalay riyan," bilin ni January kay Shawn. "Thank you. By ten ihahatid ko na siya sa inyo," sagot naman ni Shawn sa kaibigan. "Ingat, Bess," wika sa kanya ni January. "Tumawag ka ha?" Tumango siya bilang sagot dito at nagpaalam na silang aalis. Dinala siya ni Shawn sa isang mamahaling restaurant. Mahiya pa siya dahil sa suot niya ngunit balewala iyon sa binata dahil may reservation naman daw ito sa lugar na iyon. First time niyang makapasok sa ganoong klaseng restaurant kaya naman namamangha siya. Panay rin ang ngiti s akanya ni Shawn. "Sorry ha? First time ko kasing makapasok sa ganito," hinging-paumanhin niya sa binata. "No problem. Gusto mo rito tayo palagi?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Ha? Eh. Nakakahiya naman at tsaka bakit naman tayo pupunta rito palagi?" inosenteng tanong niya sa binata. "Kung sasagutin mo na ako, dito tayo laging magse-celebrate," sagot nito sa kanya. Kinuha nito ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mga mata. "May pag-asa ba ako sa iyo, Mercy? Sa totoo lang kasi gustong-gusto talaga kita. Iba ka sa mga nakilala kong babae. Hindi ka maarte at napaka-honest mo. Napakabuti mo rin na kung tutuusin ay hindi bagay sa kagaya ko." "Shawn?" Iyon lamang ang tanging nasabi niya. "Matagal na kitang gustong lapitan pero hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Lagi akong nag-aabang sa labas ng school niyo actually para makita ka." "Bolero ka talaga. Eh alam ko namang kaya ka nandoon dahil sa mga chick mo," bulalas niya sa binata. Natawa naman ito sa kanya ngunit dagli ring sumeryoso. "Seryoso ako sa iyo, Mercy. Iba ang sinasabi nito." Turo nito sa tapat ng dibdib nito. "Sana pagbigyan mo akong mapatunayan ang sarili at intensiyon ko sa iyo. Gusto kita. Mahal kita, Mercy." Tuwang-tuwa ang puso ni Mercy sa mga naririnig. Paano nga ba naman niya mapapatunayan kung totoo ang sinasabi ng binata kung hindi niya ito hahayaan. At parehas din naman pala sila ng nararamdaman. Mahal nila ang isa't isa kaya ano pa ang iniinarte niya. "Hindi mo ako niloloko? Baka pinaglalaruan mo lang ako," saad niya sa binata. "Seryosong-seryoso ako, Mercy. Mahal talaga kita. Birthday ko ngayon at ang wish ko ay sana sagutin mo na ako," madamdaming wika nito sa kanya. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya habang nakatitig sa mga mata ni Shawn. Makikita roon ang katapatan sa sinasabi nito sa kanya. Kaya naman hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Happy birthday, Shawn. Sinasagot na kita. Iyon ang gift ko sa iyo at sana ay magustuhan mo," nakangiting wika niya sa binata na agad namang tumayo at niyakap siya nang napakahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD